Gawad Emmy

Ang Gawad Emmy (Emmy Award sa wikang Ingles) o mas kilala sa simpleng tawag na Emmy, ay kumikilala sa kahusayan sa industriya ng telebisyon, partikular sa Estados Unidos (EU) (bagaman meron ding hiwalay na seremonya para sa pandaigdigang pagpaparangal), at kapantay sa prestihiyo ng Gawad Academy (para sa pelikula), Gawad Tony (para sa teatrong Broadway), at Gawad Grammy (para sa musika).

Dahil ang Emmy Awards ay ibinibigay sa iba 't-ibang mga sektor ng industriyang pantelebisyon ng EU, ang mga ito ay iniharap sa iba' t ibang mga taunang seremonyang ginaganap sa buong taon. Ang dalawang mga pangunahing kaganapan ay ang Panggabihang Emmys (Primetime Emmys) at ang Pang-arawang Emmys (Daytime Emmys). May iba pang mga pambihirang seremonya ng Gawad Emmy na nagpaparangal sa mga programa sa isports, pagbabalita at dokumentaryo, pag-uulat na pang-negosyo o pampinansya, maging mga kagalingan sa teknikal na aspeto ng television programming (e.g. Primetime Engineering Emmys). Meron ding mga Rehiyonal na Emmys na ginaganap sa buong taon kung saan kinikilala ang kahusayan sa lokal at statewide na telebisyon ng EU. Sa karagdagan, ang Pandaigdigang Emmys (International Emmys) ay ibinibigay para naman parangalan ang kahusayan sa TV programming na ginawa at unang naisahimpapawid sa labas ng Estados Unidos.

Tatlong mga magkakaugnay ngunit hiwalay na organisasyon sa kasalukuyan ang naggagawad ng Emmy Awards: ang  Academy of Television Arts & Sciences (ATAS), ang  National Academy of Television Arts & Sciences (NATAS), at ang International Academy of Television Arts & Sciences (IATAS). ang Bawat isa ay responsable para sa pangangasiwa ng isang partikular na hanay ng seremonyang Emmy.

References

Tags:

Estados UnidosGawad AcademyGawad GrammyGawad Tony

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Ikatlong Republika ng PilipinasMga lalawigan ng PilipinasPangatnigPropesyonTayutayAnahawAnekdotaLohikaDasalKoridoPakikiapidJosephine BrackenKristiyanismoBiag ni Lam-angYamang taoLapulapuMithiinKritikal na pag-iisipKatas ng pukeKaugaliang PilipinoTalinghagaBalarilaNAMFRELNueva EcijaHagdan-hagdang Palayan ng BanaweMoro (Pilipinas)LGBTAklanSakit sa pag-iisipManggaParañaqueReporma sa lupaSalaysayDekada '70 (nobela)Batas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosLabanan sa MactanKomedyaKarapatang sibil at pampolitikaSosyalismoFernando AmorsoloMga Gobernador-Heneral ng PilipinasCarlos P. GarciaMga Ibong MandaragitPopulasyonWikang InglesBatas CooperNapoleon I ng PransiyaBalagtasanBoholKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)HentaiJacinto ZamoraMorong, BataanAranyaTalambuhayArtipisyal na katalinuhanSenakuloEkonomiyaLapayDemokrasyaGatoMunisipalidadJosé RizalKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanLihim (paglilinaw)PunoKalakhang MaynilaImpeksiyon sa daanan ng ihiRelihiyonIvana AlawiPagmiminaMga rehiyon ng PilipinasHermano PulePanahonAIDSIkalawang Rebolusyon sa EDSATalaan ng mga pulo ng Pilipinas🡆 More