Hilagang Irlanda: Isang bahagi ng Nagkakaisang Kaharian

Ang Hilagang Irlanda (Ingles: Northern Ireland, Irlandes: Tuaisceart Éireann   ( listen); Ulster-Eskoses: Norlin Airlann) ay iba't iba ang pagsasalarawan bilang isang bansa, lalawigan, o rehiyon na bahagi ng Reino Unido.

Matatagpuan sa hilagang-silangan ng pulo ng Irlanda, ibinabahagi ang hangganan nito sa timog at kanluran sa Republika ng Irlanda. Noong 2011, mayroon itong populasyon na 1,810,863, na binubuo ng mga 30% na populasyon ng pulo at mga 3% ng populasyon ng Reino Unido. Ang Asembliya ng Irlanda (kolokyal na tinutukoy bilang Stormont dahil sa lokasyon nito), ay itinatag sa pamamagitan ng Batas ng Hilagang Irlanda ng 1998, na may responsibilidad sa iba't ibang pabago-bagong polisiya, habang nakareserba ang ibang larangan sa pamahalaang Britaniko. May kooperasyon ang Hilagang Irlanda at Republika ng Irlanda sa ilang parte.

Hilagang Irlanda

Northern Ireland
Tuaisceart Éireann
constituent country of the United Kingdom, integral overseas territory, stateless nation, Bansa
Hilagang Irlanda: Heograpiya, Mga sanggunian
Watawat ng Hilagang Irlanda
Watawat
Hilagang Irlanda: Heograpiya, Mga sanggunian
Mga koordinado: 54°36′27″N 6°41′33″W / 54.6075°N 6.6925°W / 54.6075; -6.6925 6°41′33″W / 54.6075°N 6.6925°W / 54.6075; -6.6925
BansaHilagang Irlanda: Heograpiya, Mga sanggunian United Kingdom
Itinatag8 Mayo 1921
KabiseraBelfast
Bahagi
Pamahalaan
 • UriMonarkiyang konstitusyonal
Lawak
 • Kabuuan14,130 km2 (5,460 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)
 • Kabuuan1,852,168
 • Kapal130/km2 (340/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00
Kodigo ng ISO 3166GB-NIR
WikaIngles, Wikang Irlandes

Nalikha ang Hilagang Irlanda noong 1921, nang hinati ang Irlanda sa pamamagitan ng Batas ng Pamahalaan ng Irlanda ng 1920. Karamihan sa populasyon ng Hilagang Irlanda ay unyonista, na gustong manatili sa Reino Unido. Pangkalahatan silang inapo ng kolonista mula sa Gran Britanya. Habang ang mayorya sa Katimugang Irlanda (na naging Malayang Estadong Irlandes noong 1922), at isang mahalagang minorya sa Hilagang Irlanda, ay nasyonalistang Irlandes at mga Katoliko na nais ang isang pinag-isang malayang Irlanda. Ngayon, tinitingnan ng mga unyonista ang kanilang sarili bilang Britaniko habang ang mga nasyonalista naman bilang Irlandes, habang ang identidad na Hilagang Irlandes o Ulster ay inaangkin ng isang malaking minorya na mula sa iba't ibang pinagmulan.

Heograpiya

Mga Kondado

Ang Hilagang Irlanda ay naglalaman ng anim na makasaysayang mga kondado. Ang mga ito ay: County Antrim, County Armagh, County Down, County Fermanagh, County Londonderry, at County Tyrone.

Ang mga kondadong ito ay hindi na ginagamit bilang lokal na pamahalaan sapagkat pinalitan nila ito ng labing isang distrito na pinalitan rin ang dalawangpu't anim na distrito noong 2015.

Mga lungsod at bayan

Ang sampung pinakapopuladong mga lungsod at bayan sa Hilagang Irlanda ay:

1 Belfast 334,420
2 Derry 84,750
3 Lisburn 71,403
4 Greater Craigavon 68,890
5 Newtownabbey 66,120
6 Bangor 62,650
7 Ballymena 30,590
8 Newtownards 28,860
9 Newry 28,080
10 Carrickfergus 27,640

Mga sanggunian

Tags:

Hilagang Irlanda HeograpiyaHilagang Irlanda Mga sanggunianHilagang IrlandaIrlandaReino UnidoRepublika ng IrlandaTuaisceart Eireann.oggWikang InglesWikang Irlandes

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PagkamakabansaPusaPrinsipyoEmperador MeijiLaroRebolusyong EDSA ng 1986Mahatma GandhiSultanato ng MaguindanaoCarlos P. GarciaKasunduan sa VersaillesFacebookBuod (paglilinaw)Jose W. DioknoSa Aking Mga KabataLa Ilustración FilipinaEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaKolonyalismoKalikasanMIMAROPABalagtas, BulacanMitolohiyang PilipinoPilibusteroSigaw ng Pugad LawinGumamelaMao ZedongHagdan-hagdang Palayan ng BanaweArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaKomedyaBawal na gamotAndrea BrillantesPipinoGregoria de JesusErmitanyoUnggoyPaghahalamanSenado ng PilipinasNobelaCriza TaaManny PacquiaoSoberanyaAlden RichardsFelipe Buencamino Sr.LipunanTalongArsobispoAlpabetong FilipinoEkonomikaTag-initPusonBulkanTeoryang pampanitikanPasismoTanauanKathang-isipBataanTukoLiyabeJoseph EstradaEduardo V. ManaloPagduduwalBayawakKasarinlanKaragatang Kanlurang PilipinasPagdurugo ng ilongGitnang LuzonMakopaSenakuloBatisLangkaPandiwaMariano GómezKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Angel LocsinDatuBaro't sayaEl filibusterismoAgham🡆 More