Kristiyanismo Sa India

Ang Kristiyanismo ay ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa India matapos ang Hinduismo at Islam, na may humigit-kumulang na 31.9 milyong tagasunod, na bumubuo ng 2.3 porsyento ng populasyon ng India (2011 senso).

Ayon sa tradisyon ng mga Kristiyanong India, ang pananampalatayang Kristiyano ay ipinakilala sa India ni Tomas ang Alagad, na sinasabing umabot sa Baybaying Malabar (Kerala) noong 52 AD. Ayon sa isa pang tradisyon, si Bartolome ang Alagad ay sinasabing sabay na ipinakilala ang Kristiyanismo sa kahabaan ng Baybaying Konkan. Mayroong pangkalahatang pinagkasunduan ang iskolar na ang mga pamayanang Kristiyano ay matatag nang naitatag sa Baybaying Malabar (Kerala) ng India noong ika-6 na siglo AD, na mga pamayanan na gumamit ng Siriakong liturhiya. Simula mula noong kolonisasyong Europa mula ika-15 siglo maraming pamayanang Kristiyanismong Kanluranin tulad ng Ritung Latinong Katoliko at mga Protestante ang itinatag sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Mga Kristiyano sa India
Nasrani cross.jpg
Kristiyanong krus ni Santo Tomas
Kabuuang populasyon
31,850,000 (2011)
Mga rehiyong may malalaking populasyon
Kalakhan sa Nagaland na may 90%, Mizoram na may 90%, at Meghalaya na may 83%. Pluralidad sa Manipur na may 41.3% at Arunachal Pradesh na may 35%. Natatanging bilang sa Goa na may 25%, Kerala na may 18.28%, at Tamil Nadu na may 6.2%.
Mga relihiyon
Kalakhang Protestante at Katoliko; minoridad ang Ortodokso, at iba pa.
Mga wika
Hindi, Ingles, Tamil , Bodo, Khasi, Karbi, Mizo, Rabha, Mushing, Naga, Kuki, Garo, Hmar, Bengali, Nepali, Assamese, Malayalam, Odia, Gujarati, Kokborok, Konkani, Kannada, Telugu, at samu't saring mga wikang Indiano

Ang mga Kristiyano sa India ay kasapi ng iba't ibang denominasyon ng simbahan bagaman ang ilan ay hindi rin denominasyonal. Ang estado ng Kerala ay tahanan ng pamayanan ng mga Kristiyano ni Santo Tomas, isang sinaunang pangkat ng mga Kristiyano na ayon sa tradisyon ay inuugat ang kanilang pinagmulan sa gawaing ebanghelyo ni Tomas ang Alagad noong unang dantaon. Nahahati sila ngayon sa maraming iba't ibang simbahan at tradisyon. Mayroong mga denominasyon ng Ritung Silangang Siriako: ang Simbahang Katolikong Syro-Malabar at ang Simbahang Caldea Siriano. Mayroong mga denominasyong Ritung Kanlurang Siriako : ang Simbahang Ortodoksong Syranong Malankara, ang Kristiyanog Simbahang Jacobong Syriano, ang Simbahang Syrianong Mar Thoma, ang Simbahang Katolikong Syro-Malankara, at ang Malayang Simbahang Syriano ng Malabar. Ang mga Anglikanong Santo Tomas ay miyembro ng Simbahan ng Timog India (CSI). Ang Ritung Romanong Katolisismo ay ipinakilala sa India ng mga Portuges, mga Italyanong Capuchino, at mga Irlandang Heswita mula noong ika-16 na siglo, sa ilalim ng impluwensiya ng mga kaalyadong emperyo nito, na nagresulta sa pagtatag ng mga pamayanan tulad ng mga Kristiyanong Bettiah ng Bihar. Maraming paaralang Kristiyano, ospital, at sentro ng pangunahing pangangalaga ang nagmula sa mga misyong Katoliko Romano na dinala ng kalakalan sa mga bansang ito.

Mga sanggunian

Tags:

Bartolome ang AlagadBaybaying MalabarHinduismoIslam sa IndiaKonkanKristiyanismoKristiyanismong KanluraninTomas ang AlagadWikang Siriako

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

MagsasakaAIDSTemperaturaDulaPagtatalik na premaritalPagtotrosoBagyoBalbalLGBTTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanMundoBayawakAwtoritarismoBulkang MayonKatotohananEstadistikaBaybayinTaiwanBulkanSimboloMarcelo H. del PilarKasaysayan ng MaynilaMilanGamugamoAsulMoro-moroSa Aking Mga KabataTag-initNueva EcijaPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladUnited KingdomKudetaPandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalBela PadillaLihamEl NiñoArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaElpidio QuirinoTsokolateng burolTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogSekularisasyonKomisyon sa Wikang FilipinoPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasNorzagarayKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaBagong Hukbong BayanHuling PaalamIdeolohiyaLabanan ng CorregidorHaponHatirang pangmadlaMalakas at MagandaMuntinlupaKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasGMA NetworkLibangan (gawain)Batas Republika Bilang 9165 ng PilipinasKumbentoHiroshima Peace MemorialJus sanguinisKarahasanPagpapatalastasCarlos P. GarciaPahayaganMithiinRamon MagsaysaySalawikainBibliyaTagu-taguanSandatahang Lakas ng PilipinasPagmamanupakturaUnang Digmaang OpyoAbakaCabuyaoImplasyon (presyo)Partidong NaziSukarnoPagkakapantay-pantay ng mga kasarian🡆 More