Tumutukoy ang alahas sa mga palamuting isinusuot bilang panggayak ng sarili, tulad ng mga brotse, singsing, kuwintas, hikaw, palawit, pulseras, at himelo.
Maaaring ikabit ang mga alhas sa katawan o sa mga damit. Mula sa kanluraning pananaw, natatakdaan ang salita sa mga pangmatagalang burloloy, hindi kasama ang mga bulaklak bilang halimbawa. Sa loob ng maraming siglo, ang mga metal tulad ng ginto na ginamit sa mga iba't ibang kilatis mula 21, 18, 12, 9 o mas mababa pa, kadalasang isinasama sa mga batong-hiyas, ay naging karaniwang materyales para sa alahas, ngunit maaaring gamitin din ang mga ibang materyales tulad ng mga takupis at iba pang materyales mula sa mga halaman. Ito ay isa sa mga pinakalumang uri ng artepaktong arkeolohikal – ipinapalagay na ang pinakalumang kilalang alahas ay mga 100,000 taong-gulang na abaloryo gawa sa mga takupis ng Nassarius. Nagkakaiba-iba ang mga pangunahing anyo ng alahas sa pagitan ng mga kultura ngunit madalas ay may napakahabang buhay; sa mga kultura ng Europa ang mga pinakakaraniwang anyo ng alahas na naitala sa itaas ay nagpatuloy mula noong sinaunang panahon, habang ang mga ibang anyo tulad ng mga adorno para sa ilong o bukung-bukong, mahalaga sa mga ibang kultura, ay di-kasingkaraniwan.
Maaaring ibuo ang alahas mula sa maraming iba't ibang materyales. Malawakang ginamit ang mga batong-hiyas at mga magkatulad na materyales tulad ng amber, sagay, mahahalagang metal, at madalas na naging halaga ang esmalte. Sa karamihan ng mga kultura, nauunawaan ang alahas bilang simbolo ng katanyagan, para sa katangian ng kanyang materyales, para sa kanyang disenyo, o para sa kanyang makahulugang simbolo. Ipinalikha ng mga alahas ang halos bawat bahagi ng katawan, mula aguhilya hanggang singsing ng paa, at kahit alahas sa pribadong ari. Sa makabagong kultura ng Europa, ang nasusuotan ng mga adultong lalaki ay medyo mababa kumpara sa mga ibang kultura at mga ibang panahon sa kultura ng Europa.
Ginagamit ng mga tao ang alahas sa iba’t ibang kadahilanan:
Karamihan ng mga kultura sa kalaunan ay nagkaroon ng kagawian ng pagtatago ng malaking kayamanan sa anyo ng alahas. Maraming kultura ang nag-iimbak ng mga ubad sa anyo ng alahas o gumagawa ng alahas bilang paraan upang mag-imbak o magpakita ng mga barya. Bilang kahalili, ginagamit din ang alahas[nino?] bilang salapi o paninda; gaya halimbawa ng paggamit ng mga aboloryong pang-alipin.
Marami sa mga alahas, tulad ng mga brotse at hebilya, ay nagsimula bilang mga bagay na may pratikal na paggamit, ngunit nag-ebolb tungo sa mga pandekorasyon dahil nabawasan ang kanilang pagkapraktikal.
Maaaring sumagisag ang alahas sa pagiging kasapi ng isang pangkat (gaya ng sa kaso ng Kristiyanong krus o ng Hudyong Bituin ni David) o estado (gaya ng sa kaso ng kadena ng opisina, o ng Kanluraning kaugalian ng pagsusuot ng mga kasado ng singsing-pangkasal).
Karaniwan sa mga ilang kultura ang pagsusuot ng mga agimat at agnos upang maproteksyonan o salagin ang kasamaan. Maaaring matamo ito sa mga simbolo (tulad ng ankh), bato, halaman, hayop, bahagi ng katawan (tulad ng Khamsa), o glipo (tulad ng mga naka-istilong bersyon ng Al-Baqara 255 sa sining Islam).
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Alahas, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.