Si Dwayne Douglas Johnson (ipinanganak Mayo 2, 1972), na kilala din bilang The Rock, ay isang Amerikanong artista, prodyuser at retiradong propesyunal na mambubuno.
Nakilala bilang isa sa mga pinakamahusay na propesyunal na mambubuno sa lahat ng panahon, nambuno siya para sa World Wrestling Federation (WWF, WWE na ngayon) sa loob ng walong taon bago naging isang artista. Kumita ang kanyang mga pelikula na lalagpas sa $3.5 bilyon sa Hilagang Amerika at $10.5 bilyon sa buong sanlibutan, na ginagawa siya bilang isa sa mga mataas kumita ang pelikula at mataas ang suweldo bilang artista sa buong mundo.
Dwayne Johnson | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Mayo 1972
|
Mamamayan | Canada (2009–) Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Unibersidad ng Miami |
Trabaho | propesyunal na mambubuno, artista sa pelikula, prodyuser ng pelikula, ehekutibong prodyuser, manlalaro ng Amerikanong putbol, artista sa telebisyon, tagapagboses, negosyante, manlalaro ng Canadiyanong putbol, artista |
Pirma | |
Manlalaro si Johnson ng Amerikanong putbol sa kolehiyo sa Unibersidad ng Miami, na kung saan nanalo ang kanyang koponan sa pambasang kampeonato noong 1991. Hinangad niya ang propesyunal na karera sa putbol at pinasok ang 1995 NFL Draft, subalit hindi na-draft. Pumirma siya sa Calgary Stampeders ng Canadian Football League (CFL), subalit tinanggal siya sa koponan noong unang season. Daglian pagkatapos noon, nagsimula siya magsanay bilang isang propesyunal na mambubuno.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Dwayne Johnson, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.