Ang San Mateo ay isang unang klaseng urbanong bayan ng Lalawigan ng Rizal sa Pilipinas.
Nakalagak ito sa pulo ng Luzon, at isa sa 13 mga munisipalidad at isang kabiserang lungsod na bumubuo sa Lalawigan ng Rizal, Rehiyon 4-A (Rehiyon ng Calabarzon) sa Katimugang Katagalugan ng Pilipinas. Kabahagi ang San Mateo ng Paikot na Urbanong Lansangan ng Metro Luzon (Metro Luzon Urban Beltway). Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 273,306 sa may 64,054 na kabahayan.
San Mateo Bayan ng San Mateo | |
---|---|
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng San Mateo | |
Mga koordinado: 14°41′49″N 121°07′19″E / 14.69694°N 121.12194°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Rizal |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Rizal |
Mga barangay | 15 (alamin) |
Pagkatatag | 29 Pebrero 1908 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Cristina C. Diaz |
• Pangalawang Punong-bayan | Jose Rafael E. Diaz |
• Manghalalal | 110,276 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 55.09 km2 (21.27 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 273,306 |
• Kapal | 5,000/km2 (13,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 64,054 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 4.22% (2018) |
• Kita | ₱797,887,464.32 (2020) |
• Aset | ₱1,835,617,070.59 (2020) |
• Pananagutan | ₱752,874,574.38 (2020) |
• Paggasta | ₱833,461,750.76 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 1850 |
PSGC | 045811000 |
Kodigong pantawag | 2 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | sanmateo.gov.ph |
May dalawang magkaibang salaysay tungkol sa pagkakatatag ng San Mateo. Ang una, ayon kay Padre Gaspar de San Agustin sa kanyang aklat na Conquistas de las Islas Filipinas, ay ang pagtatatag ng mga Agustino sa bayan noong 1572. Sa ikalawang salaysay, sinasabing ipinadala ni Miguel López de Legazpi ang kanyang pamangking si Juan de Salcedo dalawang taon bago siya lumapag sa Maynila. Ito ay upang paghandaan ang pagpapasinaya ng lungsod na ginawa noong 24 Hunyo 1571.
Taong 1596 ng unang magkaroon ang bayan ng simbahan bagamat may salaysay na nagsasabing naitatag na ang Parokya ng San Mateo noon pang 1572. Ayon sa kasaysayang isinulat ng Agustinong nagngangalang Padre Cavada, taong 1596 ng itayo ang unang simbahan sa bansa sa katimugan ng kasalukuyang poblacion ng San Mateo. Ang apostol na si San Mateo ang naging patron ng simbahang ito.
Isa pang salaysay ukol sa pagbibinyag ng pangalang San Mateo ay nagmula sa kuwento ng pagkakatagpo sa lugar na ngayon ay kinatatayuan ng bayan. Isa sa mga Kastilang nagliligid at marahil ay isang kapatas sapagkat siya ay may hawak na aklat sa isang kamay at panulat sa kabila ay nakatayo na animo'y isang imahen ng santo. Sa gayon, ang isang kasama ay tumawag at nagsabing,
"Kaibigan, sa ayos mong iyan ay kamukha mo si San Mateo."
Si San Mateo, sapagka't isa sa sinasabing sumulat ng Ebanghelyo, ay inilalarawan na may hawak na aklat at pluma sa mga kamay.
Ang bayan ng San Mateo ay matatagpuan sa Lambak ng Marikina. Binabagtas ng Ilog Marikina ang kanlurang bahagi ng bayan samantalang ang Ilog Nangka ay dumadaloy sa timog. Tinatayang nasa 24 kilometro hilagang-silang ng Lungsod ng Maynila ang San Mateo. Kinahahanggan ng bayan sa hilaga ang bayan ng Rodriguez, sa kanluran ang Lungsod Quezon, sa silangan ang lungsod ng Antipolo, at sa timog ang lungsod ng Marikina.
Ang malaking bahagi ng bayan ay kinatatayuan ng mga pamayanan habang ang silangang bahagi ay binubuo ng matataas ng lugar na nasa paanan ng kabundukan ng Sierra Madre.
Binubuo ng 15 barangay and San Mateo.
Barangay | Lawak (km²) | Populasyon (2010) | Kapal ng Populasyon (/km²) |
---|---|---|---|
Ampid 1 | 1.316 | 27,365 | 20,794.07 |
Ampid 2 | 0.245 | 3,685 | 15,040.82 |
Banaba | 1.382 | 21,553 | 15,595.51 |
Dulong Bayan 1 | 0.5879 | 5,030 | 8,555.88 |
Dulong Bayan 2 | 4.3 | 6,837 | 1,590 |
Guinayang | 2.73 | 7,167 | 2,625.27 |
Guitnang Bayan 1 | 4.12 | 24,707 | 5,996.84 |
Guitnang Bayan 2 | 6.14 | 13,680 | 2,228.01 |
Gulod Malaya | 1.394 | 8,564 | 6,143.47 |
Malanday | 3.53 | 13,544 | 3,836.83 |
Maly | 5.65 | 14,905 | 2,638.05 |
Pintong Bukawe | 7.53 | 4,080 | 541.83 |
Silangan | 7.655 | 33,942 | 4,433.96 |
Sta. Ana | 0.8 | 9,176 | 11,470 |
Sto. Niño | 0.8711 | 11,020 | 12,650.67 |
Ang sentro ng komersyo ng San Mateo ay matatagpuan sa gitna ng maraming pamayanan. Ang isa sa sa mga pook pangkomersyo ay nagsisimula sa pampublikong pamilihan sa Barangay Guitnang Bayan II at dinadaanan ng lansangan patungong Rodriguez at ng kalye ng Daangbakal. Ang lugar ay kinaroroonan ng mga institusyong pinansyal, pampublikong pamilihan, restawran at maliliit na kainan, at mga tindahan.
Isa pang maituturing na pook pangkomersyo ay ang kanto ng Delos Santos at Gen. Luna sa Barangay Ampid I, gayundin ang lugar malapit sa pamilihan sa Barangay Banaba at ang kanto ng Patiis at Gen. Luna sa Barangay Malanday.
Sinasabing ang unang larawan ng Nuestra Señora de Aranzazu ay dinala sa Pilipinas lulan ng barkong galyon mula sa Oñate, Espanya kung saan sinasabing nagpakita ang Birhen ng Aranzazu. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa San Mateo ang natatanging parokya sa Pilipinas na ipinangalan sa Birhen ng Aranzazu. Noong 4 Hunyo 2004, inihayag ang simbahan ng Aranzazu bilang Pangdiyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Aranzazu.
Matatagpuan naman sa Pintong Bukawe ang Camp Sinai kung saan matatanaw ang Sierra Madre, Laguna de Bay, at ang kalunsuran. Dito rin makikita ang mga tableta ng Sampung Utos na kasalukuyang pinakamalaki sa mundo.
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 4,510 | — |
1918 | 4,841 | +0.47% |
1939 | 6,134 | +1.13% |
1948 | 6,811 | +1.17% |
1960 | 12,044 | +4.86% |
1970 | 29,183 | +9.24% |
1975 | 38,955 | +5.96% |
1980 | 51,910 | +5.91% |
1990 | 82,310 | +4.72% |
1995 | 99,217 | +3.56% |
2000 | 135,603 | +6.93% |
2007 | 184,860 | +4.37% |
2010 | 205,255 | +3.88% |
2015 | 252,527 | +4.03% |
2020 | 273,306 | +1.57% |
Sanggunian: PSA |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article San Mateo, Rizal, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.