Si Dr.
Isaac Asimov (c. 2 Enero 1920 – 6 Abril 1992, orihinal na sinusulat bilang Исаак Озимов ngunit ngayon ay sinusulat na sa wikang Ruso bilang Айзек Азимов) ay isang Amerikanong Hudyo na ipinanganak sa Rusya. Isa siyang biokemiko at manunulat na kilala sa kanyang mga akdang kathang-isip na pang-agham at kanyang mga popular na aklat agham. Ang pinakatanyag na gawa ni Asimov ay ang Foundation Series na bahagi ng isa sa kanyang mga malalaking serye, ang Galactic Empire Series, na kalauna'y napag-isa rin sa Robot Series. Sumulat din siya ng mga akdang misteryo at pantasya, gayundin ng maraming di-piksiyon. Sumulat at nakapag-edit si Asimov ng higit kumulang 500 bolyum at 90,000 sulat at poskard, kung saan nakapag-ambag siya sa bawat kategorya ng Sistemang Desimal ni Dewey maliban sa Pilosopiya. Sa karamihan, tinagurian si Asimov bilang bihasa sa siyensiyang piksiyon, at kasama sina Robert A. Heinlein at Arthur C. Clarke, kinilala siya bilang isa sa "Big Three" o Malalaking Tatlo ng siyensiyang piksiyon.
Isaac Asimov | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Enero 1920
|
Kamatayan | 6 Abril 1992
|
Mamamayan | Rusia Sovietica Estados Unidos ng Amerika Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya |
Nagtapos | Columbia University |
Trabaho | biyokimiko, nobelista, prosista, awtobiyograpo, manunulat ng science fiction, manunulat ng non-fiction, propesor ng unibersidad, mamamahayag, screenwriter, manunulat |
Pirma | |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Isaac Asimov, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.