Lady Gaga

Si Stefani Joanne Angelina Germanotta (ipinanganak noong 28 Marso 1986), mas kilala sa pangalan niya sa entablado na Lady Gaga ay isang Amerikanang recording artist.

Siya ay nagsimula sa mga club sa mga lugar sa Lungsod ng Bagong York habang nagtatrabaho rin sa Interscope Records bilang isang tagasulat ng mga kanta para sa ilang mga kilalang mga mang-aawit gaya nila Akon, na matapos marinig na kumanta si Gaga ay hinikayat niya ang pinuno ng Interscope Records na si Jimmy Iovine para pumirma siya sa isang samahang kasunduan na may label at sa Kon Live Distribution label ni Akon.

Lady Gaga
Lady Gaga
Si Gaga sa inaugurasyon ni pres. Joe Biden noong 2021
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakStefani Joanne Angelina Germanotta
Kapanganakan (1986-03-28) 28 Marso 1986 (edad 38)
Yonkers, Bagong York
PinagmulanLungsod ng Bagong York
GenrePop, electronic dance
TrabahoSinger-songwriter, artistang manananghal, rekord produser, negosyante, fashion designer, mananayaw, negosyante, aktibista
Instrumentovocals (Contralto), piano, synthesizer
Taong aktibo2005–kasalukuyan
LabelDef Jam, Cherrytree, Streamline, Kon Live, Interscope
WebsiteLadyGaga.com
Lady Gaga
Lagda ni Lady Gaga

Siya ay nagsimulang gumawa ng isang collective na tinatawag na Haus ni Gaga noong 2008, at inilabas ang kanyang debut album The Fame sa Agosto ng parehong taon. Ang album na napunta sa mga nangungunang mga kanta sa mga bansa tulad ng United Kingdom at Canada, at nanguna sa Billboard Top Electronic Albums chart sa Estados Unidos. Sa kasalukuyan, ang album ay naging isang nangunguna sa pandaigdigang mundo ng pop music sa singles na "Just Dance" (iminungkahi para sa Best Dance-record sa 51 Awards Grammy) at "Poker Face." Matapos gawin ang simula kanila New Kids on the Block at ang Pussycat Dolls, si Gaga ay nagpamalas pa sa kanyang unang tour, ang The Fame Ball Tour. Nakabenta siya ng 64 milyon na digital sales at 23 milyon album sa buong mundo, na naging sanhi na isa sa mga pinakamahusay-nagbentang artisa ng 2009.

Sa musika, siya ay sinasabi niyang inspirasyon niya sina glam rockers tulad ni David Bowie at Queen, pati na rin ang mga pop singers tulad nila Michael Jackson at Madonna. Ang iba pang mga impluwensiya niya ay sa fashion at ang kanyang relasyon sa gay community.

Talambuhay

1986-2004: Maagang Buhay at Edukasyon

Si Lady Gaga ay isinilang noong 28 Marso 1986 sa Lungsod ng Bagong York bilang panganay ng isang Italyanong Amerikanong mga magulang na Cynthia Germanotta at Joseph Germanotta, isang negosyante sa internet. Noong labing-isang taong gulang lamang si Gaga, siya ay pinaaral sa Paaralang Julliard sa Manhattan, pero pumasok na lang sa Kumbento ng Banal na Puso, na isang pribadong paaralang pang-Katoliko. Natuto si Gaga na mag-piyano noong apat na taong gulang siya, at sumulat siya ng pangunahing piano ballad noong 13 siya at itunugtog sa open mic na gabi sa edad ng 14. Noong 17 na siya, nagkamit siya ng maagang pagpasok sa Paaralan ng Sining ni Tisch ng Pamantasan ng Bagong York. Doon, nag-aral siyang tumugtog ng musika at pinagbutihin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng kanta sa paggawa ng mga sanaysay at analitikal na papel na nagpopokus sa mga paksa na sining, relihiyon, at pangsosyopolitika na orden.

