2000: Taon

Ang 2000 (MM) ay isang siglong taong bisyesto na nagsisimula sa Sabado, sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano.

Ito ang ika-100 at huling taon ng ika-20 dantaon, ika-2000 taon ng Anno Domini o Karaniwang Panahon, ang unang taon ng dekada 2000, ang ika-25 at huling taong bisyesto ng ika-20 dantaon, at ang ika-1000 at huling taon ng ikalawang milenyo.

Dantaon: ika-19 na dantaon - ika-20 dantaon - ika-21 dantaon
Dekada: Dekada 1970  Dekada 1980  Dekada 1990  - Dekada 2000 -  Dekada 2010  Dekada 2020  Dekada 2030

Taon: 1997 1998 1999 - 2000 - 2001 2002 2003

Itinalaga ang 2000 bilang ang Internasyunal na Taon para sa Kultura ng Kapayapaan at ang Pandaigdigang Taon ng Matematika.

Pinanghahawakan ng popular na kultura ang taong 2000 bilang ang unang taon ng ika-21 dantaon at ng ikatlong milenyo dahil sa kinaugaliang pagpapangkat ng mga taon ayon sa desimal na halaga, na para bang nabibilang ang taong sero. Sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano, pumapatak ang pagtatanging ito sa taong 2001, dahil retroaktibong sinasabing nagsisimula ang unang dantaon sa taong AD 1. Yayamang walang taong sero ang kalendaryong Gregoryano, umabot ang unang milenyo mula sa loob ng mga taong 1 hanggang 1000 at ang ikalawang milenyo mula sa mga taong 1001 hanggang 2000. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang dantaon at milenyo.)

Dinadaglat din minsan ang taong 2000 bilang "Y2K" (nangangahulagan ang "Y" bilang "year", ang Ingles ng taon, at nangangahulugan ang "K" bilang "kilo" na ibig sabihin ay "isang libo"). Naging paksa ng alalahaning Y2K ang taong 2000, na mga takot sa hindi tamang pagpalit mula 1999 tungo 2000 ng mga kompyuter. Bagaman, sa katapusan ng 1999, maraming mga kompanya ang nagpalit na sa bago, o pinataas na software. May ilan din ang kumuha ng "sertipikasyong Y2K." Bilang isang resulta ng malawakang pagsisikap, medyo kaunting mga problema ang naganap.

Kaganapan

2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
PlayStation 2
2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
Juan Pablo II
  • Enero 2 - Maramihang pagpatay sa Kosheh: Minasaker ang dalawampung Koptikong Kristiyano ng mga tagabaryong Muslim sa Kosheh, Ehipto.
  • Enero 6 - Natagpuang patay ang huling likas na Pirenaikong aybeks, na tila namatay dahil sa bumagsak na puno.
  • Enero 10 - Inihayag ng America Online ang isang kasunduan upang bilhin ang Time Warner sa halagang $ 162 bilyon (ang pinakamalaking pagsasama ng mga kompanya).
  • Enero 31
    • Bumagsak ang Alaska Airlines Lipad 261 sa baybayin ng California patungo sa Karagatang Pasipiko, na kinitil ang 88.
    • Napatunayang nagkasala si Dr. Harold Shipman sa pagpatay sa 15 pasyente sa pagitan ng 1995 at 1998 sa Hyde, Kalakhang Manchester, Inglatera, at pinarusahan ng habambuhay na pagkabilanggo. Itinuring ng kasunod na pagtatanong na pumatay siya ng hindi bababa sa 215.
  • Marso 4 – Nailabas ang PlayStation 2 sa bansang Hapon, na sinundan ng ibang pagpapalabas sa kanluraning merkado noong huling bahagi ng 2000.
  • Marso 12
  • Abril 3Estados Unidos laban sa Microsoft Corp.: Pinagpasayahan na nilabag ng Microsoft ang batas kontra monopolyo (antitrust) sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapanatili ng "mapang-api na hinlalaki" sa mga kakumpitensya nito.
  • Mayo 5
  • Mayo 11 – Umabot ang populasyon ng Indya sa 1 bilyon.
  • Setyembre 13 – Ipinakilala ni Steve Jobs ang pampublikong beta ng Mac OS X para sa halagang $ 29.95.
  • Oktubre 15 – Nanalo si Dale Earnhardt Sr ng kanyang ika-76 at huling karera sa karerang NASCAR sa Talladega Superspeedway.
  • Nobyembre 2 – Pumasok ang unang residenteng tripulante sa Internasyunal na Estasyong Pangkalawakan (International Space Station).
  • Nobyembre 7 – Ang Pampangulong Halalan ng Estados Unidos ng 2000: Walang naideklarang nanalo, na naudyukan ang isang kontrobersyal na muling pagbilang sa Florida.
  • Disyembre 12 – Bush laban kay Gore: Pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos na kailangang itigil ang muling pagbilang sa pampangulong halalan sa Florida ng 2000 at isertipika ang orihinal na resulta, sa gayon, gagawing si George W. Bush ang panalo sa pampangulong halalan ng Estados Unidos.

