Monowi, Nebraska

Ang Monowi ( /ˈmɒnoʊ-waɪ/ MON-oh-wy) ay isang inkorporadong nayon sa Kondehan ng Boyd, Nebraska, Estados Unidos.

Sang-ayon sa senso noong 2010, may populasyon ito na 1. Ito lamang ang tanging inkorporadong munisipalidad sa Estados Unidos na may ganitong populasyon. Ang nag-iisang residente, si Elsie Eiler, ay alkalde at gayon din ang katiwala ng aklatan, tagatagay (bartender) at sa gayon, naging paksa sa iba't ibang kuwento na kinaiinteresan.

Monowi, Nebraska
Nayon
Karatula ng populasyon na makikita sa pagpasok sa Monowi mula sa silangan (2007)
Karatula ng populasyon na makikita
sa pagpasok sa Monowi mula sa silangan (2007)
Lokasyon sa loob ng Kondehan ng Boyd
Lokasyon sa loob ng Kondehan ng Boyd
Detalyadong mapa ng Monowi, Nebraska
Detalyadong mapa ng Monowi, Nebraska
Monowi is located in Nebraska
Monowi
Monowi
Lokasyon sa loob ng Nebraska
Monowi is located in the United States
Monowi
Monowi
Lokasyon sa loob ng Estados Unidos
Mga koordinado: 42°49′44″N 98°19′45″W / 42.82889°N 98.32917°W / 42.82889; -98.32917 98°19′45″W / 42.82889°N 98.32917°W / 42.82889; -98.32917
BansaMonowi, Nebraska Estados Unidos
EstadoMonowi, Nebraska Nebraska
KondehanBoyd
Pamahalaan
 • AlkaldeElsie M. Eiler (R)
Lawak
 • Kabuuan0.55 km2 (0.21 milya kuwadrado)
 • Lupa0.55 km2 (0.21 milya kuwadrado)
 • Tubig0.00 km2 (0.00 milya kuwadrado)
Taas
405 m (1,329 tal)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan1
 • Taya 
(2019)
1
 • Kapal1.82/km2 (4.72/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC-6 (Sentral (CST)]])
 • Tag-init (DST)UTC-5 (CDT)
Kodigong ZIP
68746 (bahagi ng Lynch)
Kodigo ng lugar402
Kodigong FIPS31-32550
GNIS katangiang ID0831379

Sang-ayon sa tradisyon, nanganghulugang "bulaklak" ang pangalang Monowi sa hindi pa natutukoy na Katutubong Amerikanong wika. Ipinangalan ang Monowi sa bulaklak dahil sa maraming ligaw na bulaklak sa orihinal na pook ng nayon.

Kasaysayan

Monowi, Nebraska 
Aklatan ni Rudy
Makasaysayang populasyon
Senso Pop.
1910109
1920100−8.3%
193012323%
194099−19.5%
195067−32.3%
196040−40.3%
197016−60%
19801812.5%
19906−66.7%
20002−66.7%
20101−50%
2019 (est.)10%
Sensong Desenal ng Estados Unidos
Taya noong 2012

Plinano ang Monowi noong 1902, nang pinalawak ang Fremont, Elkhorn at Riles ng Lambak ng Missouri sa puntong iyon. Isang tanggapan ng koreo ang naitatag sa Monowi noong 1902 at nanatiling nasa operasyon hanggang 1967.

Noong dekada 1930 ang mga tugatog na taon ng Monowi, nang umabot ang populasyon nito sa 150. Tulad ng ibang maraming maliliit na pamayanan sa Great Plains, nawala dito ang mga mas batang residente upang pumunta sa lungsod na nakakaranas ng paglago at nag-aalok ng mas magandang trabaho. Noong senso ng 2000, mayroon populasyon na dalawa ang nayon: Ang tanging mag-asawa, sina Rudy at Elsie Eiler, na nanirahan doon. Namatay si Rudy noong 2004, na iniwan ang kanyang asawa bilang ang nag-iisang residente. Sa ganitong kapasidad, nag-akto siya bilang alkalde, na binibigyan ang sarili ng isang isang lisensya para sa alak. Kailangan niyang gumawa ng munisipal na plano ng mga lansangan bawat taon upang makakuha ng pondo sa estado para sa apat na ilaw sa kalye ng nayon.

