2020: Taon

Ang 2020 (MMXX) ay isang taong bisyesto na nagsisimula sa Miyerkules sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2020 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-20 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-20 taon ng ika-20 dantaon, at ang unang taon ng dekada 2020.

Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1990  Dekada 2000  Dekada 2010  - Dekada 2020 -  Dekada 2030  Dekada 2040  Dekada 2050

Taon: 2017 2018 2019 - 2020 - 2021 2022 2023

Mabigat na nabibigyan kahulugan ang 2020 ng pandemyang COVID-19, na nagdulot ng pandaigdigang paggambala sa lipunan at ekonomiya, ang maramihang pagkansela at pagbinbin ng mga kaganapan, at ang pinakamalaking ekonomikong resesyon simula noong Dakilang Depresyon ng dekada 1930. Tinawag din ng Geospatial World ito bilang "ang pinakamalalang taon ayon sa pagbabago ng klima na bahagiang dahil sa pangunahing mga sakuna sa buong mundo, kabilang ang mga malaking sunog sa kagubatan ng Australya at sa kanlurang Estados Unidos, gayon din ang matinding aktibidad ng mga tropikal na bagyo na nakaapekto sa malaking bahagi ng Hilagang Amerika. Ipinahawatag ng isang progresong ulat na nilathala ng Mga Nagkakaisang Bansa noong Disyembre 2020 na walang natamo sa mga Layunin ng Napapanatiling Pag-unlad para sa 2020.

Idineklera ang 2020 bilang ang "Internasyunal na Taon ng Kalusugan ng Halaman" ng Mga Nagkakaisang Bansa at "Taon ng mga Nars at Komadrona" ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan.

Kaganapan

Enero

2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Sasakyang-panghimpapawid na Lipad 752 ng UIA
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Pumutok ang Bulkang Taal.

Pebrero

  • Pebrero 11 – Pandemya ng COVID-19: Ibinigay ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan ang pangalan sa sakit bilang COVID-19.
  • Pebrero 13 – Naglathala ang NASA ng isang detalyadong pag-aaral ng Arrokoth, ang pinakamalayong bagay na nagalugad ng isang sasakyang-pangkalawakan, na dinaanan ng New Horizons nang lumakbay ito sa sinturon ng Kuiper.
  • Pebrero 24 – Bumagsak ang Pakatan Harapan na koalisyong pamahalaan ng Malaysia at pinalitan ito ng koalisyong Perikatan Nasional. Noong Marso 1, 2020, nanumpa si Muhyiddin Yassin bilang ika-8 Punong Ministro ng Malaysia.
  • Pebrero 27 – Pagbagsak ng merkado ng sapi ng 2020: Bumagsak ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) sa 1,190.95 puntos, o 4.4%, na nagsara sa 25,766.64, ang pinakamalaki nitong isang-araw na puntos na paghina noong panahon na iyon. Sinundan ito ng ilang araw na malaking pagbagsak, na minarkahan ang pinakamalalang linggo para sa indeks simula noong 2008, na dulot ng takot sa pagkalat ng COVID-19.
  • Pebrero 29 – Pinirmahan ang isang kondisyonal na kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Taliban sa Doha, Qatar, na nagdulot sa pagsisimula ng Estados Unidos na unti-unting paalisisn ang mga tropa nito mula sa Afghanistan noong Marso 10.

