Ang Republika ng Madagascar (internasyunal: Republic of Madagascar) o Madagaskar ay isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indiyan, sa labas ng silangang pampang ng Aprika.
Ang Madagascar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at kanyang mga punong baobab.
Republic of Madagascar Repoblikan'i Madagasikara République de Madagascar Republika ng Madagascar | |
---|---|
Awiting Pambansa: Ry Tanindrazanay malala ô! O, ang aming minamahal naming bayan | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Antananarivo |
Wikang opisyal | Malgatse, Pranses, Ingles |
Pamahalaan | |
• Pangulo | Andry Rajoelina |
Christian Ntsay | |
Kalayaan mula Pransiya | |
• Petsa | 26 Hunyo 1960 |
Lawak | |
• Kabuuan | 587,041 km2 (226,658 mi kuw) (45th) |
• Katubigan (%) | 0.13% |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2017 | 25,570,895 |
• Senso ng 1993 | 12,238,914 |
• Densidad | 33/km2 (85.5/mi kuw) (171st) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $19.279 billion |
• Bawat kapita | $979 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $7.711 billion |
• Bawat kapita | $391 |
Gini (2001) | 47.5 mataas |
TKP (2007) | 0.533 mababa · 143rd |
Salapi | Ariary ng Madagascar (MGA) |
Sona ng oras | UTC+3 (EAT) |
• Tag-init (DST) | UTC+3 |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | 261 |
Kodigo sa ISO 3166 | MG |
Internet TLD | .mg |
Ang wika ng mga nakatira sa Madagascar ay Malgatse, isang wikang Austronesyan na nasa parehong pamilya ng Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas. Ito ay dahil ang mga pinakaunang tumira sa Madagascar ay galing sa peninsula ng Malaysia, at tumawid sila sa Karagatang Indiyano para makarating sa Madagascar. Ito ay isa lamang bahagi ng Ekspansiyong Austronesyan, kung saan merong mga naglakbay galing sa Taiwan at pumunta sa Pilipinas, tapos sa iba't ibang isla mula sa Madagascar hanggang sa Isla ng Ister (Easter Island).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika at Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Madagascar, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.