Populasyon ng mundo

Populasyon ng mundo
2000 1995 2005
Mundo 6,070,581,000 5,674,380,000 +396,201,000 +6.98% 6,453,628,000 +383,047,000 +6.31%
Aprika 795,671,000 707,462,000 +88,209,000 +12.47% 887,964,000 +92,293,000 +11.60%
Asya 3,679,737,000 3,430,052,000 +249,685,000 +7.28% 3,917,508,000 +237,771,000 +6.46%
Europa 727,986,000 727,405,000 +581,000 +0.08% 724,722,000 -3,264,000 -0.45%
Latino Amerika 520,229,000 481,099,000 +39,130,000 +8.13% 558,281,000 +38,052,000 +7.31%
Hilagang Amerika 315,915,000 299,438,000 +16,477,000 +5.50% 332,156,000 +16,241,000 +5.14%
Oseaniya 31,043,000 28,924,000 +2,119,000 +7.33% 32,998,000 +1,955,000 +6.30%

Kapanganakan

2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
Kristian Kostov
  • Nobyembre 14 – Xiyeon, Koreanang aktres at mang-aawit

Kamatayan

2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
Bettino Craxi
2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
Walter Matthau
2000: Kaganapan, Kapanganakan, Kamatayan 
Jason Robards

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

2000 Kaganapan2000 Kapanganakan2000 Kamatayan2000 Tingnan din2000 Mga sanggunian2000Anno DominiDantaonDekada 2000Ika-20 dantaonIkalawang milenyoKalendaryong GregoryanoKaraniwang PanahonSabadoTaong bisyesto

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Nagkakaisang BansaJuan LunaMga AetaBataanTitiAklatKatas ng pukeSelibatoKoridoBawal na gamotKanal SuezPanaginipWikang KapampanganVladimir LeninPagkalulong sa bawal na gamotUrdanetaOrasanSakit sa pag-iisipJoseph EstradaGitnang LuzonDuhatFernando AmorsoloBela PadillaIlustradoPagkamakabansaSenado ng PilipinasPananakop ng mga Ingles sa MaynilaTimog KoreaPanunuholKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)Unyong EuropeoAngelica PanganibanAwtoritarismoPolusyonPigsaPagpapalaglagKomisyon ng Karapatang PantaoSalapiHukbong Katihan ng PilipinasKawayanSakit sa ibaba ng likodAbogadoWilly GartePistaBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosDouglas MacArthurDulaBuwisDagatKasingkahuluganPanitikan sa PilipinasKanlurang AsyaHabeas corpusPanahon ng KaliwanaganPangngalanHigadMapaMoralidadUpuanEspiritwalidadHentaiMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasLuwalhati sa AmaBangsamoroKomisyon sa HalalanAndrés BonifacioMga katutuboTalinghagaLokal na pamahalaan ng PilipinasEstadistikaIkalawang Digmaang Laban sa OpyoDemokrasyaCosplaySergio OsmeñaPasigLapayTuboMalakas at Maganda🡆 More