Lutuing Taylandes

Ang lutuing Taylandes (Thai: อาหารไทย, RTGS : ahan thai, binibigkas ) ay ang pambansang lutuin ng Taylandiya.

Lutuing Taylandes
Yam wun sen kung : isang maanghang na ensaladang Taylandes na may sotanghon at sugpo

Binibigyang-diin ng lutong Taylandes ang mga gaan-handang pagkain na may mga napakasamyong sangkap at maanghang na katangian. Inobserba ni David Thompson, isang kusinerong Australyano at dalubhasa sa pagkaing Taylandes, na hindi kagaya ng karamihan ng mga ibang lutuin, ang lutong Taylandes ay "tungkol sa pagbabalanse ng mga magkakaibang elemento upang lumikha ng pagkakasundo sa katapusan. Tulad ng isang komplikadong kuwerdas sa musika, kailangang makinis ang rabaw nito ngunit hindi mahalaga kung ano ang nangyayari sa ilalim. Hindi talaga kasimplihan ang sawikain dito."

Mayroong apat na kategorya sa tradisyonal na lutuing Taylandes humigit-kumulang: tom (mga pinakuluan), yam (mga ensaladang maanghang), tam (mga dinikdik na pagkain), at kaeng (mga kari). Pagpritong-lubog, paggisa at pagpapakulo ang mga pagluluto mula sa lutuing Tsino.

Noong 2017, pitong pagkaing Taylandes ang lumabas sa talaan ng World's 50 Best Foods (50 Pinakanais na Pagkain sa Mundo), isang botohang online ng 35,000 katao sa buong mundo hatid ng CNN Travel. Daig ng Taylandiya ang lahat ng ibang bansa sa bilang ng pagkain na nasa listahan: tom yam kung (ika-4), pad thai (ika-5), som tam (ika-6), karing massaman (ika-10), karing berde (ika-19), sinangag Taylandes (ika-24) at nam tok mu (ika-36).

Mga sanggunian

Tags:

LutuinThailandWikang Thai

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Anyong tubigSingawMasbateDengueChristopher de LeonEpiko ni GilgameshSeverino ReyesAd hominemPangalawang Pangulo ng PilipinasMeycauayanDasalan at TuksuhanEbolusyonPanunumpa ng Katapatan sa WatawatIfugaoTeleponoPangkat etnikoBambiPelikulaUnang PahinaKagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanCrazy Beautiful YouOrasanDekada '70 (pelikula)Amado V. HernandezABS-CBNHenry HudsonApdoAbogadoWikaBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasGomburzaPropagandaSaudi ArabiaKulturaKababaihan sa PilipinasTeoryang pampanitikanDeogracias RosarioPanghalipHimagsikanTekstoUnang Republika ng PilipinasDipologIbn SaudAndrés BonifacioChristopher ColumbusDigmaang NapoleonikoPilipinoNobelaLikas na yamanGawad sa Manlilikha ng BayanAgrikulturaVintaKasangkapang pangtugtogCOVID-19Pag-ibigÑGregorio del PilarPanday (komiks)Ekonomiya ng PilipinasTalaarawanKolonyaPatinteroHinduismoOptimismoUgandaRomeo at JulietaHalalanKasunduan sa VersaillesAkira KurosawaKalakhang MaynilaPagkalulong sa bawal na gamotLGBTMiguel MalvarSigaw ng Pugad LawinTagu-taguanKita🡆 More