Selena Gomez

Si Selena Marie Gomez (ipinanganak noong 22 Hulyo 1992), ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit at prodyuser na naging tanyag sa pagganap niya bilang Alex Russo sa orihinal na serye ng Disney Channel na Wizards of Waverly Place.

Selena Gomez
Selena Gomez
Si Gomez noong Hulyo 2013
Kapanganakan
Selena Marie Gomez

(1992-07-22) 22 Hulyo 1992 (edad 31)
Trabaho
  • Artista
  • mang-aawit
  • manunulat ng awitin
  • ehekutibong prodyuser
  • modelo
  • taga-disenyo ng moda
  • pilantropo
Aktibong taon2002–kasalukuyan
Telebisyon
Karera sa musika
Genre
  • Dance-pop
Instrumento
Label
  • Hollywood
  • Interscope
Websiteselenagomez.com

Kasama ng kanyang karera sa telebisyon, lumabas si Gomez sa mga pelikulang Another Cinderella Story (2008), Princess Protection Program (2009), Wizards of Waverly Place: The Movie (2009), Ramona and Beezus (2010), Monte Carlo (2011), Spring Breakers (2012), Getaway (2013), The Fundamentals of Caring (2016), The Dead Don't Die (2019), at A Rainy Day in New York (2019). Binosesan din niya ang karakter na Mavis sa pelikulang prangkisa na Hotel Transylvania (2012–kasalukuyan), at naging ehekutibong prodyuser ng seryeng pantelebisyon ng Netflix na 13 Reasons Why (2017–2020) at Living Undocumented (2019).

Naglabas si Gomez ng tatlong album sa kanyang dating banda na Selena Gomez & the Scene: Kiss & Tell (2009), A Year Without Rain (2010), at When the Sun Goes Down (2011), na lahat ay lumapag sa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard 200 sa Estados Unidos at natamo ang mga sertipikasyong ginto. Karagdagan dito, naglabas si Gomez ng tatlong album bilang solong mang-aawit: Stars Dance (2013), Revival (2015), at Rare (2020), na lahat ay unang lumapag sa Billboard 200. Iniskor niya ang walong single na nasa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard Hot 100: "Come & Get It", "The Heart Wants What It Wants", "Good for You", "Same Old Love", "Hands to Myself", "We Don't Talk Anymore" kasama si Charlie Puth, "It Ain't Me" kasami si Kygo, at "Lose You to Love Me", ang pinakahuli ang una niyang numero-unong single sa tala.

Noong 2017, naiulat ng Billboard na nakapagbenta si Gomez ng higit sa pitong milyong album at 22 milyong single sa buong mundo. Nakatanggap siya ng iba't ibang papuri at pinarangalan bilang ang Kababaihan ng Taon ng Billboard noong 2017. Marami siyang tagasunod sa social media, at sa isang punto, ang pinakasinusundan na indibiduwal sa Instagram. Abala din si Gomez sa ibang bagay kabilang ang isang linya ng makeup, isang linya ng pananamit, isang linya ng handbag, isang linya ng pabango, at isang kompanyang produksyon na nagngangalang July Moonhead Productions. Nakipagtulungan siya sa iba't ibang mga organisasyong pangkawanggawa at, nang siya'y 17 gulang, nahirang siya bilang isang embahador ng UNICEF.

Diskograpiya

Naglabas si Gomez ng tatlong istudiyong album, dalawang EP, at isang kompilasyong album sa solong karera.

Siya ang punong mang-aawit ng dating banda niya na Selena Gomez & the Scene, na naglabas ng tatlong istudiyong album at isang album na remix.

Mga album na solo

  • Stars Dance (2013)
  • Revival (2015)
  • Rare (2020)

Mga album ng Selena Gomez & the Scene

  • Kiss & Tell (2009)
  • A Year Without Rain (2010)
  • When the Sun Goes Down (2011)

Mga sanggunian

Tags:

Selena Gomez DiskograpiyaSelena Gomez Mga sanggunianSelena Gomez Mga panlabas na linkSelena GomezEstados UnidosWizards of Waverly Place

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Kultura ng PilipinasPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasPunoKaragatanSalitaPangulo ng PilipinasUsogPag-atake sa Pearl HarborEkonomiya ng PilipinasDaigdigBahay na batoMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasTeresa MagbanuaKasaysayan ng PilipinasPakikipagtalastasanProduksiyon ng bigas sa PilipinasGatoHacienda LuisitaSingaw (sakit)TsinaHimala (pelikula)Timog AsyaTabloidHukbalahapPatolaJuan LunaBawal na gamotPoncio PilatoRelihiyonIsabela (lalawigan)Sagisag ng Republika ng PilipinasPaglilingkod sa pamayananEfren PeñafloridaGastroenteritisSosyalismoKapataganGonoreaLungsod QuezonBulaklak ng MayoBabaeng nakikipagtalik sa kapwa babaeUnang Digmaang PandaigdigGab LagmanParokya ni EdgarPagkamamamayanKathang-isipPilibusteroPaskoKulugoSimbahang Katolikong RomanoEhekutibong sangayBangko Sentral ng PilipinasBayawakTaguigPag-aaklas sa Kabite ng 1872SanaysayMahal na ArawIranMonopolyoTalaan ng mga digmaang kabilang ang PilipinasLipunanPolitikaKorupsiyon sa PilipinasGavrilo PrincipBenigno Aquino IIIKorupsiyonAlemanyaLambingKagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanBibliyaPelikulaTotalitarismoSurotDaliri sa kamayMIMAROPAPulmonyaMga rehiyon ng PilipinasGubatEdukasyon🡆 More