Ang paggawa ng isang artikulo ay ang isa sa mas mahirap na gawain sa Wikipedia, at mayroon kang mas mataas na tiyansa kung tutulong ka muna sa ibang gawain upang matuto pa tungkol sa kung papaano gumagana ang Wiki Tagalog.
Ang pahinang ito sa maikling salita: Sinusundan ng mga artikulo sa Wikipedia ang mga gabay: dapat may notabilidad ang paksa at nakadetalye ang mga mabuting sangguniam mula sa mga malayang mapagkukunan. Isang ensiklopedya ang Wikipedia – hindi ito isang pansariling pahinang web o isang direktoryong pangnegosyo. Huwag kopyahin ang mga nilalaman mula sa ibang websayt kahit pa ang mga ito ay pagmamay-ari mo, ng iyong paaralan, o ng iyong amo. Kung gagawa ka ng artikulo na may limitadong kaalaman ng mga pamantayan dito, dapat na batid sa iyo na maaring tanggalin ito ng mga ibang patnugot kung maituturing itong hindi nararapat. |
Maari kang bumalik upang lumikha ng artikulo sa ibang pagkakataon; hindi naman ito minamadali!
Maligayang pagdating sa Wikipedia! Bilang isang baguhan na patnugot, magiging Wikipedista ka. Bago ka magsimula ng isang bagong artikulo, pakisuri ang kinakailangang notablidad sa Wiki. Sa madaling salita, kailangan ang paksa ng isang artikulo na naging paksa na sa isang maaasahan, sekondarya, at buong malayang mga sanggunian na tinuturing ang paksa sa detalyadong may matatag na batayan, tulad ng mga aklat, pahayagan, magasin, pang-iskolar na talaarawang nasuri ng kauri (peer-reviewed), at websayt na tumutugon sa parehong kinakailangan tulad sa mga kagalang-galang na sangguniang nakalimbag. Kailangang napapatunayan ang impormasyon sa Wikipedia; kung walang mahanap na maaasahang ikatlong-partidong sanggunian tungkol sa paksa, hindi dapat ito magkaroon ng hiwalay na artkulo. Pakihanap muna sa Wikipedia upang matiyak na wala pang artikulo ang napiling paksa.
Mayroong Salamangkero ng Artikulo na isang gabay upang matulungan kang makalikha ng isang artikulo. Para sa impormasyon tungkol sa kung papaano humiling ng isang bagong artikulo na maaring likhain ng sinuman, tingnan ang mga hiniling na artikulo, bagaman, napakaliit ng tiyansa na malikha ang artikulo sa pamamagitan ng pahina na iyan dahil kakaunti lamang ang mga patnugot sa Wikipediang Tagalog. Mas maraming Wikipedista ang sumusubaybay sa Kapihan at maari ka rin na humiling doon sa pagpindot dito.
Kung wala ka pang akawnt sa Wikipedia, hinihikayat ka naming magparehistro ng akawnt. Kapag wala kang akawnt at lilikha ka ng artikulo, marerehistro ang IP address ng kompyuter o device mo. Mas mainam ang mayroong akawnt para matukoy ka at matulungan ka ng mabilisan ng pamayanang Wiki Tagalog. Madali lamang ang paglikha. Kailangan mo lamang ng username (pangalan ng tagagamit) na maaring anonimo (anonymous) at password.
Kung naibigan mo na ang paggamit at paghahanap ng mga artikulo dito sa Tagalog Wikipedia, subukan mo nang maglathala ng mga bagong artikulo o magpainam pa ng mga naririto nang pahina o lathalain. Maaari mong gamitin ang mga patnubay o tip na ito:
Maaari kang magsimula ng isang pahina sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
Maaring simulan ang pahina mula sa isang link patungo sa bagong pahina na iyong nais simulan. Sa mga artikulo ng Wikipedia, iyong makikita ang mga link na kulay pula na nakahanda patungo sa mga artikulong hindi pa nasimulan (kamukha ng: Titulo ng artikulo). Ito ang mga ghost link o red link, itinuturing ding nakaabang na mga link. Kung iyong pipindutin ang link na ito, dadalhin ka nito sa isang pahinang nagsasabing:
Magsimulang sumulat ng artikulo sa edit-box o kahong mapagsusulatan mo. Pagkatapos, pindutin ang buton ng "paunang tingin" o "pasilip" upang siyasatin ang buong pahina. Pindutin naman ang buton na nagsasabing "Ilathala ang pahina" para mailathala na ang iyong ginawa.