Marso

2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Isang checkpoint o lugar na pagsisiyasat na isinagawa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa hangganan ng Valenzuela-Meycauayan noong ipinatupad ang pinag-ibayong pampamayanang kuwarantenas upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19
  • Marso 5 – Inawtorisa ng Internasyunal na Korteng Pang-krimen ang pagsisiyasat sa mga Krimen sa Digmaan sa Afghanistan na magpatuloy, na naiulat na pinapahintulot sa unang pagkakataon na maimbestiga ang mga mamamayan ng Estados Unidos.
  • Marso 9
    • Pandemya ng COVID-19: Ang Italya ay naging unang bansa na magpatupad ng isang kuwarantenas sa buong bansa upang itigil ang pagkalat ng COVID-19.
    • Bumagsak ng matindi ang mga presyo ng internasyunal na bahagi o share bilang tugon sa sa digmaan sa presyo ng langis ng Ruso-Saudi at ang epekto ng COVID-19. Bumagsak ang Dow Jones Industrial Average (DJIA) sa higit sa 2,000 puntos, ang pinakamalaking pagbagsak sa kasaysayan nito sa puntong iyon. Lumulob din ang presyo ng langis ng hanggang sa 30% sa maagang kalakalan, ang pinakamalaking pagbagsak simula noong 1991.
    • Sa Pilipinas, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proklamasyon Blg. 922, na ipinapahayag ang isang publikong emerhensiya sa kalusugan dahil sa pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
  • Marso 11 – Pandemya ng COVID-19: Idineklera ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan ang pagsiklab ng COVID-19 bilang isang pandemya.
  • Marso 12 – Bumagsak ang pandaigdigang merkado ng sapi dahil sa patuloy na alalahanin sa COVID-19 at ang mga pagbawal sa paglalakbay ng Estados Unidos sa Pook na Schengen. Napunta ang DJIA sa malayang pagbagsak, na nagsara sa higit sa −2,300 puntos, ang pinakamalalang pagkalugi para sa indeks simula noong 1987.
  • Marso 17 – Sumailalim ang Luzon sa pinag-ibayong pampamayanang kuwarantenas dahil sa pandemya ng coronavirus sa Pilipinas na ipinabatid ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati noong gabi ng Marso 16. Pinalawak nito ang pampamayanang kuwarantenas sa Kalakhang Maynila noong Marso 15. Nagpataw ng kuwarantenas sa ibang bahagi ng bansa sa iba't ibang antas sa mga sumunod na mga buwan.
  • Marso 27 – Ang Hilagang Macedonia ay naging ika-30 bansa na sumanib sa NATO.

Abril

  • Abril 2 – Pandemya ng COVID-19: Ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 1 milyon sa buong mundo.
  • Abril 12
    • Pandemya ng COVID-19: Nag-livestream si Papa Francisco at binigay ang Urbi et Orbi na pagbasbas para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay; ito ang ikalawang pagbasbas sa isang buwan, na ang una ay naganap noong Marso 27 nang ginawa ang isang natatanging serbisyong panalangin upang matapos ang pandemya.
    • Nagkasundo ang OPEC at mga kakampi nito na bawasan ang produksyon ng langis ng 9.7 milyong bariles bawat araw, ang pinakamababang pagbawas na napagkasunduan, na magsisimula sa Mayo 1.
  • Abril 19
    • Kinundina ng Vietnam ang nakaraang pasya ng Tsina na magtatag ng administratibong distrito sa pinagtatalunang Kapuluan ng Paracel at Spratly bilang isang paglabag sa kalayaan nito.
    • Pandemya ng COVID-19: Sumiklab ang mga kaguluhan sa Paris, Berlin at Vladikavkaz bilang oposisyon sa patuloy na mga pagkakandado o lockdown dulot ng COVID-19.
  • Abril 27 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 3 milyon sa buong mundo, habang umabot na sa 1 milyon sa Estados Unidos.

Mayo

  • Mayo 1 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na 1 milyon ang kabuuang bilang ng gumaling na pasyente ng COVID-19 sa buong mundo, sang-ayon sa datos mula sa Pamantasang Johns Hopkins.
  • Mayo 34 – Hindi matagumpay ang mga tumututol na taga-Venezuela at isang pribadong kompanyang militar na nakabase sa Amerika na pasukin ang Venezuela at puwersahang tanggalin si Pangulong Nicolás Maduro sa puwesto.
  • Mayo 4 – Ipinabatid ng isang pangkat ng Britaniko at Keniyanong siyentipiko ang pagkakatulas ng Microsporidia MB, isang parasitikong mikrobyo sa pangkat na Microsporidia na fungi na hinaharang ang mga lamok sa pagdala ng malaria, na potensyal na binibigay daan ang paraan na pigilan ang malaria.
  • May 5
    • Pandemya ng COVID-19: Naging pinakamataas sa Europa ang mga namatay sa Reino Unido na umabot sa 32,313 pagkatapos malagpasan ang bilang na mga namatay sa Italya na 29,029.
    • Nagpalabas ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng Pilipinas ng isang kautusang pagtapos at pagtigil sa operasyon ng pagsasahimpapawid ng ABS-CBN, ang pinakamalaking himpilang midya sa Pilipinas, habang hindi matagumpay na mapanibago ang prangkisa nito sa Kongreso na huling binigay noong Marso 30, 1995. Ang huling pagkakataon na pinasara ang himpilan ay noong pagdeklera ng batas militar ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972. Noong Hulyo 10, bumoto ang mga kasapi ng Komite sa Kongreso para sa Lehislatibong Prangkisa laban sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN.
  • Mayo 6 – Ipinabatid ng mga astronomo ang pagkakatuklas ng unang itim na butas na matatagpuan sa isang sistema ng bituin na maaring makita ng mata lamang.
  • Mayo 26

