Ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat (Ingles: International Standard Book Number, dinadaglat bilang ISBN) ay isang natatanging bilang na nagpapakilala sa mga aklat na nakabatay sa kodigong Pamantayang Pagpapabilang ng mga Aklat (Standard Book Numbering, SBN), isang sistema na may siyam na bilang na nilikha ni Gordon Foster, Propesor Emeritus ng Estadistika sa Trinity College sa Dublin, Irlanda, para sa mga tindahan ng aklat na nasa pagmamay-ari ng W.
H. Smith, isang kompanya mula sa Nagkakaisang Kaharian, at ibang mga librerya noong 1965.
Iniunlad ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan (ISO) ang mismong ISBN, at inilimbag ito noong 1970 bilang pamantayang ISO 2108. Noong 1 Enero 2007, ipinalawak ang ISBN upang magkaroon ito ng 13 bilang, na may kompatibilidad sa sistemang Bookland EAN, na may 13 bilang din.
Mayroon ding sistema para sa pagpapakilala ng mga peryodiko tulad ng mga magasin: ito ay ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng mga Publikasyong Seryal (International Standard Serial Number o ISSN).
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.