Noah Webster

Si Noah Webster (16 Oktubre 1758 - 28 Mayo 1843) ay ang kinikilalang ama ng baybaying may kapayakan, at maging ng karapatang-ari (copyright) sa Estados Unidos.

Noah Webster
Noah Webster
Kapanganakan16 Oktubre 1758
    • West Hartford
  • (Capitol Planning Region, Connecticut, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan28 Mayo 1843
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposYale University
Trabaholeksikograpo, lingguwista, mamamahayag, politiko, manunulat
Pirma
Noah Webster

Talambuhay

Si Noah Webster ay ipinanganak noong 16 Oktubre 1758 sa Kanlurang Bahagdan ng Hartford, Connecticut, sa isang may kayang mag-anak. Ang kanyang amang si Noah, Sr. (1722-1813), ay isang magsasaka. Ang kanyang ama ay anak ng dating Gobernador ng Connecticut na si John Webster; ang kanyang ina, si Mercy (née Steele; d. 1794) ay anak ni Gobernador William Bradford ng Kolonya ng Plymouth. Si Noah ay may dalawang kapatid n a lalaki, (si Abraham (1751-1831) at Charles (b. 1762)), at dalawang kapatid na babae (si Mercy (1749-1820) at Jerusha (1756-1831)). Ang kanyang tahanan noong baya pa siya, ang Bahay ni Noah Webster, ay isa na ngayong Pambansang Tanda ng Kasaysayan at isang museo.

Noah Webster 
Ang tahanan ni Noah Webster, kung saan niya binuhay ang kanyang mag-anak at kung saan niya sinulat ang karamihan ng kanyang mga limbag kasama na ang Talatinigang Amerikano ng Wikang Ingles. Tinayo noong 1823 sa New Haven, Connecticut.

Sa edad na 16, Nagsimulang mag-aral si Noah sa Dalubhasaang Yale. Ag kanyang apat na taon sa Yale ay naabutan ng Digmaang Himagsikang Amerikano, at dahil sa kakulangan ng pagkain, karamihan sa kanyang mga klase sa dalubhasaan ay ginanap sa Glastonbury, Connecticut. Naglingkod din siya sa Hukbong Connecticut noong Himagsikang Amerikano.

Nang makapagtapos siya sa Yale noong 1778, ninais ni NOah na ituloy ang kanyang pag-aaral upang matamasa niy ang degree sa batas. Nagturo siya sa paaralan sa Glastonbury, Hartford, at sa Kanlurang Hartford upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral. Nakuha niya ang degree sa batas noong 1781 ngunit hindi nagampanan hanggang 1789, kung saan hindi niya pa nais ang batas. Kaya, sinubukan niyang magturo, bumuo ng ilang maliliit na mga paaralan ngunit hindi naging matagumpay.

Napangasawa ni Webster si Rebecca Greenleaf (1766-1847) noong 26 Oktubre 1789 sa New Haven, Connecticut. Nagkaroon sila ng walong anak: sina Emily Schotten (1790-1861), Frances Julianna (1793-1869), Harriet (1797-1844), Mary (1799-1819), William Greenleaf (1801-1869), Eliza (1803-1888), Henry (1806-1807), at Louisa (b. 1808).Mahilig si Webster magdala ng mga pasas at kendi sa kanyang bulsa upang matuwa ang kanyang mga anak.

Maayos ang buhay may-asawa ni Webster at nakakasalamuha ang mga mayayaman sa Hartford subalit wala gaanong salapi. Noong 1793, pinautang siya ni Alexander Hamilton ng $1,500 upang makalipat siya at ang kanyang mag-anak sa Lungsod ng New York upang mag-edit ng isang pahayagang Federalista. Noong Disyembre, natagpuan niya ang kauna-unahang arawang pahayagan ng New York, ang American Minerva (na naging The Commercial Advertiser). Nag-edit siya dito ng apat na taon.

Sa mga dekadang lumipas, siya ay naging isa sa mga magagaling na may-akda sa bagong bansa (Estados Unidos), naglilimbag ng mga aklat, nagsasanaysay sa politika para sa partidong Federalista, at gumagawa ng artikulo sa pahayagan sa isang kamangha-manghang bilis (ang isang makabagong bibliograpiya na kanyang mga gawang inilimbag ay nangangailangan ng 655 na pahina).

Iba pang mga akda

  • A Grammatical Institute of the English Language (Isang Institusyong Pangbalarila ng Wikang Ingles), (1783)
  • Sketches of American Policy, (1785)
  • A Compendious Dictionary of the English Language, (1806)
  • Philosophical and Practical Grammar of the English Language, (1807)
  • mga pagbabago sa Authorized Version of the English Bible, (1833)

Mga sanggunian

Tags:

AmaBaybayinEstados UnidosKarapatang-ari

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BabaeAurora (lalawigan)Ikatlong Republika ng PilipinasUrdanetaAli Baba at ang Apatnapung MagnanakawAnekdotaSeverino ReyesImplikasyonTrece MartiresKasunduan sa Paris (1898)Adolf HitlerBahaLaissez-faireGautama BuddhaRamon ObusanNarutoPanggagahasaRusyaLipunanAng Isang Libo't Isang GabiLa NiñaDigmaang Ruso-UkranyoNelson MandelaGuyabanoMitolohiyaInhenyeriyaIsraelMiguel MalvarJuan LunaBataan Nuclear Power PlantPamahalaanAIDSKooperatibaTalumpati sa Kalagayan ng Bansa (Pilipinas)Teorya ng realismoHimagsikang pang-aghamIliganLiberalismoButuanAd hominemKomiksKalakhang MaynilaKasaysayanTalaarawanHukbong Dagat ng PilipinasBhutanKomunismoTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogJean-Jacques RousseauTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasSpoliariumVoccaJosé Basco y VargasMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasPanggagahasa sa PilipinasNgWilliam ShakespeareTulinganBambiMagna CartaTeodoro AgoncilloKapayapaanGABRIELALupang HinirangPariralaTradisyong-pambayan ng IndiaPahayaganSiningKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasPelikulang PilipinoPangkat etnikoKapitalismoPilipinoMapilindoEditoryalKagawaran ng Transportasyon🡆 More