Hunyo

  • Hunyo 1 – Epidemya ng Kivu: Iniulat ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan ang anim na bagong kaso ng Ebola, at inulat ng UNICEF ang limang patay, sa isang panibagong pagsiklab ng sakit sa Mbandaka, Lalawigan ng Équateur, Demokratikong Republika ng Congo.
  • Hunyo 2 – Naghain ng isang $5 bilyong klaseng aksyon na demanda laban sa Alphabet Inc. at Google, na inakusahan ang kompanya sa paglabag sa karapatan ng pribasiya ng mga tagagamit sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kanila gamit ang incognito mode ng Chrome.
  • Hunyo 4
    • Sinabi ng Pamahalaan ng Pambansang Kasunduan ng Libya na kontrolado nila ng buo ang kabisera, ang Tripoli, pagkatapos umurong ang Pambansang Hukbo ng Libya mula sa teritoryo kasunod ng ilang buwan ng matinding labanan sa lungsod.
    • Nagpasa ang lehislatibong konseho ng Hong Kong ng kontrobersyal na Ordinansa ng Pambansang Awit.
  • Hunyo 7 – Pandemya ng COVID-19: Lumagpas na ang pandaigdigang bilang ng namatay sa COVID-19 sa 400,000.
  • Hunyo 8 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 7 milyon sa buong mundo.
  • Hunyo 9 – Pandemya ng COVID-19: Isang pag-aaral ng Pamantasang Harvard ang nagmumungkahi na maaring kumalat ang COVID-19 sa Tsina noon pang Agosto 2019, batay sa paggamit ng paradahan sa ospital at sa nauusong paghahanap sa web.
  • Hunyo 16
    • Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 8 milyon sa buong mundo.
    • Giniba ng Hilagang Korea ang Tanggapan ng Inter-Koreanong Pag-uugnayan sa Kaesong, na itinatatag noong 2018 upang mapabuti ang mga relasyon.
  • Hunyo 21 – Nangyari ang isang anular na eklipse ng araw.
  • Hunyo 30 – Ipinasa ng Tsina ang kontrobersyal na pambansang batas ng seguridad sa Hong Kong, na pinapahintulot ang Tsina na paghigpitan ang mga oposisyon sa Beijing sa loob o sa labas ng bansa.

Hulyo

  • Hulyo 1 – Sinuportahan ng mga Rusong botante ang isang amyenda sa konstitusyon na, bukod sa ibang pang mga bagay, ginagawang puwedeng maghanap muli si Vladimir Putin ng dalawang anim-na-taong termino kapag natapos na ang kanyang termino sa 2024, na potensyal na pinapahintulot siya na manatili sa kapangyarihan hanggang 2036.
  • Hulyo 15 – Na-hack ang mga akawnt sa Twitter ng mga prominenteng tao sa politika, at kilalang tao upang ianunsyo ang iskam sa bitcoin.
  • Hulyo 22 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 15 milyon sa buong mundo.

Agosto

  • Agosto 4 – Isang pagsabog na dulot ng hindi ligtas na inimbak na ammonium nitrate ang kinitil ang higit sa 220 katao, sinugtan ang libo-libo, at malubhang winasak ang daungan sa Beirut, Lebanon. Tinatayang nasa $10–15 bilyon ang pinsala, at tinatayang nasa 300,000 tao ang walang tirahan. Noong sumunod na araw, idineklara ng pamahalaan ng Lebanon ang isang dalawang-linggong estado ng emerhensiya.
  • Agosto 5 – Naglakbay ang Kalihim ng Kalusugan at Serbisyon sa Tao ng Estados Unidos na si Alex Azar sa Taiwan, ang pinakamataas na opisyal sa Estados Unidos na bumisita sa bansa sa loob ng 40 taon. Kinondena ng PRC ang pagbisita.
  • Agosto 10 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 20 milyon sa buong mundo.
  • Agosto 11 – Pandemya ng COVID-19: Ipinabatid ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na inaprubahan na ng Rusya ang pinakaunang bakuna sa mundo para sa COVID-19.
  • Agosto 25 – Idineklera ang Aprika bilang malaya na sa mabangis na polio, ang ikalawang bayrus na napuksa sa lupalop simula noong napuksa ang bulutong noong nakalipas na 40 taon.
  • Agosto 26 – Ang CEO ng Amazon na si Jeff Bezos ay naging unang tao sa kasaysayan na magakaroon ng net worth (halagang neto) na lumabis sa $ 200 bilyon, sang-ayon sa Forbes.
  • Agosto 28 – Ipinabatid ang pagbibitiw ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa kanyang puwesto, na binanggit ang kanyang masamang kalusugan.
  • Agosto 30 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 25 milyon sa buong mundo. Nagpatuloy ang Indya na magtala ng pinakamataas na arawang pagtala ng mga kaso.