Habang binabago mo ang ilang mga artikulo, at napagisipan mong dapat may sariling artikulo ang isang salita o parirala, ilagay ito sa loob ng double square brackets (parisukat na braket), [[tulad nito]]
. "Wikifying" o pagsasa-wiki ang tawag dito. Ang bagong link na binuo ang magdurugtong sa pahinang ginawa mo sa iba pang mga pahinang dati nang buo, o magiging "ghost link" o "umang" din para sa pagsisimula ng iba at panibagong artikulo.
Maaring palitan ang URL na nasa page address ng iyong web browser gaya ng sumusunod:
Palitan mo ang kabuntot o kadugtong na titulo na nasa dulo ng URL address ("Titulo_ng_artikulo" na makikita sa URL). Matapos mong gawin ito, tipahin o idugtong mo na ang pamagat na gusto mong gawin o simulan. Halimbawa, nais mong simulan ang artikulong Katipunan:
Dadalahin ka nito sa isang pahinang walang nilalaman. Pindutin ang "Gawin" o "Gawin ang wikitext" sa kanang-itaas ng pahina at doon mo maaring simulan ang bagong artikulo.
Ngunit, sa pamamagitan ng ganitong paraan, maaring nabubuo ang mga tinatawag na orphan o ulila, mga artikulong hindi dinudugtungan o walang kakawing na kahit anumang artikulo sa Wiki Tagalog. Kung kaya't mas mabuti na iwasan ang paggamit ng paraang ganito sa pagsisimula ng isang bagong artikulo.
Maari din gamitin ang burador! (gawaan at sanayan). Dito ka maaaring mag-eensayo sa paggawa ng artikulo at pahina. Maaaring tingnan mo muna ang halimbawa ng balangkas na nasa ibaba (kasunod ng bahaging ito):
Paalala: Regular na binubura ang nilalaman ng burador, kung kaya't mainam na i-bookmark o tandaan ang pahinang iyong binuo upang iyong mabago o madagdagan itong muli. Makikita din ito sa loob ng pahina ng "mga ambag ko" ng isang tagagamit na naka-rehistro. Kaya't hinihikayat ka na naming gumawa ng isang akawnt upang magkaroon ng ganitong kakayahan sa pag-aambag, pagsusulat at pagdadagdag ng mga artikulo at kaalaman. Huwag sanang kalimutan ang paalala namin tungkol sa mga orphan o ulilang mga pahina. Kailangan ka ng Wikipediang Tagalog, at ang tulong mo! Manghikayat ka pa sana ng ibang Wikipedista.
Ang mga sumusunod na halimbawaw ay payak lamang. Mayroon pang mas masulong na paraan sa pagpapatnugot tulad ng pagdaragdag ng mga tala, infobox at larawan. Kung ikaw ay baguhan, ito munang mga halimbawang ito ang iyong parisan.
Maari kang masulat sa loob ng kahon ng sulatan o tinatawag na classic editor o klasikong pagpapatnugot para masimulan ang iyong artikulo. Lilitaw ang kahon kapag napindot mo ang "Baguhin ang wikitext" o "Gawin ang wikitext" na link. Sa klasikong paraan, ginagawa o binabago mo ang wikitext ng artikulo na gumagamit ng mga code (o kodigo) para iporma ang iyong artikulo tulad nito: '''makapal na titik'''
— na ginagawang makapal na titik sa aktuwal na artikulo. Ang sumusunod ay mga halimbawa para maging parisan mo:
Pangalan ng pahina (wala ito sa loob ng kahong sinusulat mo; nasa itaas ito sa gawing kaliwa)
Ang '''paksa''', '''pamagat''' o '''pangalan ng pahina''' ay ang (nasa loob na ito ng kahong sulatan)....pambungad na mga [[pangungusap]], paglalarawan, at iba pang mga talata na nagpapakilala sa paksa.
==Pamagat ng unang seksyon==
Katawan ng unang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Pamagat ng pangalawang seksyon==
Katawan ng ikalawang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Pamagat ng pangatlong seksyon==
Katawan ng ikatlong seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Mga sanggunian==
*[http://www.halimbawa.com May-akda ng sanggunian mula sa internet. Pamagat, petsa], nakuha noong: petsa kung kailan nakuha ang sanggunian mo.
*May-akda ng aklat o ibang babasahin. Pamagat, petsa ng pagkakalimbag o pagkakalathala, pahina, nakuha noong: petsa kung kailan ka sumangguni sa aklat.
