Ang pandarambong (Ingles: plunder) ay isang krimen na inilalarawan sa Akto ng Republika Bilang 7080 (Ingles: Republic Act No.
7080) ng Pilipinas at inamiyendahan sa Akto ng Republika Bilang 7659 na:
Sinumang opiser na publiko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kinuha sa masamang kayamanan (ill-gotten wealth) sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Sinumang tao na lumahok sa sinasabing opiser sa paggawa ng kasalanang nag-aambag sa krimen ng pandarambong ay parehong paparusahan sa gayong pagkakasala. Sa pagpapatupad ng mga parusa, ang digri ng pakikilahok at ang pag-iral ng nagpapagaan at nagpapabawas na mga sirkunstansiya gaya ng isinasaad ng Binagong Kodigo ng Pagpaparusa (Revised Penal Code) ay isasaalang alang ng korte. Ang korte ay magsasaad ng anuman at lahat ng mga nakuha sa masamang paraan (ill-gotten wealth) at mga interes nito at iba pang mga kita at pag-aari kabilang ang mga ari-arian at bahagi sa stock na hinango sa deposito o pamumuhunan nito ay isusuko na pabor sa estado.
Ang nakuha sa masamang kayamanan (ill-gotten wealth) ay nangangahulugang anumang ari-arian, pag-aari, negosyo o materyal na pinanghahawakan ng sinumang tao sa saklaw ng seksiyon 2 (tingnan sa taas) na nakamit nito ng direkta o hindi direkta sa pamamagitan ng mga dummy (ahensiya o taong sikretong nagsisilbi sa isa pang tao), mga nominado, ahente, mga nasasakupan at/o mga ka-negosyo sa pamamagitan ng anumang kombinasyon o sunod sunod ng mga sumusunod na paraan o mga katulad na pakana:
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Pandarambong sa Pilipinas, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.