2008-kasalukuyan

Noong 2008, si Gaga ay lumipat sa Los Angeles na nagtatrabaho para sa kanyang tatak para sa pag-unlad ng kanyang unang album na The Fame.

Kasiningan

Lady Gaga 
Si Gaga sa Toronto Festival noong 2018.

Mga Impluwensiya

Ang mga magulang ni Gaga, na nagmulat sa kanya sa mga artistang gaya ng The Beatles, nina Stevie Wonder, Bruce Springsteen, Pink Floyd, Led Zeppelin at Elton John, ay may mahalagang impluwensiya sa kanyang pagkabata, at hanggang sa kasalukuyan. "I am a real family girl. When it comes to love and loyalty, I am very old-fashioned. And I am quite down-to-earth for such an eccentric person," sabi niya. "I'm quite traditional in the family sense. I've always been that way." Ayon kay Gaga, si Joanne Germanotta – ang kanyang tiyahin na namatay sa lupus sa gulang na 19 – ay nabuhay sa kanya at nagbigay inspirasyon sa kanya sa lahat ng kanyang musika at sining. Ang petsa ng pangkamatay ni Joanne ay nakatatu sa katawan ni Gaga, at kahit namatay ito 12 taon bago siya isinilang, sinabi ni Gaga na,"I really believe I have two hearts. I think I actually carry two souls in my body, and that I'm living out the rest of her life and her goodness – she died a virgin, she died never having experienced all these things that we all get to love and experience in our lives." Isa pang impluwensiyang ispiritwal kay kay Gaga ay ang Indiyanong doktor, mananalumpati, at manunulat na si Deepak Chopra. Tinatawag niyang "totoong inspirasyon", sinabi niya na "he's always reminded me to work in a life of service to my fans and to fulfill my vision and my destiny" in addition to thinking about Chopra when it comes to her work as a musician: "I want so much for it to go beyond the music for my fans."

Lady Gaga 
Ang pagtatanghal ni Gaga suot-suot ang kanyang plastik na damit(2009)

Sa impluwensiyang pang-musika, kinukuha ni Gaga ang impluwensiya mula sa ilang mga musikero, gaya ng mga mang-aawit ng dance-pop na si Madonna at Michael Jackson hanggang sa mga artista ng glam rock gaya nina David Bowie at Queen habang sinasama din ang mga teatrikong aspeto ng artistang gaya ni Andy Warhol sa kanyang mga teatrikong pagtatanghal. Naging inspirasyon ang awitin ng Queen na "Radio Ga Ga" sa kanyang pangalan: sabi niya "I adored Freddie Mercury and Queen had a hit called 'Radio Gaga'. That's why I love the name [...] Freddie was unique—one of the biggest personalities in the whole of pop music,". Madalas nakatatanggap si Gaga ng paghahambing sa kanya sa artistang si Madonna na tinanggap naman na nakikita niya ang sarili kay Gaga. Bilang sagot sa paghahambing, sinabi ni Gaga "I don't want to sound presumptuous, but I've made it my goal to revolutionize pop music. The last revolution was launched by Madonna 25 years ago" karagdagan sa komentong ito "there is really no one that is a more adoring and loving Madonna fan than me. I am the hugest fan personally and professionally." Gaya ni Madonna, patuloy na binabago ni Gaga ang kanyang sarili at sa mga sumunod na taon ng kanyang karera, ay nakakuha siya ng mga inspirasyong musikal sa iba't ibang uri ng mga artista kasama sina Whitney Houston, Grace Jones, Cyndi Lauper, ang mang-aawit ng Blondie na si Debbie Harry, Scissor Sisters, Prince, Marilyn Manson, Yoko Ono, at Britney Spears. Nabanggit ni Gaga na hindi sa ilang mga panayaw sa kanya at inihayag na, "Britney certainly doesn’t need any freakin’ tips from me! Britney Spears is the queen of pop. I was learning from her." Nagbigay pugay din sa Gaga kay Spears noong 2011 MTV Video Music Awards at sinabi niya na "taught us all how to be fearless, and the industry wouldn't be the same without her."

