Ang MediaWiki ay isang software pang-wiki na may lisensyang free and open-source (malaya at bukas na pinagmulan).
Ginawa ito ng Pundasyong Wiki at tumatakbo ito sa maraming mga websayt, kabilang ang Wikipedia, Wiktionary at Wiki Commons. Nakasulat ito sa wikang pamprograma na PHP at gumagamit ng isang backend database.
Orihinal na may-akda | Magnus Manske, Lee Daniel Crocker |
---|---|
(Mga) Developer | Wiki Foundation |
Unang labas | 25 Enero 2002 |
Stable release | 1.36.1 (23 Hunyo 2021[±] ) |
Repository | |
Sinulat sa | PHP |
Operating system | Windows, macOS, Linux, FreeBSD, OpenBSD, Solaris |
Size | ~48 MB (compressed) |
Mayroon sa | 459 languages |
Tipo | Wiki software |
Lisensiya | GPLv2+ |
Website | mediawiki.org |
Inilabas ang unang bersyon ng software para matugunan ang pangangailangan ng ensiklopedyang Wikipedia noong 2002. Patuloy naging malaki bahagi sa pagsulong at pagtatakda ng mga pangangailangan ng MediaWiki ang Wikipedia at ibang proyekto ng Wikimedia. Pinagbuti ang software para episyenteng pamahalaanan ang mga malalaking proyekto, na maaring may laking terabyte ang nilalaman at daan-libong mga hit bawat segundo. Dahil ang Wikipedia ay isa sa mga malalaking websayt sa mundo, ang pagtamo ng papalit-palit ng laki (scalability) sa pamamagitan ng napakaraming patong ng caching at database replication ay ang isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga tagagawa (developers) ng MediaWiki.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article MediaWiki, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.