==Mga panlabas na link==
*[http://www.halimbawa.org Pamagat ng link]
[[Kaurian:Pamagat ng kategorya]]
Pangalan ng pahina (wala ito sa loob ng kahong sinusulat mo; nasa itaas ito sa gawing kaliwa)
Ang '''paksa''', '''pamagat''' o '''pangalan ng pahina''' ay ang (nasa loob na ito ng kahong sulatan)....pambungad na mga [[pangungusap]], paglalarawan, at iba pang mga talata na nagpapakilala sa paksa.[http://www.halimbawa.com May-akda ng sanggunian mula sa internet. Pamagat, petsa], nakuha noong: petsa kung kailan nakuha ang sanggunian mo.
==Pamagat ng unang seksyon==
Katawan ng unang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata).May-akda ng aklat o ibang babasahin. Pamagat, petsa ng pagkakalimbag o pagkakalathala, pahina], nakuha noong: petsa kung kailan ka sumangguni sa aklat.
==Pamagat ng pangalawang seksyon==
==Pamagat ng pangatlong seksyon==
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
==Mga panlabas na link==
*[http://www.halimbawa.org Pamagat ng link]
[[Kaurian:Pamagat ng kategorya]]
Para masilip at mabasa ang isang payak at aktuwal na halimbawa ng tunay at totoong artikulo: pindutin mo ito.
Kung nahihirapan kang kabisaduhin ang mga syntax ng wikitext, maari ka namang pumatnugot sa pamamagitan ng biswal na pagpapatnugot o visual editor. Madali ito dahil maari kang gumawa o magbago ng artikulo na para kang nasa isang dokumento ng Microsoft Word, LibreOffuce Writer o Google Docs. Makakapunta ka paraang ito kung napindot mo ang "Baguhin" at "Gawin" na mga link. Para masilip at mabasa ang isang payak at aktuwal na halimbawa ng tunay at totoong artikulo: pindutin mo ito.
Kailangang masisiyasat ng mga tagapangasiwa (administrator) at ng ibang mga patnugot (editor) o tagagamit (user) ang sangguniang pinagkunan mo ng impormasyon, kaya't iminumungkahing:
Isang magandang ugali din na basahin ang nilalaman ng pahinang iyong binubuo bago pinduting ang "Ilathala ang pahina"). Kung may nalalaman kang software na may kakayahang siyasatin ang baybay sa Tagalog ay mas mainam at ipaalam ito sa Tagalog na Wiki Tagalog.
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedyang malayang nilalaman. Ang lahat ng iyong isinusulat ay magagamit ng publiko at masasama sa ilalim ng Lisensiyang GNU para sa Malayang Dokyumentasyon. Maari mo lamang isulat ang iyong nais kung ikaw ang nagmamayari ng karapatan sa paggamit ng impormasyong iyong isusulat, o kaya ay nanggaling ito sa isang public domain (nasa dominyong publiko). Huwag gumamit ng mga materyal na copyrighted (may karapatang-ari) nang walang paalam mula sa nagmamayari.
Gamiting mabuting halimbawa ang mga Napiling Artikulo sa Unang Pahina.
Magpalawig ka o magdagdag ng impormasyon sa mga maiikling artikulong nasa Alam Ba Ninyo? ng Unang Pahina.
Lumikha ka na ng sarili mong akawnt o patnugutan. Huwag ka sanang umayaw sa unang pagsubok, sapagkat kailangan lamang na masanay ka at makagamayan ang pagsusulat dito sa Wiki Tagalog. Gawin mo sana itong isang mabuting libangan. Umiisip ka ng paksang wala pa rito o magdagdag ka ng impormasyon sa mga artikulong naisulat na. Lagi kang magbalik dahil bagaman ikaw ang nagaambag ng impormasyon dito natututo ka rin, hindi lamang mula sa inambag na paksa ng ibang mga tagagamit, kundi mula na rin sa sarili mong mga ambag na artikulo at impormasyon. Dahil nagkakaroon ka rin ng dagdag na kaalaman mula sa mga sangguniang ginagamit mo habang nagsusulat dito sa Wiking Tagalog. Halina, maging kasaping patnugot ka na!
[[Image:Pamagat o pangalan ng larawan|thumb|right|200px|Dito nakalagay ang kapsyon ng larawang napili mo.]]
. Maaari kang kumonsulta sa mga sumusunod na pahina:
Maaari mong ilimbag at ipamigay ang kopya ng ating Wiki: Paanyayang nalilimbag para mag-anyaya at manghikayat pa ng ibang mga mamamayang ibig maging Wikipedista. Salamat sa iyong tulong.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Tulong:Ang iyong unang artikulo, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.