Ang isang araw ay ang panahon ng oras ng buong pag-inog ng Daigdig sa Araw.
Sa katamtaman, ito ay 24 oras (86,400 segundo). Habang dumadaan ang araw sa isang binigay na lokasyon, nakakaranas ito ng umaga, tanghali, hapon, dilim at gabi. Pinapaandar araw-araw ang siklo ito ng mga ritmong sirkadiyano sa maraming mga organismo, na napakahalaga sa maraming proseso ng buhay.
Naka-ayos ang isang koleksyon ng mga sunod-sunod na mga araw sa mga kalendaryo bilang mga petsa, halos palagi sa mga linggo, buwan at taon. Inaayos ng kalendaryong solar ang mga petsa batay sa taunang siklo ng Araw, na nagbibigay ng konsistenteng simulang petsa para sa mga pana-panahon taon-taon. Inaayos naman ng kalendaryong lunar ang mga petsa batay sa yugtong lunar ng Buwan.
Ang isang bituing araw (Ingles: sidereal day o stellar day) ay ang haba ng panahon para makagawa ang Daidigdig ng buong pag-inog ayon sa iniikutan nitong bagay selestiyal o malayong bituin (pinalagay na nakapirmi). Ginagamit ang pagsukat ng araw tulad nito sa astronomiya. Ang bituing araw ay mga 4 minutong mas kaunti sa isang araw solar na 24 oras (23 oras 56 minuto at 4.09 segundo), o 0.99726968 ng araw solar ng 24 oras. Mayroon mga 366.2422 bituing araw sa isang katamtamang taong tropikal (isang bituing araw na mas marami sa bilang ng mga araw solar).
Bukod sa isang bituing araw sa Daigdig, mayroon mga oras ng araw ang ibang bagay sa Sistemang Solar, ang tagal ng mga ito ay:
Pangalan | Tagal ng oras |
---|---|
Merkuryo | 4222.6 |
Benus | 2802 |
Buwan ng Daigdig | 708.7 |
Marte | 24.7 |
Seres | 9–9.1 |
Hupiter | 9.9 |
Saturno | 10.7 |
Urano | 17.2 |
Neptuno | 16.1 |
Pluto | 153.3 |
Maaring tumukoy ang salita sa iba't ibang parehong mga ideya na binigyang kahulugan, tulad ng:
Hinati ng mga tao ang araw sa mga panahong di-pantay, na maaring may mga implikasyon pangkalinangan, at ibang mga epekto sa mga prosesong pambiyolohiya ng tao. Walang tinakdang oras sa mga bahagi ng araw; maaring iba't iba ito ayon sa pamumuhay o mga oras ng liwanang ng araw sa isang binigay n lugar.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Araw (panahon), which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.