Sa pinakapayak na paglalarawaang, ang isang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao.
Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakaka-engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.
Mga Akdang Tuluyan
Mga Akdang Patula Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang pinagmulan nito.
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.
Ang pangalawang uri ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Panitikan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.