Ubo

Ang ubo (Kastila: tos, Pranses: toux, Aleman: Husten, Ingles: cough) ay isang uri ng sintomas ng pagkakaroon ng karamdaman.

Nagaganap ang pag-ubo kapag kailangang mayroong ilabas ang katawan ng mga partikulo ng dumi o mga partikulong dayuhan na napupunta sa mga baga, na maaaring ihambing sa pagbahing (pag-atsing), na isa pang proseso ng pagpapalabas ng dumi mula sa katawan. Karaniwang kasama ng ubo ang sipon na dulot ng birus.

Ubo
Ubo
Isang batang lalaki na umuubo dahil sa pertussis o tuspirina (whooping cough o "ubong pahiyaw").
ICD-10R05.
ICD-9786.2
DiseasesDB17149
MedlinePlus003072
eMedicineENT/1048560

Mga bagay na nakapagpapaubo

Kabilang sa mga dumi na nakapagpapaubo ang usok, alikabok; maliliit na mga organismong katulad ng mga mikrobyo, birus, o bakterya; at mga piraso ng pagkain. Kapag ang ubo, kasama na ang sipon, ay kinapilingan ng lagnat at plemang lunti o dilaw ang kulay, maaaring ang sintomas ay dahil sa bakterya. Ang iba pang mga sanhi ng ubo ay ang alerhiya na nagsasanhi ng hika (asthma) at ang pagkakaroon ng tuberkulosis (TB).

Mga gamot sa ubo

Isang karaniwang lunas o pambawas ng pag-ubo ay ang pag-inom ng mga gamot sa ubo, katulad ng sirup na panlaban sa ubo o pambawas ng pag-ubo (cough syrup). Nakakatulong din ang pag-inom ng maraming tubig, ang pag-inom ng salabat, at pag-inom ng katas ng lagundi o iba pang may pagpapatunay na ligtas na mga gamot na gawa mula sa mga halaman. Maaaring magreseta ang manggagamot ng antibiyotiko, na karaniwang dapat inumin nang pitong mga araw, kung ang ubo ay napag-alamang dahil sa bakterya. Maaaring eksreyin muna ang baga ng pasyente bago magreseta ang duktor ng naaangkop na gamot para sa ubo.

Tingnan din

  • Gamot sa ubo

Mga sanggunian

Tags:

Ubo Mga bagay na nakapagpapauboUbo Mga gamot sa uboUbo Tingnan dinUbo Mga sanggunianUboBaga (anatomiya)BirusKaramdamanSipon

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973PolitikaKatamSiningPulisyaPartido Komunista ng PilipinasFernando AmorsoloTemperaturaHermano PulePagputok ng Bulkang Taal ng 2020–2022IliganUlapPantigMitolohiyang PilipinoTeoryang pampanitikanKalakalanPanahonMedidaBela PadillaLeni RobredoUnang misa sa PilipinasHalamanEat Bulaga!Ang Pagong at ang MatsingImplasyon (presyo)Noli Me Tángere (nobela)DatuEspanyaMao ZedongKababaihan sa PilipinasWikang FilipinoNoli me tangere (parilala)BautismoCalabarzonNueva EcijaTalaan ng mga artista sa PilipinasPasigGliceria Marella de VillavicencioSistemang pang-ekonomiyaMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaTalabaKarapatang sibil at pampolitikaTambakolHentaiPanahon (paglilinaw)Kuwentong-bayanUnang PahinaAnahawHigadBudhiPanahon ng KaliwanaganKasanayanCriza TaaSigaw ng Pugad LawinSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaImperyalismoTarlacDigmaang Sibil ng EspanyaKagawaran ng Paggawa at EmpleoAklanJosé BurgosPananampalatayaManuel RoxasKomunismoDasmariñasMartilyoAlemanyaParusang kamatayanSultan KudaratSukarnoSigwaDasalAnne CurtisArsobispoFranklin D. RooseveltMorong, BataanKalinisang-puriAraw ng KagitinganPilosopiya🡆 More