Bagaman halos inabandona ang nayon, mayroon itong bar o inuman na tinatawag na Monowi Tavern, na pinapatakbo ni Eiler para sa mga dumadaang manlalakbay at turista. Karagdagan pa dito, pinapanatili ni Eiler ang limang-libong-bolyum na aklatan ni Rudy, na itinatag sa alaala ng kanyang pumanaw na asawa.

Monowi Tavern, 2013

Heograpiya

Sang-ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang kabuuang sukat ng nayon ay 0.21 milya kuwadrado (0.54 km2), na lahat lupain. Matatagpuan ang nayon sa malayong silangang bahagi ng Kondehan ng Boyd, sa hilagang-silangang rehiyon ng Nebraska. Matatagpuan sa pagitan ng Ilog Niobrara at mas malaking Ilog Missouri. Lynch ang pinakamalapit na pamayanan sa Monowi, na tinatayang matatagpuan sa layong 6.92 milya (11.14 km). Tinatayang matatagpuan ang nayon sa 193.97 milya (312.16 km) mula Omaha.

Demograpiya

Tinatampok ng datos ng senso para sa Monowi ang pagiging tangi nito, dahil sa numerikong singularidad ng populasyon nito. Noong 2010:

  • Ang kabuuang populasyon ay isa (87.5 taon gulang, babae, puti, nagngangalang Elsie).
  • May isang nakatira sa bahay, na nabubuhay mag-isa.
  • Sa tatlong yunit ng pabahay sa Monowi, isa lamang ang okupado.

Edukasyon

Nasa loob ng Pampublikong Paaralan ng Kondehan ng Boyd ang lugar. Dating nasa loob ng distrito ng mga Pampublikong Paaralan ng Lynch sa Lynch ang lugar. Pinagsama ang distrito ng Lynch sa distrito ng Kondehan ng Boyd noong Hunyo 2017.

Kasunod ng Senso ng 1990, nakipag-ugnay ang alkalde ng Monowi na si Elsie Eiler sa brodkaster ng radyo na si Paul Harvey, na binanggit ang maling bilang ng populasyon ng Monowi sa isang pagsasahimpapawid.

Naitampok din ang nayon sa isang patalastas ng telebisyon ng Arby's (unang umere noong Hunyo 19, 2018) at Prudential (unang umere noong Setyembre 16, 2018). Ginamit din ang nayon bilang ang simulang lugar para sa pinakamalaking paskil pang-anusyo sa mundo, na natapos noong Hunyo 13, 2018.

Mga sanggunian

Tags:

Monowi, Nebraska KasaysayanMonowi, Nebraska HeograpiyaMonowi, Nebraska DemograpiyaMonowi, Nebraska EdukasyonMonowi, Nebraska Sa popular na kulturaMonowi, Nebraska Mga sanggunianMonowi, Nebraska Mga panlabas na linkMonowi, NebraskaAklatanEstados UnidosNayonNebraskaTulong:Pronunciation respelling keyWikipedia:IPA for English

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Digmaang MalamigAustria-HungriyaEutanasyaEl filibusterismoIndonesiaPamilihanKaugaliang PilipinoAnak (pelikula)Araw ng KalayaanKahirapanUnang Digmaang PandaigdigSpoliariumKompyuterUtang na loobKilusang PropagandaAchilles tendinitisIndotsinaSalawikainPunoEncantadiaKathang-isipAbogadoPang-uriPrinsipyoHiroshima Peace MemorialSandatahang Lakas ng PilipinasReclusion perpetuaPosoHagdan-hagdang Palayan ng BanaweBansang umuunladIglesia ni CristoJosé RizalPangatnigMartsa ng Kamatayan sa BataanPanghalipTitiKomedyaMartilyoMonarkiyaPigingKongreso ng PilipinasMga KrusadaEmperador HirohitoSan Juan, Kalakhang MaynilaGregoria de JesusJus sanguinisPista ng PanagbengaEksomunyonKapaligiranHimagsikang MagalatAIDSKapataganWikipediaLambak ng CagayanTransportasyonMoro-moroTimog AsyaTanagaLuzonIsabela (lalawigan)Araw ng KagitinganJovito SalongaCOVID-19PigsaUnang Digmaang OpyoTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanTawag ng TanghalanKolusyonCalamba, LagunaMonologoKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)UlapAndrés BonifacioNingas-kugonLegazpi, AlbayKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)BekeIdiyomaDekada '70 (nobela)🡆 More