Setyembre

Oktubre

  • Oktubre 10 – Nagkasundo ang Armenia at Azerbaijan sa isang tigil putukan sa patuloy na labanang Nagorno-Karabakh.
  • Oktubre 15:
    • Mga protesta sa Thailand ng 2020: Nagdeklera ang Pamahalaan ng Thailand ng isang "matinding" estado ng emerhensiya na ipinagbawal ang pagtitipon ng lima o higit pa na mga tao, na sinimulan ang pagpipigil sa mga demonstrasyon at sa pagpataw ng pagsensura sa midya.
    • Nagbitiw ang Pangulo ng Kyrgyzstan na si Sooronbay Jeenbekov mula sa kanyang puwesto pagkatapos ng mga linggo ng maramihang protesta sa kalagayan ng halalang parliyamentaryo ng Oktubre 2020; humalili ang pinuno ng oposisyon na si Sadyr Japarov sa parehong umaaktong Pangulo at Punong Ministro ng Kyrgyzstan.
  • Oktubre 30
    • Lindol sa Dagat Egeo ng 2020: Isang lindol na nasa 7.0 magnitud ang tumama sa Turkey at Gresya, na pinatay ang 119 katao at sinugatan ang higit sa 1,000.
    • Pandemya ng COVID-18: Umabot ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 45 milyon sa buong mundo.
  • Oktubre 31 – Dumaan sa kalupaan ng Pilipinas ang Bagyong Rolly (internasyunal na pangalan: Goni), na naging ang pinakamalakas na tropikal na bagyo na dumaan sa kalupaan sa kasaysayan, na pinaalis ang mga daang-libong tao at kinitil ang mga dosenang katao sa rehiyon.

Nobyembre

  • Nobyembre 37 – Halalang pampanguluhan sa Estados Unidos ng 2020: Nahalal si Joe Biden bilang ang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos, pagkatapos dumating ang mga natitirang mga bilang ng boto (Nobyembre 7) mula sa mga susing estado na nabinbin sa pagdagsa ng mga balotang dinaan sa koreo na dulot ng pandemya, na tinalo ang kasalukuyang nakaupong Pangulong Donald Trump.
  • Nobyembre 4 – Pormal na umalis ang Estados Unidos sa Kasundang Paris sa pagbabago ng klima.
  • Nobyembre 8 – Pandemya ng COVID-19: Umaabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 50 milyon sa buong mundo.
  • Nobyembre 9 – Pandemya ng COVID-19: Ang unang matagumpay na pagsubok ng yugto III ng isang bakuna ng COVID-19 ay ipinabatid ng mga kompanya ng gamot na Pfizer at BioNTech, na 90% epektibo sang-ayon sa pansamantalang resulta.
  • Nobyembre 25 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 60 milyon sa buong mundo.
  • Nobyembre 27 – Pinaslang ang pinakataas ng siyentipiko sa Iran, si Mohsen Fakhrizadeh, malapit sa Tehran.
  • Nobyembre 30

