Si Jules Gabriel Verne (Pagbigkas sa Pranses: ) (8 Pebrero 1828 – 24 Marso 1905) ay isang may-akdang Pranses na nagpasimula ng henerong kathang-isip na pang-agham.
Pinaka nakikilala siya dahil sa kaniyang mga nobelang Twenty Thousand Leagues Under the Sea (1870), Journey to the Center of the Earth (1864), at Around the World in Eighty Days (1873). Marami sa kaniyang mga nobelang ang kinasasangkutan ng mga elemento ng teknolohiya na hindi kapanipaniwala noong kaniyang kapanahunan subalit naging pangkaraniwan na pagdaka. Siya ang pangalawang pinaka isinasalinwikang may-akda sa buong mundo (na kasunod ni Agatha Christie). Ilan sa kaniyang mga aklat ang ginawa rin upang maging mga pelikula at mga palabas na pantelebisyon. Madalas na itinuturing si Verne bilang "Ama ng Kathang-Isip na Pang-agham", isang pamagat na paminsan-minsang isinasalo kina Hugo Gernsback at H. G. Wells.
Jules Verne | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Pebrero 1828
|
Kamatayan | 24 Marso 1905
|
Mamamayan | Pransiya |
Nagtapos | Université de Paris |
Trabaho | nobelista, mandudula, makatà, children's writer, manunulat, manunulat ng science fiction, Esperantista |
Pirma | |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Jules Verne, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.