Misyong Diplomatiko

Ang misyong diplomatiko (literal na misyong pandiplomasya) ay isang pangkat ng mga tao o kalipunan ng mga mamamayan mula sa estado (bansang may pamahalaan) o isang pandaigdigang organisasyong intergobernamental (katulad ng Mga Bansang Nagkakaisa) na naroroon sa ibang estado upang katawanin ang nagpadalang estado o organisasyon sa tumatanggap na estado.

Sa gawain at nakaugalian, ang misyong diplomatiko ay karaniwang nagpapahiwatig ng misyong permanente o misyong pamalagian, partikular na ang tanggapan ng mga kinatawang diplomatiko ng isang bansa sa loob ng kabiserang lungsod ng ibang bansa. Bukod sa pagiging isang misyong diplomatiko sa bansang kinalalagyan nito, ito ay maaari ring maging isang misyong permanente na “hindi naninirahan” o “hindi residente” sa isa o mahigit pang ibang mga bansa. Kung gayon mayroong mga embahadang residente (naninirahan) at hindi residente (hindi naninirahan) sa ibang bansang kinalalagyan.

Misyong Diplomatiko
Embahada ng Espanya sa Banal na Luklukan at Soberanong Ordeng Militar ng Malta sa Roma
Misyong Diplomatiko
Embahada ng Norwuega sa Estados Unidos, sa Washington D.C.
Misyong Diplomatiko
Maramihang mga embahada sa isang lokasyon: Ang mga embahada ng Dinamarka, Pinlandiya, Islandiya, Norwuega, at Suwesya sa isang joint compound saBerlin, Alemanya.

Pagpapangalan

Ang isang misyong diplomatiko o misyong pangdiplomasya ay pangkaraniwang o kalimitang tinatawag bilang isang embahada o pasuguan ang isang pamalagiang misyong diplomatiko, at tinataguriang embahador (sinugo o sugo) ang taong nangangasiwa, namamahala, o namumuno sa misyon. Ang katagang “embahada” ay kadalasang tumutukoy sa isang gusali o kompawnd na nagbabahay ng mga tanggapan ng embahador at ng mga tauhan niya. Teknikal na ang “embahada” ay tumutukoy sa mismong delegasyong dimplomatiko, habang ang gusaling tanggapan kung saan sila nagtatrabaho ay nakikilala bilang isang tsanserya (chancery sa Ingles). Samantala, mga mataas na komisyon ang tawag naman sa mga misyon sa pagitan ng Komonwelt ng mga Nasyon at mga mataas na komisyonado (high commissioner sa Ingles) ang tawag sa kanilang mga pinuno.

Ang mga embahador o ambassador sa Ingles ay maaaring manirahan sa loob o sa labas ng tsanserya; bilang halimbawa, ang mga misyong deplomatiko ng Estados Unidos ay nagpapanatili ng nakahiwalay na pabahay para sa kanilang mga embahador bukod pa sa kanilang mga embahada. Ang mga embahador na naninirahan sa labas ng tsanserya ay nakapagpapanatili ng natatanging proteksiyon mula sa puwersang pangseguridad ng nagpapasinayang bansa at ang mga residensiyang ambasadoryal ay nakatatanggap ng katulad na mga karapatang pangmisyon.

Ang lahat ng mga misyon para sa Mga Nagkakaisang Bansa ay payak na tinatawag bilang mga misyong permanente o misyong pamalagian (mga permanent mission sa katawagang Ingles). Isang pamalagiang kinatawan at isang embahador (pamalagiang sugo) ang karaniwang namumuno sa ganitong mga misyon. Samantala, ang mga misyon para sa Unyong Europeo ng mga kasapi o miyembrong estado ng Unyong Europeo ay tinatawag naming mga permanenteng representasyon (mga permanent representation) at ang ulo o pinuno ng ganyang misyon ay tipikal na kapwa isang representatibong permanente (kinatawang pamalagian) at isang embahador o ambasador. Ang mga misyon ng Unyong Europeo na nasa ibayong-dagat ay kinikilala bilang mga delegasyon ng EU o delegasyon ng Unyong Europeo (mga EU delegation). Ilang mga bansa ang may mas partikular na pagpapangalan o pagtawag para sa kani-kanilang mga misyon at mga tauhan.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

BansaDiplomasyaKabisera (pulitikal)Mga Bansang NagkakaisaPamahalaan

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

HardinEkonomiya ng PilipinasSara DuterteBansang umuunladWikang TagalogIntramurosMedisinaSundiata KeitaOrganisasyong di-pampamahalaanKomisyon sa Wikang FilipinoRamayanaBugtongManokPortugalDasmariñasPang-aapi sa InternetPagkamalikhainArko ni NoeKagawaran ng Paggawa at EmpleoSimbolismo (sining)Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalJohannes KeplerPilipinasFanny GarciaEspiritwalidadKanser sa susoMga Tao ng PalawanAlthea AblanBatas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012Pangalawang Pangulo ng PilipinasGomburzaPamahalaan ng PilipinasSinturong pangkaligtasanHIVPariralaKababaihan sa PilipinasPagpapalaglagLa Liga FilipinaKultura ng AsyaBudismoZoroastrianismoPagbabago ng klimaBoy AbundaSanggunianFacebookBarangayPamilihanSimbahang Katolikong RomanoKasoyKompyuterCharo Santos-ConcioBernardo CarpioTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogBiyernes SantoBuod (paglilinaw)PisoAAAPag-ibigImperyong OtomanoMali (bansa)Kalakhang MaynilaIbonTalaan ng mga bagyo sa PilipinasTransportasyon sa PilipinasAntonio LunaAristotelesAIDSImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoPanggagahasa sa PilipinasSenado ng PilipinasPaunang lunasSakit na naipapasa sa pakikipagtalikABS-CBNKathryn BernardoWikang Kastila sa PilipinasBicolEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaSawikain🡆 More