Cnn

Ang Cable News Network (CNN) ay isang multinasyunal na pambalitang estasyong kaybol na may punong-tanggapan sa Atlanta, Georgia, Estados Unidos.

Pagmamay-ari ito ng CNN Global, na bahagi ng Warner Bros. Discovery. Itinatag ito noong 1980 ng propyetaryong Amerikanong si Ted Turner at ni Reese Schonfeld bilang isang 24-oras na himpilang pambalita sa kaybol. Noong nilunsad ito noong 1980, ang CNN ay ang unang estasyong pantelebisyon na nagbigay ng 24-oras na pag-uulat ng balita at ang unang estasyong pantelebisyon sa Estados Unidos na balita ang lahat ng palabas.

Cable News Network (CNN)
Cnn
BansaEstados Unidos
Umeere sa
  • Estados Unidos
  • Canada
  • Buong mundo (sa pamamagitan ng CNN International)
Sentro ng operasyon30303 1 CNN Center,
Atlanta, Georgia
Pagpoprograma
WikaIngles
Anyo ng larawan1080i (HDTV)
(pinababa sa naka-letterbox na 480i para sa feed ng SDTV)
Pagmamay-ari
May-ari
  • Turner Broadcasting System (1980–1996)
  • Time Warner (1996–2001; 2003–2018)
  • AOL Time Warner (2001–2003)
  • AT&T (2018–2022)
  • Warner Bros. Discovery (2022–kasalukuyan)
MagulangCNN Global
Pangunahing tauhan
  • Chris Licht (Tagapangulo at CEO ng CNN Worldwide)
  • Michael Bass (EVP ng Pagproprograma, CNN-US)
  • Brad Ferrer (EVP/CFO
  • Amy Entelis (EVP)
  • Ken Jautz (EVP, CNN-US at HLN)
  • Andrew Morse (EVP/Chief Digital Officer)
Kapatid na himpilan
Kasaysayan
Inilunsad1 Hunyo 1980; 43 taon na'ng nakalipas (1980-06-01)
Mga link
WebkastCNNgo
Websaytcnn.com
Mapapanood
Midyang ini-stream
Hulu sa Live TV, Sling TV, YouTube TV

Noong Setyembre 2018, mayroon ang CNN ng 90.1 milyong tagasubaybay (97.7% ng mga kabahayan na may kaybol). Sang-ayon sa Nielsen noong Hunyo 2021, nakaranggo ang CNN sa ikatlo ayon sa bilang ng mga nanonood, pagkatapos ng Fox News at MSNBC, na may humigit-kumulang na 580,000 manonood sa buong araw, bumaba sa 49% mula sa naunang taon, sa kabila ng paghina sa mga manonood sa lahat ng mga himpilang pambalitang kaybol. Habang nakaranggo ang CNN sa ika-14 sa lahat ng pangunahing himpilang kaybol noong 2019, at pagkatapos lumundag sa ika-7 noong isang pangunahing pag-akyat ng tatlong pinakamalaking himpilang pambalitang kaybol (na kinukumpleto ang isang pagharurot ng pagranggo ng Fox News sa numero 5 at MSNBC sa numero 6 sa taon na yaon), naging numero 11 ito noong 2021.

Sa buong mundo, umeere ang pagproprograma ng CNN sa pamamagitan ng CNN International, na napapanood sa higit sa 212 bansa at teritoryo; bagaman simula noong Mayo 2019, kinuha ng bersyong domestikong Estados Unidos ang balitang pandaigdig upang mapababa ang gastos sa pagproprograma. Mayroon din sa Canada at ilang mga pulo sa Karibe at sa bansang Hapon ang bersyong Amerikano na tinutukoy minsan bilang CNN (US).

Nilunsad ang bersyong Pilipino, ang CNN Philippines noong Marso 16, 2015.

Mga sanggunian

Tags:

AtlantaBalitaEstados UnidosGeorgia (estado ng Estados Unidos)

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Anak (pelikula)PandanggoHuwebesBuwitreNazismoBob OngMandaluyongPagpapatalastasBulkanJuan LunaHermano PuleTambakolSaligang batasPagtutuliLea SalongaKooperatibaKapangyarihang AksisPederalismoGumamelaMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaMultoBulkang MayonPagsasalinDiego SilangPangatnigArsobispoTsartBuod (paglilinaw)Daniel PadillaApdoTalaan ng mga pulo ng PilipinasCabiaoSpoliariumHimagsikang MagalatGabriela SilangPista opisyal sa PilipinasTulay ng San JuanicoVice GandaHadhadSanaysayKatotohananBacolodTayutayKatas ng pukeTeoryaAlbert EinsteinBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?SarsuwelaBangungotSakit na naipapasa sa pakikipagtalikRebelyon ni DagohoyKrisis sa MarawiGitaraNepotismoSibuyasSeksuwalidad ng taoNanganganib na mga uriPagpapalaglagEdukasyonDatosPamilyaPartido Komunista ng PilipinasPag-ibig sa Tinubuang LupaTag-initLimang Haligi ng IslamIdeolohiyang pampolitikaDiosdado MacapagalPamamanhikanKagat ng asoJosé RizalRebolusyong EDSA ng 1986GubatLupang HinirangKuomintangBatasDistornilyador🡆 More