Ang Wikang Heorhiyano (ქართული ენა, kartuli ena) ay ang katutubong wika ng mga Heorhiyano at ang wikang opisyal ng Heorhiya, isang bansa sa Kawkaso na nasa Gitnang Silangan.
Heorhiyano | |
---|---|
ქართული Kartuli | |
Katutubo sa | Heyorhiya, Rusya, Estados Unidos, Israel, Ukranya, Turkiya, Iran, Aserbayan. |
Mga natibong tagapagsalita | 4 na milyon |
Timog Kawkasiyano o Kartbeliyano
| |
Alpabetong Heorhiyano | |
Opisyal na katayuan | |
Heorhiya | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ka |
ISO 639-2 | geo (B) kat (T) |
ISO 639-3 | kat |
Ginagamit ito ng 3.9 milyong katao sa Heorhiya mismo, at ng 500,000 tao sa labas ng bansa (na nasa Turkiya, Iran, Rusya, Estados Unidos, at sa mga bansa sa Europa). Isa itong wikang pampanitikan para sa lahat ng pangkat etniko sa Heyorhiya, kabilang na ang mga tagapagsalita ng mga Wikang Timog Kawkasiyano o Kartbeliyan, gaya ng mga wikang Svan, Mingreliyano, at Laz. Itinuturing na hiwalay sa Wikang Ebreo ang mga wikang Hudyo-Heorhiyano na ginagamit ng 20,000 katao sa Heyorhiya at 60,000 sa Israel.
Sa lahat ng Wikang Timog Kawkasiyano, gaya ng mga wikang Svan at Magrelyano ng Hilagang-Kanlurang Heorhiya, at Laz ng baybayin ng Turkiya sa tabi ng Dagat Itim, mula Melyat, Rize hanggang sa hangganan ng Heorhiya.
Ilan sa mga diyalekto ng Wikang Heorhiyano ay ang Imeretiyano, Racha-Lechkhumiyano, Guriyano, Adjarano, Imerkheviyano (sa Turkiya), Kartliyano, Kakhetyano, Ingilo (sa Aserbayan), Tush, Khevsur, Mokheviyano, Pshaviyano, Fereydan (sa mga bayan ng Fereydunshahr at Fereydan sa Iran), Mtiuletiyano, at Meskhetiyano.
Pinaniniwalaang humiwalay ang Wikang Heorhiyano mula sa mga wikang Svan at Mingreliyano-Laz noong unang milenyo (1,000) bago kay Hesukristo (BHK) ayon sa mga manwiwikang sina Georgi Klimov, T. Gamkrelidze, G. Machavariani. Naniniwala sila na Ang Wiakng Svan ang unang humiwalay noong ikalawang milenyo (2,000) BHK mula sa tatlong wika. Ang mga wikang Megrelian at Laz nama'y humiwalay mula sa Heyorhiyano matapos ang isang libong taon.
Ang kauna-unahang pagpapatunay sa pananalitang Heorhiyano ay mula sa grammarian ng Sinaunang Romanong Marcus Cornelius Fronto noong ikalawang siglo AD: inimahe ni Fronto ang mga Iberianong Kawkasiyano kinakausap ang imperador na si Marcus Aurelius gamit a di-maintindihan nilang wika.
Ang ebolusyon ng Heorhiyano sa pagiging isang isinusulat na wika ay bunga ng ng pagtanggap ng mga maharlikang Heyorhiyano sa paniniwalang Kristiyanismo noong ika-4 na siglo. Ang panibagong wikang literal ay binuo mula sa inprastraturang kultural na ganap ang pagkabuo, mula sa panitikan ng Wikang Aramaic at sa panibagong relihiyon. Ang pinakapurong panunulat mula sa wika ay galing pa sa ika-5 siglo. Mayaman ang panitikan ng wika, gaya ng patunay sa pinakamatanda nilang kasulatan, ang "Kadakilaan ng Banal na Reynang si Shushanik" ("Tsamebay tsmindisa Shushanikisi, dedoplisa") ni Iakob Tsurtaveli, mula ika-5 siglo AD. Ang pambansang alamat na "An Kawal sa loob ng Balat ng Panter" ("Vepkhistqaosani"), ni Shota Rustaveli, ay mula pa sa ika-12 siglo.
Maaaring ihiwalay ang kasaysayan ng wika sa mga sumusunod:
Ang mga simbolo sa kaliwa ay mula sa IPA habang ang doon naman sa kanan ay mula sa Alpabetong Heorhiyano.
Labial | Dental/ Alveolar | Post- alveolar | Velar | Uvular | Glottal | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Nasal | m მ | n ნ | |||||
Plosive | aspirated | pʰ ფ | tʰ თ | kʰ ქ | |||
binoses | b ბ | d დ | ɡ გ | ||||
ehektibo | pʼ პ | tʼ ტ | kʼ კ | qʼ ყ | |||
Affricate | plain | ts ც | tʃ ჩ | ||||
binoses | dz ძ | dʒ ჯ | |||||
ehektibo | tsʼ წ | tʃʼ ჭ | |||||
Fricative | walang boses | s ს | ʃ შ | x1 ხ | h ჰ | ||
binoses | v ვ | z ზ | ʒ ჟ | ɣ1 ღ | |||
Rhotic | r რ | ||||||
Lateral | l ლ |
Harapan | Likuran | |
---|---|---|
Nakasara | i ი | u უ |
Nasa gitna | ɛ ე | ɔ ო |
Nakabukas | a~ɑ ა |
Mga kaurian ng Ponotaktikong Heorhiyano.
Maaari ring gumawa ng salitang pandiwa mula sa mga pangngalan:
Maaari ring gumawa ng mga pandiwa mula sa mga pang-uri:
Karaniwan sa wika na magkaroon ng maraming magkakadikit na katinig sa wika.
Ang mga sumusund ay may 2 magkakadikit na katinig:
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Wikang Heorhiyano, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.