Pakikipag-Ugnayang Pahapyaw

Ang pakikipag-ugnayang pahapyaw, pakikipag-ugnayang panandalian, pakikipag-ugnayang impormal, pakikipag-ugnayang hindi pangmatagalan, pakikipag-ugnayang kaswal, o ugnayang maluwag (Ingles: casual relationship, fling) ay isang pangkatawan o pisikal at pandamdaming pakikipag-ugnayan o ugnayan sa pagitan ng dalawang tao na maaaring may pakikipag-ugnayang seksuwal o pampagtatalik (isang sitwasyong tinatawag na pakikipagkaibigang may benepisyo, pakikipagkaibigang pampagtatalik, pakikipagkaibigang may pakinabang, pakikipagkaibigang may pagkinabang, pakikipagkaibigang impormal, o pakikipagkaibigang seksuwal)) o isang halos pampagtatalik o seksuwal na ugnayan na hindi talaga nangangailangan ng paghingi o paghiling o umaasa ng dagdag na paninindigan na makikita sa isang mas pormal na pakikipag-ugnayang romantiko.

Ang mga motibo para sa mga ugnayang kaswal ay nag-iiba-iba. Mayroong mahahalagang mga pagkakaibang pangkasarian at pangkultura sa pagtanggap ng at lawak ng mga ugnayang pahapyaw, pati na sa panghihinayang hinggil sa pagkilos o hindi pagkilos sa ganitong mga ugnayan.

Ang isang ugnayang kaswal ay maaaring minsanan lamang, o para sa loob ng maiksing panahon, at maaari o maaaring hindi monogamo. Ang katawagang ito ay nagsasangkot ng mga pagkakaibigan sa pagitan ng mga tao na nakakakuha ng kasiyahan sa pagiging matalik nila na pangkatawan subalit hindi naghahangad na maging pangmatagalan, at maaari o maaaring hindi kasangkutan ng mga partidong nagnanais ng pansamantalang ugnayan para sa layunin ng kasiyahang seksuwal. Sa bawat isang kasong ito, ang pangingibabaw ng ugnayan sa mga buhay ng mga kasangkot ay kusang may hangganan o mayroong limitasyon, at pangkaraniwan na mayroong isang diwa o pagdama na ang ugnayan ay nilalayon na magtagal lamang habang o hangga't ang mga partido o magkabilang panig ay nagnanais nito o malagay sa ganitong kalagayan.

Kaiba ang ugnayang kaswal mula sa pagtatalik na pahapyaw, na may kaunti o walang elementong pandamdamin, at mula sa isang pang-isang gabing pagtatalik, dahil ang ugnayan ay lumalampas sa isang enkuwentrong seksuwal o may pagtatalik. Hanggang sa kalagayan na nagkaroon ng kaswal na pagniniig na seksuwal, ang ugnayan ay pangkalahatang nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga kagustuhang seksuwal, sa halip na pangpag-ibig, romansa, o pangdamdaming mga pangangailangan. Paminsan-minsan, ang pakikipag-ugnayang seksuwal ay kinabibilangan ng pagtangkilik o pagsuportang nagbibigayan at sabayan, apeksiyon at kaaliwan, na makikita sa iba pang mga uri o anyo ng pakikipag-ugnayang may pagmamahalan.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Pakikipag-ugnayang seksuwal

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Antonio LunaJosefa Llanes EscodaKatauhang pangkasarianMyrna DelgadoUnyong EuropeoDuhatMahal na ArawPatutotLabanan sa MactanBatangasKagawaran ng EdukasyonAlpabetong FilipinoLibangan (gawain)Parusang kamatayanBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Reporma sa lupaPanaginipKagat ng asoHimagsikang PilipinoAklanTalampasDatosNoli Me Tángere (nobela)SiningSeverino ReyesAnak (pelikula)DaigdigSalagubangCariñosaPang-angkopBawal na gamotTambalanPelikulaAsyaKatarunganDyords JavierKasanayanSakutingSikolohiyang PilipinoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaLiksiIslam sa PilipinasBacolodKasoyWalisVladimir LeninImpeksiyon sa daanan ng ihiPangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoBodabilTeodora Realonda y QuintosAparriYantokWatawat ng PilipinasKatamArtikuloGamugamoKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasPamahalaanRelihiyon sa PilipinasKasalanTulinganPangulo ng PilipinasPakikipagtalastasanLungsod QuezonBinangonanPapelKaragatang Kanlurang PilipinasTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanHermano PuleHuwaranLeonor RiveraKasingkahuluganHaponImplikasyonBangungotMIMAROPAPantayong pananawJuan LunaJulian Banzon🡆 More