Ang Mga Selektibong Tagapigil ng Muling Pagsisipsip ng Serotonin (Ingles: Selective serotonin re-uptake inhibitors o serotonin-specific reuptake inhibitor at pinaikling SSRI) ay isang klase ng mga compound na tipikal na ginagamit bilang mga antidepressant sa paggamot ng depresyon, mga diperensiya ng pagkabalisa at ilang mga diperensiya ng personalidad.
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang pagiging epektibo ng mga SSRI ay tinutulan ng ilan sa kasalukuyan. Isinaad sa isang meta-analisis noong 2010 na, "Ang magnitudo ng benepisyo ng medikasyong plasebo... ay maaaring minimal(maliit) o hindi umiiral sa mga pasyenteng may mahinahon o mahinay na mga sintomas. Para sa mga pasyente na may matinding depresyon, ang benepisyo ng mga medikasyon kesa sa plasebo ay malaki.". Gayunpaman, hindi isinaalang alang ng pagsasaliksik na ito ang mga pag-aaral na inapruhan ng FDA(Food and Drug Administration) ng Estados Unidos kabilang ang mga gumamit ng plasebo na mga yugtong washout na tipikal na ginagamit bilang mga siyentipikong kontrol.
Clinical data | |
---|---|
AHFS/Drugs.com | ssri-antidepressants |
Pregnancy cat. | ? |
Legal status | ? |
Identifiers | |
ATC code | N06AB |
Chemical data | |
Formula | ? |
Ang mga SSRI ay pinaniniwalaang nagdadagdag ng ekstraselular na lebel ng neurotransmitter na serotonin sa pamamagitan ng pagpipigil ng muling pagsisipsip nito sa presinaptikong selula na nagpaparami ng lebel ng serotonin sa sinaptikong cleft na magagamit pa upang magbigkis sa post-sinaptikong reseptor. Ang mga ito ay may iba ibang digri ng selektibidad para sa ibang mga tagahatid ng monoamino na ang purong SSRI ay may mahinang apinidad lamang para sa tagahatid noradrenalino at dopamino.
Ang mga SSRI ang unang klase ng mga drogang sikotropika na natuklasan gamit ang rasyonal na pagdidisenyo ng droga na isang prosesong nagsisimula sa isang spesipikong inaasintang biolohikal at tapos ay lumilikha ng mga molekulang dinisenyo upang umapekto dito. Ang mga SSRI ang pinakamalawak na nirereseta ng mga doktor sa maraming mga bansa. Drugs in this class include (trade names in parentheses)
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Selektibong Tagapigil ng Muling Pagsisipsip ng Serotonin, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.