Hayop Ka!: Pelikulang animasyon mula Pilipinas noong 2020

Ang Hayop Ka!, kilala rin sa pamagat nito sa Ingles na Hayop Ka! (You Son of a Bitch!), Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story (Tinagalog: Hayop Ka! Ang Kuwento ni Nimfa Dimaano), at You Animal!, ay isang pang-matandang pelikulang animasyong romcom na dinirek ni Avid Liongoren.

Prinodyus ng Rocketsheep Studios at Spring Films, ito ang kauna-unahang pelikulang animasyon mula Pilipinas na ipinalabas sa Netflix. Itinatampok ng pelikula ang mga boses ni Angelica Panganiban, Robin Padilla, at Sam Milby.

Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story
Hayop Ka!
DirektorAvid Liongoren
Prinodyus
  • Avid Liongoren
  • Manny Angeles
  • Joyce Bernal
  • Piolo Pascual
  • E Del Mundo
  • Erickson Raymundo
Sumulat
  • Manny Angeles
  • Paulle Olivenza
Itinatampok sina
Produksiyon
  • Rocketsheep Studio
  • Spring Films
TagapamahagiNetflix
Inilabas noong
  • 29 Oktubre 2020 (2020-10-29) (Netflix)
BansaPilipinas
Wika
  • Filipino
  • Ingles

Ipinalabas ito sa Netflix noong 29 Oktubre 2020 para ilang piling teritoryo at bansa.

Kuwento

Tindera ng pabango sa isang mall si Nimfa, isang isinataong (anthromorphized) pusa. Dyanitor naman sa naturang mall ang nobyo niyang si Roger, isang mongrel na aso. Subalit, biglang gumulo ang mundo niya nang makita't makilala niya si Iñigo, isang negosyanteng aso. Magawa kaya niyang makalabas sa love triangle na ito?

Tauhan

  • Angelica Panganiban bilang si Nimfa Dimaano, isang pusang kulay-kahel na nagtitinda ng pabango sa isang mall.
  • Robin Padilla bilang si Roger, isang matipunong mongrel na aso, na isang dyanitor at nobyo ni Nimfa.
  • Sam Milby bilang si Iñigo Villanueva, isang asong negosyante.

Produksiyon

Ayon kay Liongoren, ang konsepto ng pelikula ay unang lumutang pagkatapos ng produksyon nila sa Saving Sally. Nagsisilbi itong kabaligtaran sa tema (thematic opposite) ng naunang pelikula. Dagdag pa niya, tatlong taon na nila itong ginawa para makuha ang pagiging komikal ng pelikula.

Nilabas ng Rocketsheep Studios ang teaser trailer nito noong 13 Mayo 2019 sa YouTube, at ang buong trailer nito noong 5 Setyembre 2019.

Noong ika-21 naman ng Setyembre 2020, inanunsyo ng Netflix na ipapalabas ang pelikula sa kanilang platform sa Pilipinas sa darating na 29 Oktubre 2020. Nilabas naman ang opisyal na trailer nito noong 12 Oktubre 2020.

Reaksyon bago ipalabas

Pagkaanunsyo ng Netflix sa naturang pelikula, nagkaroon ng isang panawagan na i-boycott ang pelikula dahil kasama sa mga nagboses nito si Robin Padilla, isang kilalang tagasuporta ni Rodrigo Duterte. Binatikos ng ilan ang naturang panawagan, at pinapanawagan na lang sa Netflix na palitan si Robin Padilla. Marami naman ang nagbigay a mga social media site ng suporta sa mga gumawa ng pelikula at sa industriya sa pangkalahatan.

Mga sanggunian

Kawing panlabas

Tags:

Hayop Ka! KuwentoHayop Ka! TauhanHayop Ka! ProduksiyonHayop Ka! Mga sanggunianHayop Ka! Kawing panlabasHayop Ka!Angelica PanganibanAnimasyonInglesNetflixRobin PadillaRomantic comedySam Milby

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Rodrigo DuterteOpyoHatirang pangmadlaPoncio PilatoAnjo PertierraTalabaEspiritwalidadNapoleon I ng PransiyaKagawaran ng Tanggulang Bansa (Pilipinas)ChatGPTSultanato ng SuluAnyong tubigKasingkahuluganWikang FilipinoPanlililokKapitalismoKatipunanTempo (musika)PaaralanRespetoGregoria de JesusTalinghagaPangako Sa 'YoAbogadoTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePulisyaLokal na pamahalaan ng PilipinasMakatiKonsuladoUnited KingdomMindanaoNobelaAlpabetong FilipinoPagmamanupakturaAnemiaImpluwensya ng Espanya sa kulturang PilipinoPagpapatalastasButuanBahaghariNoli me tangere (parilala)Ati-AtihanTeodora Realonda y QuintosEfren PeñafloridaKasaysayan ng salapi ng PilipinasKasunduan sa NanjingPagpapatiwakalMartirPedro PaternoIndustriyalisasyonBernardo CarpioBacolodDivina ValenciaTekstoLas PiñasAung San Suu KyiPangangalagang pangkalusuganJuan Ponce EnrileArko ni NoeUsogGhost FighterKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)TemperaturaPiyudalismoParusang kamatayanSimbahang Katolikong RomanoTala ng mga taonMga PilipinoMonologoKarapatang pantaoLagariIdeolohiyaMartsa ng Kamatayan sa BataanLipunang pambayanTag-ulanLapayWikipediaEkonomiyaDinamika (musika)Pilipinas🡆 More