Ang 2006 (MMVI) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Linggo sa kalendaryong Gregoryano.
Ito ang ika-2006 na taon sa pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini, ang ika-6 na taon sa ikatlong milenyo, ang ika-6 na taon sa ika-21 dantaon, at ang ika-7 taon sa dekada 2000.
Enero 1 – Pinutol ng Rusya ang pagpapadala ng natural na gas sa Ukraine dahil sa isang pagtatalo sa presyo.
Enero 15 – Matagumpay na natapos ang misyong Stardust ng NASA, ang una na nakabalik mula sa isang kometa.
Enero 19 – Inlunsad ng NASA ang unang misyon sa kalawakan tungong Pluto habang sumibat ang isang raketa sa sasakyang pangkalawakan na New Horizons sa siyam-na-taong paglalakbay.
Marso 9 – Natuklasan ng sasakyang pangkalawakan na Cassini–Huygens ng NASA ang mga geyser ng isang likidong sustansya na bumubulusok mula sa buwan ng Saturno na Enceladus, na hinuhudyatan ang isang posibleng pagkakaroon ng tubig.
Abril 20 – Inihayag ng Iran ang isang kasunduan sa Rusya, na kinakasangkutan ng isang pinagsamang kompanyang pagpapayaman ng uranium sa lupain ng Rusya; pagkalipas ng siyam na araw, inihayag ng Iran na ililipat nito ang lahat ng aktibidad sa Rusya, sa gayon, nagdulot sa isang de facto na pagwawakas ng kasunduan.
Mayo
Mayo 17 – Inilathala ng Human Genome Project ang huling pagkasunod-sunod ng kromosoma, sa pahayagang Nature.
Mayo 27 – Niyanig ng 6.4 Mw na lindol ng Yogyakarta ang Gitnang Java sa Indonesia kasama ang isang intensidad sa MSK na IX (Mapaminsala), na iniwan ang higit sa 5,700 patay at 37,000 nasugatan
Mayo 31 – celebration Ang huling araw ni Katie Couric sa Today Show Ng NBC.
Hunyo
Hunyo 3 – Idineklera ng Montenegro ang kalayaan nito mula sa Serbia at Montenegro pagkatapos ng isang reperendum noong Mayo 21 at naging isang malayang estado. Pagkalipas ng dalawang araw, opisyal na nabuwag ang Estadong Unyon ng Serbia at pagkatapos inihayag din ng Serbia ang kalayaan nito, na tinapos ang 88-taong pagsasama sa pagitan ng dalawang estadong ito at iniwan ang Serbia bilang ang kahaliling bansa ng unyon.
Hulyo 1 – Inilunsad ang isang pagsubok na operasyon ng daang-riles na Qinghai–Tibet, na ginagawa ang Tibet ang huling entidad na nasa antas ng lalawigan ng Tsina na mayroong kumbensyunal na daang riles.
Hulyo 6 – Muling nabuksan ang Silang ng Nathu La sa pagitan ng Indya at Tsina, na napinid noong Digmaang Sino-Indiyano, para sa kalakalan pagkatapos ng 44 na taon.
Agosto
Agosto 24 – Binigyan kahulugan ng International Astronomical Union ang 'planeta' sa ika-26 na Pangkalahatang Pagtitipon nito, na pinababa ang Pluto sa katayuang planetang unano, 76 na taon pagkatapos ng pagkakatuklas nito.
Setyembre
Setyembre 13 – tv host at reporter na si Meredith Vieira siya ay pinili bilang Co-Anchor pumalit Kay Couric Kasama sina Matt Lauer, Al Roker, Ann Curry at Natalie Morales sa Programa na Today Show ng NBC.
Nobyembre 2 – Ang No. 5, 1948 ni Jackson Pollock ay naging pinakamahal na pinta pagkatapos pribadong naibenta ito sa halagang $140 milyon.
Nobyembre 5 – Nasistensyahan ng Natatanging Hukuman sa Iraq ang dating Pangulo ng Iraq na si Saddam Hussein ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti. Naisakatuparan ang pagbibigti sa kanya dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan noong Disyembre 30.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article 2006, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses. ®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.