Pulo Java

Ang Java (Ingles: Java, Indones: Jawa, Habanes: ꦗꦮ, Sunda: ᮏᮝ) ay isang isla ng Indonesia at ang kinalalagyan ng kabisera ng bansa, ang Jakarta.

Ito ang pinakamataong isla, at isa sa mga pinaka pinakamataong rehiyon sa mundo. Ang dating lugar ng mga makapangyarihang kaharian ng Hindu at ang sentro ng kolonyal na Dutch East Indies, ang Java ngayo'y may importanteng papel na ginagagampanan sa aspetong pampolitika at ekonomiya ng Indonesia. Tinatawag na Habanes (lalaki) at Habanesa (babae) ang mga taga-Java.[kailangan ng sanggunian]

Java
Jawa (Indones)
ꦗꦮ (Habanes)
ᮏᮝ (Sunda)
Heograpiya
LokasyonSoutheast Asia
Mga koordinado7°29′30″S 110°00′16″E / 7.49167°S 110.00444°E / -7.49167; 110.00444 110°00′16″E / 7.49167°S 110.00444°E / -7.49167; 110.00444
ArkipelagoGreater Sunda Islands
Ranggo ng sukat13th
Pamamahala
Demograpiya
Populasyon145 million

Heograpiya

Ang Java ay isang parte ng Arkong Isla ng Sunda na kinabibilangan ng Sumatra sa hilagang-kanluran at ang Bali sa silangan. Ang Borneo ay nasa Hilaga habang ang Isla ng pasko ay nasa timog. Ito ay ang ika-13 na pinakamalaking isla sa buong mundo. Ang Java ay halos hango sa Bulkan; nandirito ang di-kumulang na 38 na bundok na sa isang pagkakataon ay aktibo. Ang pinakamataas na bulkan sa Java ay ang Bundok Semeru (3,676 m). Sumangguni sa Mga bulkan ng Java.

Ang pinakamahabang ilog sa isla ay ang Ilog Solo ng Bengawan, na may 600 km ang haba. Ang Bengawan Solo ay umaagos mula sa sentral Java papasok ng bulkang Tawu, papuntang hilaga tapos papasilangan sa kanyang bukana sa Dagat Java, malapit sa siyudad ng Surabaya.

Demograpika

Pulo Java 
Bundok Semeru at Bundok Bromo sa Silangang Java
Pulo Java 
Sentral Jakarta

Sa Java matatagpuan ang kabisera ng Indonesia, ang Jakarta. Ang mga tanyag na destinasyong panturista sa lugar ay kinabibilangan ng siyudad ng Yogyakarta, ang malaking mala-piramide na monumento kay Buddha na kilala sa tawag na Borobudur, at ang Prambanan, ang pinakamalaking templo sa Java. Ang Java din ang pinakamataong lugar sa Indonesia, na may humigit-kumulang sa 62% sa kabuuang populasyon sa bansa. Sa 130 milyon na tao sa 940 tao kada km², ito din ang ikalawang pinakamatong isla sa mundo. Kung ito'y magiging bansa, ito'y magiging pangalawa lamang sa Bangladesh sa kakapalan. Humigit-kumulang na 45% ng populasyon ng Indonesia ay Javanes. Mula noong 1970, ang gobyerno ng Indonesia ay nagpatakbo ng mga programang transmigrasyon na naglalayong ilagay ang iba pang mga tao sa Java sa iba pang mga isla ng Indonesia. Ang programang ito'y nagkaroon ng mga nagsasalungat na reaksiyon at may pagkakataong lumubha ng tensiyon sa paggitan ng mga lokal at ng mga dayo. Ang isla ay pinag-babahagi sa 4 na probinsiya, isang rehiyong espesyal* (daerah istimewa), at isang espesyal na distritong pangkabisera** (daerah khusus ibukota):

Sanggunian

Tags:

Dutch East IndiesHinduIndonesiaIslaJakartaKabiseraWikang HabanesWikang IndonesWikang InglesWikang Sundaen:Wikipedia:Citation needed

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Listahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasAnekdotaSalapiPartido Komunista ng PilipinasPaglulutoPanlapiAnyong lupaRebolusyong EDSA ng 1986El NiñoPananakop ng mga Hapones sa PilipinasPangako Sa 'YoPag-ibigKolonyalismoNetherlandsPanahonPang-angkopLungsodSalitaKulugoTiyagaIkalawang Digmaang PandaigdigIrogJose P. LaurelPaseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong SektorEpikoAlamat ng pinyaDigmaang Sibil ng TsinaHidilyn DiazParihabaNegosyoOrasanTalaan ng mga digmaang kabilang ang PilipinasEdukasyonBulutung-tubigKapitalismoBatangasDaniel PadillaKonsuladoMga IgorotTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereRehiyon ng DavaoNobelaAspinTeoryaPamilangNepotismoLeonor RiveraSanggunianTalampasMga HudyoWikang KastilaPagpapatiwakalHagdan-hagdang Palayan ng BanaweMoro (Pilipinas)Pang-abayAbogadoAgusan del SurGoogleDasmariñasButuanFrancisco BalagtasPamahalaan ng PilipinasAghamBugtongPáitIka-6 na Utos (palabas sa telebisyon)Noli Me Tángere (nobela)Kasaysayan ng PilipinasKabihasnanBagyoMandaluyongTamarawMangyanHimagsikang PilipinoKawalMaria Clara at IbarraRene Requiestas🡆 More