Ang mga tagapangasiwa o administrator (Ingles) ay mga Wikipedista na maaaring pasukin ang mga teknikal na mga nilalaman na tumutulong sa pagpapanatili ng sayt (mga karapatan ng SysOp o tagapagpaandar ng sistema).
Binibigay ang pananagutan na ito ng Wikipedia sa kahit sinumang naging aktibo at palagiang taga-ambag sa Wikipedia sa tuwi-tuwina, ginagalang at alam ang mga panuntunan ng Wikipedia, at pangkalahatang pinagkakatiwalaan ng mga kasapi ng komunidad.
Maaaring gawing sysop ng mga inatasang burokrata o burokrato (bureaucrat) ang mga ibang tagagamit (users) (ngunit hindi maaaring tanggalin ang pagiging sysop). Nalilikha ang mga bureaucrat sa pamamagitan ng mga ibang bureaucrat sa proyekto na mayroon ito, o sa pamamagitan ng mga taga-ingat (stewards) para sa mga wala pang mga bureaucrat. Natatala ang pagiging sysop sa Natatangi:Tala/mga karapatan (Natatangi:Log/rights) o sa Tala ng mga burokrata (Bureaucrat log). Nakatala ang pagiging sysop ng sa pamamagitan ng mga taga-ingat sa Meta:Natatangi:Tala/mga karapatan (Meta:Special:Log/rights). Kabilang sa mga gawain ng isang burokrata ang paggawad ng pagiging-tagapangasiwa/burokrata sa isang tagagamit, paglalagay ang "bot flag" (bandilang pang-bot) sa isang tagagamit, at pagpapalit ng pangalan ng isang tagagamit.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Wiki:Tagapangasiwa, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.