Dagat Itim

Ang Dagat Itim (Ingles: Black Sea) ay isang dagat na napalilibutan o nakapaloob sa lupa na napaliligiran ng Timog-silangang Europa, ang Caucasus ang Tangway ng Anatolia (Turkey) at nakarugtong sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng Dagat Mediteranyo,Dagat Egeo at iba't ibang kipot.

    Para sa ibang gamit, tingnan ang Dagat Itim (paglilinaw).

Ang kipot ng Bosporus ay nadurugtong nito sa Dagat Marmara, at ang kipot ng Dardanelles ang nagdurugtong nito sa rehiyon ng Dagat Aegean ng Mediteranyo. Ang tubig nito ang naghihiwalay sa silangang Europa at kanlurang Asya. Ang Dagat Itim ay nakakonekta sa Dagat Azov sa pamamagitan ng Kipot ng Kerch.

Dagat Itim
Isang mapa ng Dagat Itim na gawa ng NASA

Ang Dagat Itim ay may area na 436,400 km² (168,495 sq mi), ang pinakamalalim na bahagi nito ay umaabot ng 2,212 m (7,257 ft), at bolyum na 547,000 km³ (133,500 cu mi). Ang Dagat Itim ay gumagawa ng eliptikal na depresyon na makikita sa pagitan ng Bulgaria, Georgia, Romania, Russia, Turkey, at Ukraine. Napapalibutan ito ng Kanbundukan ng Pontic sa timog, ang kabundukan ng Caucasus na sa silangan at mayroong malawak na shelf sa hilagang-kanluran. Ang pinakamahabang lawak nito mula sa silangan hanggang kanluran ay 1,175 km.

Ang mga mahahalagang lungsod sa baybayin ng dagat ay ang mga sumusunod: Constanţa (306,000 na may metropolitan area na 550,000), Istanbul (11,372,613), Odessa (1,001,000), Mangalia (41,153), Burgas (229,250), Varna (357,752 na may metropolitan area ng 716,500), Kherson (358,000), Sevastopol (379,200), Yalta (80,552), Kerch (158,165), Novorossiysk (281,400), Sochi (328,809), Sukhumi (43,700), Năvodari (34,669), Poti (47,149), Batumi (121,806), Trabzon (275,137), Samsun (439,000) Ordu (190,143) at Zonguldak (104,276).

Isa ang Dagat Itim sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Puti, ang Dagat Pula, at ang Dagat Dilaw.

Mga sanggunian

Tags:

AnatoliaCaucasusDagat EgeoDagat MediteranyoEuropaKanlurang AsyaKaragatang AtlantikoKipotTimog-silangang EuropaTurkeyWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Mariano GómezPatricio MarianoSalaysayKing GutierrezEtnograpiyaSilang, KabiteSakit sa ibaba ng likodAti-AtihanPaciano RizalChienna FilomenoLino BrockaKalusuganWikang KapampanganLGBTAlemanyaMoro-moroSurotLabanan sa BritanyaPagkalulong sa bawal na gamotIndonesiaMaria Clara at IbarraIbong AdarnaGintoKarapatang sibil at pampolitikaTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereKabibeTalumpatiMga PilipinoIbonGhost FighterPanggagahasa sa PilipinasKapital (ekonomika)Partidong NaziHabagatBB GandanghariBuod (paglilinaw)Bawal na gamotMangingisdaBughawBalbalEstados UnidosAng Huling El BimboMarian RiveraKolonyalismoKasuotanKasaysayanSingaw (sakit)Mga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasApolinario MabiniJosé Basco y VargasTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereNobelang PilipinoRodrigo DuterteDinamika (musika)Mga Gobernador-Heneral ng PilipinasSinulogHadhadKathryn BernardoPagpapasyaPagsasalinPag-aaklas sa Kabite ng 1872LangkaTalaan ng mga artista sa PilipinasTeknolohiyaRuta ng kalakalanHimala (pelikula)KaunlaranJackie GonzagaSapsapDigmaang PasipikoFelipe Buencamino Sr.Fernando Poe Jr.TalampasChiang Kai-shekHukbalahapKubyertosAnne CurtisAngono🡆 More