Maguindanao: Dating lalawigan ng Pilipinas

Ang Maguindanao (pagbigkas: ma•gin•dá•naw) ay dating lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika (NSO, Mayo 2000), ito ang may pinakamalaking populasyon ito sa rehiyon. Mabundok ang hilagang bahagi nito maliban sa bahaging nakapaligid sa Lungsod Cotabato. Agrikultural ang lalawigang ito. Mais, palay at niyog ang mga pangunahing produkto ng lalawigang ito.

Lalawigan ng Maguindanao
Watawat ng Lalawigan ng Maguindanao
Watawat
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Maguindanao
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na nakakulay ang Maguindanao
Mapa ng Pilipinas na nakakulay ang Maguindanao
Mga koordinado: 7°08′N 124°18′E / 7.13°N 124.3°E / 7.13; 124.3 124°18′E / 7.13°N 124.3°E / 7.13; 124.3
BansaMaguindanao: Heograpiya, Tingnan din, Talababa Pilipinas
RehiyonMaguindanao: Heograpiya, Tingnan din, Talababa Bangsamoro
Itinatag22 Nobyembre 1973
KabiseraBuluan
Pamahalaan
 • GobernadorBai Mariam S. Mangudadatu (Nacionalista)
Lawak
 • Kabuuan7,142.0 km2 (2,757.5 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakika-11 sa 80
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan944,718
 • RanggoTBA
 • Kapal130/km2 (340/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadTBA
Dibisyon
 • Malalayang lungsod1
 • Bahaging lungsod0
 • Bayan36
 • Barangay506
kasama ang mga malalayang lungsod: 529
 • Distritong pambatasUna at ikalawang distrito ng Maguindanao (kasama ang Lungsod ng Cotabato)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Mga wikang isinasalitaMaguindanao

Heograpiya

Matatagpuan ang Maguindanao sa gitnang bahagi ng Mindanao, at napapalibutan ng Lanao del Sur sa hilaga, Cotabato sa silangan, Sultan Kudarat sa timog, at Look ng Illana sa kanluran.

Mga paghahating pampangasiwaan

Maguindanao: Heograpiya, Tingnan din, Talababa 
Mapang administratibo ng Maguindanao

Ang lalawigan ng Maguindanao ay nahahati sa 36 mga bayan, na nahahati sa 506 na barangay. Karaniwang sinasama sa Maguindanao ang Lungsod ng Cotabato, ngunit malaya ito sa lalawigan.

May dalawang distritong pambatas ang Maguindanao. Dating kinilala bilang hiwalay na lalawigan ang unang distrito, na isinabatas ng Batasang Panrehiyon ng Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao bilang Shariff Kabunsuan noong Oktubre 2006. Ngunit ipinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang paglikha ng lalawigang ito noong Hulyo 2008, sa batayang nasa kapangyarigan ng lehislatura ng Pilipinas ang paglikha ng isang lalawigan. Binalik ang dating teritoryo ng lalawigan sa Maguindanao.

  •  †  Kabiserang bayan
  •      Bayan
  •  ∗∗  Malayang nakapaloob na lungsod (heograpikong nakapangkat sa lalawigan lamang)

Nasaksihan ng lalawigan ang kamakailang pagtatag ng bagong mga bayan, lalo na noong dekada-2000. Winika ng noo'y kalihim ng Batasang Kapulungan ng ARMM na si Dick Mali na makatutulong ang gayong mga pagtatag sa “pagbabahagi at pagkalat ng mga gawain at yaman” at makabibigay sa mga tao ng “mas-matalab na pampublikong paglilingkod at pamamahala mula sa kanilang pampublikong mga opisyal.” Subalit ayon kay Benedicto Bacani ng Surian ng Autonomiya at Pamamahala sa Pamantasang Notre Dame, ang gayong mga hakbang ay mga pamamaraan upang maiwasan ang posibleng mga sigalot sa pagitan ng mga pamilyang pampolitika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga yunit ng lokal na pamahalaan kung saang magkakaroon sila ng mga puwesto sa pamahalaan.

Ipinapanukalang paghahati ng lalawigan

Inihain ni dating Kinatawan Bai Sandra Sema (na pinagbawalan na tumakbo para sa isa pang termino sa kaniyang kasalukuyang distrito sa taong 2019 sang-ayon sa batas) ang Panukalang Batas Bkg. 5185 sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Marso 2, 2017. Nilayon nitong makapagtatag ng Maguindanao North, isang bagong lalawigan na binubuo ng 11 bayan at 2 distritong pambatas, kung saang Datu Odin Sinsuat ang magiging kabisera. Kamakailang naghain ang pumalit sa kaniyang si Kinatawan Datu Roonie Sinsuat, Sr. ng isang bagong panukalang batas na naglalayog magtatag ng parehong lalawigan, pero tatawagin na itong Kanluraning Maguindanao (Western Maguindanao).

Tingnan din

Talababa


Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Imapa lahat ng mga koordinado gamit ang: OpenStreetMap 
I-download ang mga koordinado bilang: KML

Tags:

Maguindanao HeograpiyaMaguindanao Tingnan dinMaguindanao TalababaMaguindanao Mga sanggunianMaguindanao Mga kawing panlabasMaguindanaoAgrikulturaBangsamoroLungsod CotabatoMaisMga lalawigan ng PilipinasNiyogPalayPilipinas

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Mahatma GandhiWinston ChurchillSenakuloFelix ManaloTulay ng San JuanicoPangatnigBudhiPananaliksikKarapatang sibil at pampolitikaPananakop ng mga Hapones sa PilipinasTeoryang pampanitikanKapataganPamilihanKatas ng pukeIbong AdarnaNobelaPista opisyal sa PilipinasBantasTambanMaharlikaSibuyasDiosdado MacapagalDiktadorTimog KoreaMoro-moroMga rehiyon ng PilipinasPang-abayTurismoMaikling kuwentoBaboyJoseph StalinCarlos P. GarciaKasoyParisukatUnyong EuropeoLihamSinulogTahananEstadoBangko Sentral ng PilipinasKasaysayan ng salapi ng PilipinasAtisUlapPananakit ng bayagKumpilTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoPista ng PanagbengaKonklusyonAraw (astronomiya)Pangunang lunasKabiteTaripaKetongAti-AtihanReporma sa lupaPatinigPagduduwalCalamba, LagunaCorazon AquinoAgilaFrancisco BalagtasÑMga lalawigan ng PilipinasFerdinand MarcosKapatid sa kasalLeonor RiveraApdoPangungusapKaugaliang PilipinoKompyuterAlden RichardsEnsiklopedyaKoridoBabaeTalinghagaKultura ng PilipinasDyords JavierCebu🡆 More