Disyembre

  • Disyembre 2
    • Pandemya ng COVID-19: Inaprubahan ng Reino Unido ang bakuna ng Pfizer-BioNTech na BNT162b2, na naging unang bansa sa mundo na ginawa ito.
    • Nakulong ang tatlong aktibista sa Hong Kong para sa kanilang ginampanan sa mga prostesta sa Hong Kong noong 2019–20. Si Joshua Wong ang nakakuha ng matagal na pagkakulong sa 13.5 buwan.
  • Disyembre 4
    • Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 65 milyon sa buong mundo, na may pandaigdigang bilang ng patay sa 1.5 milyon. Sinasalamin ng datos, sa huling linggo, na higit sa 10,000 tao sa buong mundo ay namatay sa katamtaman sa bawat araw, na may isang patay sa bawat siyam na segundo. Sang-ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, nagdulot ang COVID-19 ng mas maraming patay noong 2020 kaysa tuberculosis noong 2019, gayon din, apat na beses ang bilang ng namatay kaysa malaria.
    • Digmaang Sibil ng Somalia: Ipinabatid ng Estados Unidos ang pag-alis nito mula sa labanan sa susunod na buwan.
  • Disyembre 5 – Pandemya ng COVID-19: Nagsimula na ang Rusya sa maramihang pagbabakuna laban sa COVID-19 gamit ang kandidatong Sputnik V.
  • Disyembre 6 – Naganap ang parliyamentaryong halalan sa Venezuela ng 2020.
  • Disyembre 8
    • Pandemya ng COVID-19: Ang Reino Unido ay naging unang bansa na nagsimula ng kampanyang maramihang inokulasyon gamit ang klinikal na awtorisado at buong subok na bakuna, ang bakunang Pfizer–BioNTech.
    • Opisyal na nagkasundo ang Nepal at Tsina sa aktuwal na taas ng Bundok Everest na nasa 8,848.86 metro.
  • Disyembre 12
    • Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 70 milyon sa buong mundo.
    • Nagnormalisado ang Bhutan at Israel ng kanilang mga diplomatikong ugnayan.
  • Disyembre 15 – Inakusahan ng Internasyunal na Korte para sa Krimen ang Pilipinas ng krimen laban sa sangkatauhan dahil sa digmaan nito laban sa droga.
  • Disyembre 20 – Pandemya ng COVID-19: Isang mataas na nakakahawang bagong baryante ng SARS-CoV-2 ang kumakalat sa Europa at Australya na nagdulot ng internasyunal na pagsasara ng mga hangganan.
  • Disyembre 21
    • Pandemya ng COVID-19: 36 kaso ang naiulat sa Base General Bernardo O'Higgins Riquelme sa Teritoryong Antartiko ng Chile, na minamarkahan ang unang impeksyon sa Antartika, ang huling lupalop na naiulat ang impeksyon.
    • Isang dakilang pagdidikit ng Hupiter at Saturno ang nangyari, na nahiwalay ang dalawang planeta sa kalangitan sa 0.1 digri. Iro ang pinakamalapit na pagdidikit sa pagitan ng dalawang planeta simula noong 1623.
  • Disyembre 27 – Pandemya ng COVID-19: Umabot na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 80 milyon sa buong mundo.

Kamatayan

2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Kobe Bryant
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Kirk Douglas
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Hosni Mubarak
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Kenny Rogers
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Mahmoud Jibril
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Heherson Alvarez
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Florian Schneider
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Teresa Aquino-Oreta
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Eddie Ilarde
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Alfredo Lim
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Chadwick Boseman
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Pranab Mukherjee
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Diana Rigg
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Ruth Bader Ginsburg
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Mila del Sol
2020: Kaganapan, Kamatayan, Mga sanggunian 
Jamir Garcia

Mga sanggunian

Tags:

2020 Kaganapan2020 Kamatayan2020 Mga sanggunian2020Anno DominiDekada 2020Ika-20 dantaonIka-3 milenyoKalendaryong GregoryanoKaraniwang PanahonMiyerkulesTaong bisyesto

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Halamang namumulaklakTimog-silangang AsyaKulubotMasoBagyoLabanan sa MactanHaponLupang HinirangSalagubangSa Aking Mga KabataAsinJus sanguinisAnak (pelikula)Antonio LunaBela PadillaPasmaPalakasanEfren PeñafloridaNoli me tangere (parilala)Listahan ng mga laranganBaboyMga pangkat etniko sa PilipinasTimog KoreaBB GandanghariLook ng MaynilaRaffy TulfoJuan LunaSikolohiyaBenito MussoliniPilipinoValeriano Hernandez PeñaMga KrusadaBangko Sentral ng PilipinasHimagsikang PransesDulaFernando AmorsoloPananampalatayaMuhammadEat Bulaga!Ice SeguerraBuwan ng WikaAlamatYantokPartido Komunista ng PilipinasApolinario MabiniSakunaFernando de MagallanesSeverino ReyesBulkang MayonDatosDigmaang Sibil ng TsinaMamagBagBatasHo Chi MinhPagpapahalaga sa sariliUnang PahinaSalawikainSun Yat-senMoroJaime L. SinBibiMagsasakaIkalawang Digmaang Sino-HaponesBekeBataanAdolf HitlerTeodora Realonda y QuintosOrasanPanunuholKalakalanLabanan sa BritanyaKathang-isipJosé de la CruzBulacanIliganBiag ni Lam-angPuno🡆 More