Adbokasya patungkol sa mga LGBT

Lady Gaga 
Si Gaga habang nagtatalumpati sa 2009 National Equality March

Malaki ang tulong ng mga tagahangang "gay" ni Lady Gaga sa kanyang unti-unting pagsikat at itinuring siyang isang "gay icon". Noong una, nahirapan siya at hindi masyadong naipapatugtog ang kanyang mga kanta sa radyo, at sinabi, "The turning point for me was the gay community. I've got so many gay fans and they're so loyal to me and they really lifted me up. They'll always stand by me and I'll always stand by them. It's not an easy thing to create a fanbase." Pinasalamatan niya ang "Flylife" isang LGBT-based na kompanya sa Manhattan, New York kung saan ang kanyang tagapangalaga ay nagtatrabaho at nakalagay sa kanyang album na The Fame, "I love you so much. You were the first heartbeat in this project, and your support and brilliance means the world to me. I will always fight for the gay community hand in hand with this incredible team." Ang una sa mga palabas niya na ipinanuod sa telebisyon ay noong Mayo 2008 sa NewNowNext Awards, isang palabas ng isang "LGBT network", ang Logo kung saan niya kinanta ang "Just Dance". Noong Hunyo ng parehong taon, kinanta niya ulit ang nasabing kanta sa San Francisco Pride.

Matapos ilabas ang The Fame, inihayag niya na ang kantang "Poker Face" ay tungkol sa kanyang pagka-biseksuwal. Sa pakikipananyam ng Rolling Stone, ikinuwento niya kung paano nakaapekto sa kanila ang kanyang pagiging "biseksuwal", "The fact that I'm into women, they're all intimidated by it. It makes them uncomfortable. They're like, 'I don't need to have a threesome. I'm happy with just you'." Noong siya'y lumabas sa The Ellen DeGeneres Show noong Mayo 2009, kanyang pinuri si Degeneres sa pagiging inspirasyon niya sa mga kababaihan at sa komunidad ng ikatlong kasarian. Sinabi niya na ang 11 Oktubre 2009 "National Equality March" rally sa "National Mall" ay ang pinaka-importanteng pangyayari sa kanyang buhay. Habang siya'y papaalis, iniwan niya ang mga salitang "Bless God and bless the gays",[17] katulad ng sinabi niya sa kanyang talumpati sa pagtanggap ng parangal na Best New Artist sa "2009 MTV Video Music Awards" noong nakaraang buwan. similar to her 2009 MTV Video Music Awards acceptance speech for Best New Artist a month earlier. Sa Human Rights Campaign Dinner, kinanta niya ang kanta ni John Lennon na "Imagine" at sinabing, "I'm not going to [play] one of my songs tonight because tonight is not about me, it's about you." Pinalitan niya ang orihinal na letra ng kanta upang isalamin ang pagkamatay ni "Matthew Shepard", isang estudyanteng pinatay dahil sa kanyang sekswalidad.

