Herusalem: Makasaysayang lungsod sa Gitnang Silangan

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay.

Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong AbraamikoHudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.

Herusalem

Lungsod
Mula sa itaas-kaliwa: Tanawin ng Herusalem mula sa Monasteryong Mar Elias, isang souq sa Sinaunang Lungsod, Liwasang Mamilla, ang Knesset, ang Simboryo ng Bato, ang kuta (kilala bilang Torre ni David) at ang mga Sinaunang Pader, at ang Pader sa Kanluran.
Mula sa itaas-kaliwa: Tanawin ng Herusalem mula sa Monasteryong Mar Elias, isang souq sa Sinaunang Lungsod, Liwasang Mamilla, ang Knesset, ang Simboryo ng Bato, ang kuta (kilala bilang Torre ni David) at ang mga Sinaunang Pader, at ang Pader sa Kanluran.
Bandera ng Herusalem
Watawat
Eskudo de armas ng Herusalem
Eskudo de armas
Palayaw: 
Ir ha-Kodesh (Ang Banal na Lungsod),
Bayt al-Maqdis (Tahanan ng Kabanal-banalan)
Lokasyon ng Jerusalem
Lokasyon ng Jerusalem
Herusalem
Mga koordinado: 31°47′N 35°13′E / 31.783°N 35.217°E / 31.783; 35.217 35°13′E / 31.783°N 35.217°E / 31.783; 35.217
Pinangangasiwaan ngHerusalem: Kasaysayan, Administrasyong munisipal, Kabuluhang panrelihiyon Israel
Inaangkin ngIsrael and Palestina
Distrito ng IsraelPadron:Country data Jerusalem District
Gobernador ng mga PalisteoHerusalem
Bukal ng Gihon3000-2800 BCE
Lungsod ni Davidc. 1000 BCE
Ginawa ang kasalukuyang pader ng Sinaunang Lungsod1541
Hating Silangan-Kanluran ng Herusalem1948
Pagkakaisa1967
Batas Herusalem1980
Pamahalaan
 • UriAlkalde-Konseho
 • KonsehoMunisipalidad ng Herusalem
 • Alkaldeng IsraeliMoshe Lion (Likud)
 • Alkaldeng Palesteo (Silangan)Zaki al-Ghul (titulo lamang)
Lawak
 • Lungsod125,156 dunams (125.156 km2 or 48.323 milya kuwadrado)
 • Metro
652,000 dunams (652 km2 or 252 milya kuwadrado)
Taas
754 m (2,474 tal)
Populasyon
 (2015)
 • Lungsod865,721
 • Kapal6,900/km2 (18,000/milya kuwadrado)
 • Metro
1,253,900
mga demonymJerusalemite (Yerushalmi)
Qudsi/Maqdisi
Demograpiko (2016)
 • Mga Hudyo64%
 • Mga Arabo35%
 • iba pa1%
Sona ng orasUTC+02:00 (IST, PST)
 • Tag-init (DST)UTC+03:00 (IDT, PDT)
Kodigong koreo
9XXXXXX
Kodigong pantawag+972-2
HDI (2017)0.704 – mataas
Websaytjerusalem.muni.il

Ayon sa Bibliya, sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel, at ang kanyang anak na si Salomon, ang nagpaggawa ng Unang Templo.

Kasaysayan

Ang Sinaunang Herusalem ay ang pinakamahalagang lungsod sa loob ng Sinaunang Israel. Sa kapanahunan ng Bibliya, ito ang kapital o kabisera at pook na pinagtayuan ng templo ng Diyos. Tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Jebus o Hebus, Zion o Sion, Lungsod ni David, at Lungsod ng Diyos. Katulad din ng dahilan pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ng marami pang ibang mga makabagong lungsod sa kasalukuyan ang dahilan kung bakit marami ring naging pangalan ang Sinaunang Herusalem. Nagmula ang mga tawag dito buhat sa iba't ibang mga kapanahunan sa kasaysayan, partikular na mga katangian ng lungsod, o mga pangyayari sa lungsod. Noong Panahon ng mga Hukom, tinawag na Jebus o Hebus ang lungsod ng Herusalem dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng mga Jebuseo (o Hebuseo; mga Jebusite sa Ingles). Kaugnay ng katawagang Sion o Zion, dating isa lamang itong pangalan ng isang tagaytay o gulod na malapit sa Lambak ng Kidron ng Herusalem, ngunit lumaong naging kasingkahulugan na ng buong Lungsod ng Herusalem. Naging bantog ang bansag na Lungsod ni David noong panahon ni Haring David at maging pagkaraan ng kapanahunan ng paghahari niya. Sa Bibliya, tinatawag din ang Sinaunang Herusalem bilang Lungsod na Mahal.

Administrasyong munisipal

Ang panlungsod na konseho ng Herusalem ay binubuo ng 31 binotong mga kasapi at pinamumunuan ng alkalde, na naglilingkod ng limang taon at nagtatalaga ng walong kinatawan. Ang mga kasapi sa panlungsod na konseho ay boluntaryo ang pagtatrabaho at walang natatanggap na suweldo. Ang pinakamatagal na namuno bilang alkalde ng Herusalem ay si Teddy Kollek, na namuno ng 28 taon (anim na magkakasunod na termino).

Kabuluhang panrelihiyon

Ang Herusalem ay sagrado sa Hudaismo sa loob ng 3,000 taon, sa Kristiyanismo ng 2,000 taon, at sa Islam ng 1,400 taon.


Mga sanggunian

Tala

Tags:

Herusalem KasaysayanHerusalem Administrasyong munisipalHerusalem Kabuluhang panrelihiyonHerusalem Mga sanggunianHerusalem TalaHerusalemDagat MediteraneoDagat PatayGitnang SilanganHudaismoIslamIsraelKristiyanismoMga Relihiyong Abraamiko

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PagmamanupakturaUnang Digmaang OpyoTugtuging pambayan sa PilipinasPamayananEpektong greenhouseBuwisLangkaPinyaTalabaBongbong MarcosPatolaBangko Sentral ng PilipinasRebolusyong industriyalDouglas MacArthurImperyalismoLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiSagisag ng Republika ng PilipinasIkalawang Digmaang Sino-HaponesManuel L. QuezonSilid-aralanGintoKolonyalismoLino BrockaProklamasyon Blg. 1081EutanasyaÑHacienda LuisitaSibuyasTanauanJosé de la CruzPenomenolohiya (pilosopiya)ApdoBurol (seremonya)HesusMartsa ng Kamatayan sa BataanAsyaLapayPangasinanUpuanChiang Kai-shekSakit sa pag-iisipKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Matinding DepresyonPananaliksikHikaPurgatoryoPagkabalisaPamilyaGabinete ng PilipinasSalawikainReporma sa lupaMuntinlupaTarlacHadhadCOVID-19Daniel PadillaKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)MonologoNueva EcijaIslam sa PilipinasUnibersidad ng Santo TomasSitawAwtoritarismoMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaHaponKagat ng alupihanLakandulaLokal na pamahalaan ng PilipinasMga kagamitang metalAbakaBibiNazismoTukoTalon (tubig)BoholKulturaSaknongMyrna Delgado🡆 More