Ang loganberi o ratiles ni Logan (Ingles: loganberry; Rubus × loganobaccus) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy (blackberry) at ng raspberi/sapinit (raspberry) o dewberry (Rubus sect.
Eubatus). Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula-mulang purpura. Kauri ito ng titaw, banut, atibulnak, datung, palanaw, bunot, pilay, at duhat.
Loganberi | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Dibisyon: | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Rubus |
Espesye: | R. × loganobaccus |
Pangalang binomial | |
Rubus × loganobaccus L.H. Bailey |
Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan (1841-1928, kilala rin bilang J. H. Logan), isang Amerikanong manananggol at hortikulturista. Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz, California. Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman, Puno at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Ratiles ni Logan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.