Lady Gaga 
Si Gaga at Tonny Bennett

Dumalo si Gaga sa "2010 MTV Video Music Awards" na may kasamang apat na kasapit ng United States Armed Forces (Mike Almy, David Hall, Katie Miller and Stacy Vasquez), na naisalalim sa polisiyang "Don't ask, don't tell" (DADT) kung saan ang mga ibang sexualidad ay pinagbawalang lumahok sa Army. Suot ni Gaga ang kanyang meat dress upang ipakita ang kanyang pagtatanggol sa karapatang pantao ng mga LGBTs at sinabing "If we don't stand up for what we believe in and if we don't fight for our rights, pretty soon we're going to have as much rights as the meat on our own bones." Naglabas siya ng tatlong video sa "YouTube" na humihimok sa kanyang mga fans na kausapin ang kanilang mga Senador sa pagsisikap na tanggalin ang batas na ito. Noong Setyembre 2010, nagtalumpati siya sa "4the14K" rally sa Portland, Maine. ang pangalan ng rally ay nagpakita ng bilang ng mga natanggal sa serbisyo sa ilalim ng DADT (humigit kumulang 14,000). Hinimok niya ang mga Senador na bumotong ipatanggal ang DADT na polisiya. Pagkatapos ng pangyayaring ito, sinabi ng mga patnugot ng The Advocate na, si Lady Gaga ay naging "the real fierce advocate" para sa mga homosekswal, na isa sa mga pangako ni pangulong Barack Obama.

Pumunta si Gaga sa Europride, isang internasyonal na kaganapang para sa mga LGBT, na idinaos sa Roma noong Hunyo 2011. Sa halos dalawampung minutong pagtatalumpati, pinuna niya ang pangit na kalagayan ng karapatang pantao ng mga "gay" sa maraming bansa sa Europa at inilarawan ang mga "homosexual" na Revolutionaries of love bago kantahin ang "Born this Way", at "Edge of Glory" sa harap ng libu- libong tao sa Circus Maxima. Kanyang sinabi na "Today and every day we fight for freedom. We fight for justice. We beckon for compassion, understanding and above all we want full equality now". Sinabi niya rin na lagi siyang kinukwestiyon ukol sa kanyang paglaan ng sarili sa "gayspeak" kung gaano siya "kabakla", sabay sabi sa kanyang mga manunuod na "Why is this question, why is this issue so important? My answer is: I am a child of diversity, I am one with my generation, I feel a moral obligation as a woman, or a man, to exercise my revolutionary potential and make the world a better place." at sabay hirit na, "On a gay scale from 1 to 10, I'm a Judy Garland fucking 42."

Pagkakawang gawa

Bukod sa kanyang music career, nakatulong na din siya sa iba't ibang mga charities. Para sa mga sakuna, nakatulong na siya sa iba't ibang paraan kagaya ng pagbibigay ng relief goods. Kahit tumanggi siyang mapasama sa kantang "We Are the World 25" na layuning tumulong sa mga biktima ng 2010 Haiti earthquake, ay ibinigay niya sa relief fund ng Haiti ang kita ng kanyang konsyerto na naganap noong January 24, 2010 sa New York's Radio City Music Hall. Lahat ng kita ng kanyang online store sa nasabing araw ay kaniya ding ibinigay. Umabot sa US$500,00 ang nalikom niyang pera para sa Haiti

Noon namang 2011 Tõhoku earthquake and tsunami. Siya ay nag tweet ng isang mensahe at nagbigay siya ng link para sa kanyang binebentang Japan Prayer Bracelets na layuning matulungan ang mga nasalanta ng sakuna. Noong March 29, 2011, umabot sa $1.5 million ang kita ng mga bracelet. Sa kabilang banda, si attorney Alyson Oliver ay nagsampa ng kaso laban kay Gaga sa Detroit noong June 2011. Sinasabi niya na may dagdag o patong ang presyo ng tinda nilang bracelet. Hindi din siya naniniwala na lahat ng kita ng bracelets ay napunta sa relief. Bilang tugon sa kaso na sinampa ni attorney Alyson Oliver, sinabi ng spokesperson ni Lady Gaga na ang kaso ay "meritless" at "misleading". Noong June 25, 2011, siya ay nagperform sa MTV Japan's charity show sa Makuhari Messe, na tumulong sa Japanese Red Cross upang makalikom ng pera para makatulong sa mga nasalanta ng sakuna. Noong October 2012, si Lady Gaga ay namataang nakilala ang founder ng Wikipeaks na si Julian Asange sa Ecuadorean embassy sa London. Noon namang October 9, 2012, Si Yoko Ono ay nagbigay ng LennonOno Grabt for Peace kay Lady Gaga at sa 4 pang ibang aktibista sa Reykjavik, Iceland. Noong November 6, 2012, Nagbigay si Lady Gaga ng $1 million sa American Red Cross. Siya din ay nakipagtulungan kay Cyndi Lauper at sa MAC Cosmetics upang gumawa ng produkto ng lipstick na makakatulong sa mga taong mayroong HIV at AIDS. Tinawag ang lipstick na kanilang nirelease na Viva Glam. Sa isang press release, sinabi ni Lady Gaga na "I don't want Viva Glam to be just a lipstick you buy to help a cause. I want it to be a reminder when you go out at night to put a condom in your purse right next to your lipstick.". Ang kita ng Viva Glam lipstick ay umabot sa $202 million dollars.

