Astana

Ang Astana (Kazakh and Ruso: Астана), ay ang kabisera ng Kazakhstan.

Matatagpuan ito sa mga pampang ng Ilog Ishim sa hilagang bahagi ng bansa, sa loob ng Rehiyon ng Akmola, bagamat hiwalay sa rehiyon ang pamamahala na may natatanging katayuan. Ang opisyal na pagtataya ng populasyon noong 2017 ay 1,029,556 katao sa loob ng mga hangganan ng lungsod, kaya ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kazakhstan, kasunod ng Almaty na kabisera ng bansa mula 1991 hanggang 1997.

Astana

Астана (Kasaho)
Астана (Ruso)
Tanawin ng kabayanan ng Astana
Tanawin ng kabayanan ng Astana
Watawat ng Astana
Watawat
Astana is located in Kazakhstan
Astana
Astana
Kinaroroonan ng Astana sa Kazakhstan
Astana is located in Asya
Astana
Astana
Astana (Asya)
Mga koordinado: 51°10′N 71°26′E / 51.167°N 71.433°E / 51.167; 71.433 71°26′E / 51.167°N 71.433°E / 51.167; 71.433
BansaAstana Kazakhstan
Itinatag1830 (bilang Akmoly)
Pamahalaan
 • UriAlkalde–Konseho
 • KonsehoSangguniang Panlungsod ng Nur-Sultan
 • AklkaldeAltay Kulginov
Lawak
 • Kabisera at Lungsod810.2 km2 (312.8 milya kuwadrado)
Taas
347 m (1,138 tal)
Populasyon
 (1 Disyembre 2017)
 • Kabisera at Lungsod1,029,556
 • Kapal1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado)
 • Metro
1,200,000
Sona ng orasUTC+6 (ALMT)
Kodigong postal
010000–010015
Kodigo ng lugar+7 7172
ISO 3166-2AST
Plaka ng sasakyan01, Z
Websaytgov.kz/memleket/entities/astana?lang=kk

Naging kabisera ng Kazakhstan ang Astana noong 1997, at mula noon umunlad ito sa ekonomiya upang maging isa sa pinakamakabagong lungsod sa Gitnang Asya.

Ang makabagong Astana ay isang planadong lungsod, tulad ng ibang mga nakaplanong kabisera. Kasunod ng pagiging kabisera nito, lubhang nabago ang hugis ng Astana. Ang panlahat na plano ng Astana ay idinisenyo ng arkitektong Hapones na si Kisho Kurokawa. Bilang luklukan ng pamahalaan ng Kazakhstan, ang Astana ay ang sityo ng Kapulungan ng Parlamento, ang Kataas-taasang Hukuman, ang Pampanguluhang Palasyo ng Ak Orda at maraming mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan. Tahanan ito ng maraming mga gusaling futurist, otel at gusaling tukudlangit. Mayroon ding malawakang mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, isports, at edukasyon ang lungsod ng Astana.

Etimolohiya

Itinatag noong 1830 bilang pamayanan ng Akmoly o Akmolinsky prikaz (Ruso: Акмолинский приказ), naglingkod ito bilang isang pantanggulang muog para sa mga Siberyanong Cossack. Noong 1832 binigyan ito ng katayuang pambayan at pinangalanang Akmolinsk (Ruso: Акмолинск). Noong Marso 20, 1961 binago ito sa Tselinograd (Ruso: Целиноград, lit. 'City of tselina') upang itanda ang ebolusyon ng lungsod bilang sentrong pampangasiwaan at pangkalinangan ng Virgin Lands Campaign. Ito ay pinangalanang Akmola (o Aqmola) noong 1992. Ito ay binagong bersiyon ng unang pangalan nito na nagngangahulugang "puting puntod". Noong Dosyembre 10, 1997 pinalitan ng Akmola ang Almaty bilang kabisera ng Kazakhstan. Noong Mayo 6, 1998 binago ang pangalan nito sa Astana, na nagngangahulugang "kabiserang lungsod" sa wikang Kazakh.

Noong Marso 20, 2019, ipinanukala ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ang pagbabago ng pangalan ng Astana sa Nur-Sultan, bilang karangalan sa naunang pangulo at matagal nang namumunong pinuno ng Kazakhstan na si Nursultan Nazarbayev na bumaba sa puwesto isang araw ang nakararaan. Bagamat tinutulan ng mga mamamayan ang panukala, agad na sinang-ayunan ng Parlamento ang pagbabago ng pangalan, at opisyal na naging Nur-Sultan ang pangalan ng kabiserang lungsod sa isang kautusang inilathala noong Marso 23 sa taong iyon.

Demograpiya

Historical population
TaonPop.±%
1989281,252—    
1999326,900+16.2%
2002493,100+50.8%
2010649,139+31.6%
2016872,655+34.4%

Populasyon

Magmula noong Setyembre 2017, ang populasyon ng Astana ay 1,029,556 katao; over double the 2002 population of 493,000.

Ang komposisyong etniko ng lungsod magmula noong Setyembre 4, 2014 ay:

  • Kazakh: 65.2%
  • Ruso: 23.8%
  • Ukrainian: 2.9%
  • Tatar: 1.7%
  • Alemang Kazakh: 1.5%
  • Iba pa: 4.9%

Kalakhang pook

Ang kalakhang pook na nakasentro sa Astana ay kinabibilangan ng Distrito ng Arshaly, Distrito ng Shortandy, Distrito ng Tselinograd, at bahagi ng Distrito ng Akkol sa Rehiyon ng Akmola. Ang pook ay tinitirhan ng 1.2 milyong katao.

Tanawing panoramiko ng mga punong-tanggapan ng pamahalaan.

Mga kapatid na lungsod

Napapanatili ng Astana ang opisyal na mga kapatiran sa 18 lungsod.

Talababa

Mga sanggunian

Mga karagdagang babasahin


This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Astana, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Astana EtimolohiyaAstana DemograpiyaAstana Mga kapatid na lungsodAstana TalababaAstana Mga sanggunianAstana Mga karagdagang babasahinAstana Mga panlabas na linkAstanaAlmatyKabiseraKazakhstan

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Manuel L. QuezonDalagAgilaMartsa ng Kamatayan sa BataanPalarong PambansaMoro Islamic Liberation FrontKasoyPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoAnaySitawUrdanetaIndustriyaSalawikainSubic, ZambalesRommel PadillaFidel V. RamosBulaklak ng MayoBacolodPunoManokHesusJus sanguinisLuzonLesbiyanaTanzaTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePagtatalik na may pagpapasokPamamaga ng lalamunanDemokrasyaInternetGuroIntramurosBuod (paglilinaw)TarlacBundok (paglilinaw)TalumpatiBatangasKaryllePagsusuriBauanGabi (gulay)Sagisag ng Republika ng PilipinasPatinteroBatas militarRosaryoKarapatang sibil at pampolitikaAurora (lalawigan)GintoRelihiyonManggaKrisis sa MarawiFernando de MagallanesManuel RoxasTanso (elemento)AIDSKundolCalapanUnang PahinaKabuteApogSus scrofaKapataganKodigo ni KalantiawFlorante at LauraUpuanBulkang TaalGawad sa Manlilikha ng BayanHermano PuleBagong Hukbong BayanRabiesGabriela SilangAn-anMaging Sino Ka ManSilangang AsyaPagpapatiwakalJuan LunaMakataLabanan sa Mactan🡆 More