Slovakia

Ang Eslobakya (Eslobako: Slovensko), opisyal na Republikang Eslobako, ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa.

Hinahanggan ito ng Polonya sa hilaga, Ukranya sa silangan, Tsekya sa hilagang-kanluran, Hungriya sa timog, at Austria sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 49,000 km2 at may populasyon na mahigit 5.4 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Bratislava.

Republikang Eslobako
Slovenská republika (Eslobako)
Awitin: Nad Tatrou sa blýska
"Kidlat sa Ibabaw ng Tatras"
Slovakia
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bratislava
48°09′N 17°07′E / 48.150°N 17.117°E / 48.150; 17.117
Wikang opisyalEslobako
KatawaganEslobako
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Zuzana Čaputová
• Punong Ministro
Robert Fico
LehislaturaNárodná rada
Kasarinlan 
• Independence from
Austria-Hungary
(First Czechoslovak Republic)
28 October 1918
• Second Czechoslovak Republic
30 September 1938
• Autonomous Land of Slovakia (within Second Czechoslovak Republic)
23 November 1938
• First Slovak Republic
14 March 1939
• Third Czechoslovak Republic
24 October 1945
• Fourth Czechoslovak Republic
1948
• Czechoslovak Socialist Republic
11 July 1960
• Slovak Socialist Republic (within Czechoslovak Socialist Republic, change of unitary Czechoslovak state into a federation)
1 January 1969
• Slovak Republic (change of name within established Czech and Slovak Federative Republic)
1 March 1990
• Dissolution of
Czechoslovakia
1 January 1993
Lawak
• Kabuuan
49,035 km2 (18,933 mi kuw) (ika-127)
• Katubigan (%)
0.72 (2015)
Populasyon
• Senso ng 2022
Neutral increase 5,460,185 (ika-117)
• Densidad
111/km2 (287.5/mi kuw) (ika-88)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $229.584 bilyon (ika-70)
• Bawat kapita
Increase $42,228 (ika-47)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $133.044 bilyon (ika-62)
• Bawat kapita
Increase $24,471 (ika-43)
Gini (2019)22.8
mababa · 1st
TKP (2021)Increase 0.848
napakataas · 45th
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Ayos ng petsad. m. yyyy
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+421
Internet TLD.sk and .eu

Kasaysayan

Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas, noong mga Kapanahunang Paleolitiko. Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isang Taong Neanderthal sa Gánovce malapit sa Poprad. Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang-kariton ng isang bata. Nagmula ang laruang ginawa noong Panahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan sa Nižná Myšľa malapit sa Košice. Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan sa arkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayang Otomano, noong mga 1,600 BC.

Mga mamamayan

Sa ngayon, mayroong populasyong 5,379, 455 katao ang Eslobakya na binubuo ng mga Eslobako (85.6%), Unggaro (10.8%), Romani (1.5%), Ukranyano (0.3%), Rutenyano (0.3%), at mga Aleman at Polako.

Politika

Sumali ang Eslobakya sa NATO noong 29 Marso 2004, at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004. Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.

Ang pinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo, na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon. Karamihan sa kapangyarihang ehekutibo ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang unikameral na Sangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako (Národná rada Slovenskej republiky), na may 150 kinatawan. Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sa representasyong proporsyonal. Ang pinakamataas na katawang hudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal (Ústavný súd), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal. Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.

Pagkahati

Pangunahing artikulo: Mga rehiyon ng Slovakia, Mga kondado ng Eslobakya

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Eslobakya sa 8 kraj (kondado), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod. Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasariling entities, mula 2002, nahahati ang Eslobakya sa 8 vyšší územný celok o VÚC na tinatawag na samosprávny kraj (rehyong awtonomo):

Slovakia 
  1. Bratislavský kraj (tingnan din Bratislava)
  2. Trnavský kraj (tingnan din Trnava)
  3. Trenčiansky kraj (tingnan din Trenčín)
  4. Nitriansky kraj (tingnan din Nitra)
  5. Žilinský kraj (tingnan din Žilina)
  6. Banskobystrický kraj (tingnan din Banská Bystrica)
  7. Prešovský kraj (tingnan din Prešov)
  8. Košický kraj (tingnan din Košice)

(Maaari ding palitan ang salitang kraj ng samosprávny kraj sa bawat kaso.)

Nahahati rin ang kraje sa maraming okres (distrito). Kasalukuyang may 79 okres ang Eslobakya.

Slovakia 
Mapa ng Eslobakya

Mga talababa at sanggunian

Mga kawing panlabas

Tags:

Slovakia KasaysayanSlovakia Mga mamamayanSlovakia PolitikaSlovakia PagkahatiSlovakia Mga talababa at sanggunianSlovakia Mga kawing panlabasSlovakiaAustriaBratislavaGitnang EuropaHungriyaPolonyaTsekyaUkranyaWikang Eslobako

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Kathryn BernardoMapilindoCorazon AquinoKolonyalismoMindanaoSandatahang Lakas ng PilipinasUnang HiritLayonPangngalanBacolodRebelyon ni DagohoyGanito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?PanaginipEstadistikaViva Hot BabesPrinsipyoTitiJus sanguinisSedulaMalakas at MagandaPangangalagang pangkalusuganMga lalawigan ng PilipinasDigmaang MalamigMarivelesSan Mateo, RizalPananakit ng bayagIntramurosMga HudyoMartirDaan ng KrusPulmonyaPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoJuancho TrivinoMakroekonomiyaPariralaApolinario MabiniDidalCriselda VolksTahananBastosBauanPagkalat ng Pertussis sa Kalakhang MaynilaTuberkulosisLeonor RiveraPamamaga ng mataAbrahamSan Narciso, QuezonBukoAnak-arawSakit sa ibaba ng likodIsraelAnyong lupaMula Sa PusoParagisFerdinand MarcosKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)PananahiSariling pagninilayNueva EcijaPanitikanEl NiñoSergio OsmeñaGatoKomonwelt ng PilipinasEtimolohiyaPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasSepoyHimagsikang PilipinoUrbanizationSelosWalisEmilio AguinaldoMagat SalamatHimagsikang PransesPagsusulatIlocosRelihiyon sa Pilipinas🡆 More