Born This Way Foundation

Lady Gaga 
Si Lady Gaga noong 2012, sa The Born This Way Ball Tour

Noong 2012, inilunsad niya ang Born This Way Foundation (BTWF). Ito ay isang organisasyon na tumututok sa mga kabataan at ang mga problema na karaniwan nilang hinaharap kagaya ng pagkukulang sa self-confidence at bullying. Kinuha niya ang pangalan ng organisasyong ito mula sa kaniyang pangatlong album.

Diskograpiya

Mga Palabas

  • Lady Gaga Presents the Monster Ball Tour: At Madison Square Garden (2011)
  • A Very Gaga Thanksgiving (2011)
  • Lisa Goes Gaga (The Simpsons episode) (2012)

Mga Paglalakbay na konsiyerto

  • The Fame Ball Tour (2009)
  • Fame Kills: Starring Kanye West and Lady Gaga (2009–10) (kinansela)
  • The Monster Ball Tour (2009–11)
  • The Born This Way Ball Tour (2012–13)

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Tags:

Lady Gaga TalambuhayLady Gaga KasininganLady Gaga Adbokasya patungkol sa mga LGBTLady Gaga Pagkakawang gawaLady Gaga Born This Way FoundationLady Gaga DiskograpiyaLady Gaga Mga PalabasLady Gaga Mga Paglalakbay na konsiyertoLady Gaga Mga sanggunianLady Gaga Mga kawing panlabasLady GagaLungsod ng Bagong York

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PahayaganKawayanKompyuterPangulo ng Estados UnidosBuwan ng WikaLakandulaAntonio LunaDatosWinston ChurchillApianPasismoGonoreaBulalakawTakdang-aralinRehiyon ng DavaoKatipunan ng mga KarapatanKritikal na pag-iisipFrancisco DagohoyKasaysayan ng MaynilaGraciano López JaenaQuezonKalayaan ng mga mamamahayagKonsuladoBob OngOryentasyong seksuwalTekstoPartido NacionalistaSigarilyoTugtuging pambayan sa PilipinasTimog KoreaFelix ManaloJoseph StalinPanghalipJosé BurgosKalikasanEfren PeñafloridaGobernador-HeneralKaugaliang PilipinoDigmaang PasipikoMyrna DelgadoLiyabeTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereEstilong APASimboloMagna CartaPista ng MorionesJose W. DioknoMamagMga pangkat etniko sa PilipinasWikang KastilaRelihiyonEstadoEstados UnidosKagawaran ng Repormang PansakahanKomonwelt ng PilipinasHimagsikang PransesTalaan ng mga digmaang kabilang ang PilipinasKasunduan sa VersaillesBalagtas, BulacanGregorio del PilarLGBTLa SolidaridadKing GutierrezPananakit ng bayagKabibeBahay na batoTambakolRodriguezAlamatPanahonBukalNanganganib na mga uriAung San Suu KyiPagmamanupakturaMakataMatinding DepresyonBagong Hukbong BayanPanggagahasa sa Pilipinas🡆 More