Lisboa: Kabesera ng Portugal

Ang Lisboa (bigkas Portuges: liz-BU-wa; Ingles: Lisbon) ay ang kabisera at pinakamataong lungsod sa bangsang Portugal.

Ang kasalukuyang populasyon nito ay 564,657 sa loob ng mismong lungsod, ngunit mahigit na 2.4 milyong katao sa Kalakhang Lisboa. Ito ay matatagpuan sa kanluraning bahagi ng Tangway ng Iberia sa Karagatang Atlantiko, sa bibig ng Ilog Tajo. Ito ang himpilan ng Distrito ng Lisboa at ang sentro ng Kalakhang Lisboa. Ito rin ang sentrong pampolitika ng bansa, bilang kinalalagyan ng pamahalaan at ang tirahan ng Pangulo.

Lisboa
big city, municipality of Portugal, city of Portugal
Lisboa: Ekonomiya, Transportasyon, Mga Larawan
Watawat ng Lisboa
Watawat
Eskudo de armas ng Lisboa
Eskudo de armas
Mga koordinado: 38°42′29″N 9°08′20″W / 38.708042°N 9.139016°W / 38.708042; -9.139016 9°08′20″W / 38.708042°N 9.139016°W / 38.708042; -9.139016
BansaLisboa: Ekonomiya, Transportasyon, Mga Larawan Portugal
LokasyonLisbon, Portugal
Bahagi
Pamahalaan
 • Mayor of LisbonCarlos Moedas
Lawak
 • Kabuuan100.05 km2 (38.63 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021, Senso)
 • Kabuuan545,923
 • Kapal5,500/km2 (14,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00
Websaythttp://www.cm-lisboa.pt/

Ang Lisboa ay kilala bilang isang alpha city dahil sa kahalagahan nito sa pinansiya, kalakalan, medya, aliwan, sining, edukasyon at turismo. Isa ito sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomiya ng kontinente, na may lumalagong sentrong pinansiyal at ang daungan nito ay ang pinakamalaki sa "baybaying Atlantiko ng Europa." Mayroon dalawang gusali sa Lisboa na kinikilalang makasaysayan ng UNESCO: ang Tore ng Belem at ang Monasteryo ng mga Heronimos.

Dito pinirmahan ang Tratado ng Lisboa noong 13 Disyembre 2007 at ipinatupad simula noong 1 Disyembre 2009.

Ekonomiya

Ang Kalakhang Lisboa ay pinakamayaman sa Portugal; ang GDP ng bawat tao ay 26,100 euros. Ito ang ika-sampung pinakamayamang kalakhan (base sa GDP) sa kontinente; 40% mas mataas kaysa pangkaraniwang GDP sa Unyong Europeo ng bawat tao. Ang lungsod ay ika-32 sa daigdig pagdating sa laki ng sahod. Marami sa mga himpilan ng mga companyang internasyonal sa bansa ay matatagpuan sa Kalakhang Lisboa at ito ay ika-siyam sa daigdig pagdating sa dami ng mga pagpupulong internasyonal.

Ang Lisboa ay ang ika-25 na madaling-tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa magasinang Monocle. Ito rin ay ang ika-pitong pinaka-dinadalaw na lungsod sa timog Europa, sumunod sa Estambul, Roma, Barcelona, Madrid, Atenas at Milan, na may humigit-kumulang na dalawang milyong turista bawat taon.

Transportasyon

Lisboa: Ekonomiya, Transportasyon, Mga Larawan 
Mapa ng sistemang pang-ilalim (Metro Lisboa)

Tatlong ahensiya ang namamahala sa pang-araw-araw na transportasyon ng mga Lisboeta. Ang Carris ay ang malawak na sistema ng mga bus at mga trambiya. Ang Metropolitano de Lisboa o Metro Lisboa ay ang sistema ng mga treng pang-ilalim. Ang Comboios de Portugal ay ang sistema ng mga treng pang-rehiyon at pambansa.

Ang Paliparan ng Portela (Aeroporto da Portela) ay nagpapalakbay sa humigit-kumulang na 13 milyong pasahero bawat taon. Malawak din ang sistema ng mga daang-bayan at mga treng mabibilis (Alfa Pendular) na nag-uugnay sa mga matataong lungsod sa Portugal. Sa taong 2013 ay magkakaroon na ng mabilis na tren patungong Espanya.

Mga Larawan

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Tags:

Lisboa EkonomiyaLisboa TransportasyonLisboa Mga LarawanLisboa Mga sanggunianLisboa Mga Kawing PanlabasLisboaIlog TajoKabiseraKaragatang AtlantikoPanguloPortugalTangway ng IberiaWikang InglesWikang Portuges

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

IdeolohiyaBibiBundok PinatuboGastroenteritisBekeNegros OrientalFelipe Buencamino Sr.AwtoritarismoKarapatanDigmaang MalamigFidel V. RamosKagawaran ng EdukasyonMonarkiyaPanggagahasa sa PilipinasBasketbolMarian RiveraDiary ng PangetTalaan ng mga bagyo sa PilipinasPasigSosyalismoPagkamakabansaAlamatPakikipag-ugnayan sa ibang taoBulkang TaalKatadEkonomiyaBudhiKundolHimagsikang PransesIsloganRelihiyonBaybayinAng Pagong at ang MatsingDalagang Bukid (pelikula)SibuyasDouglas MacArthurAmihanLikas na yamanKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasTuboBarkoUnang misa sa PilipinasHaponIkalawang Digmaang Laban sa OpyoBangungotLeni RobredoTulay ng San JuanicoGomburzaWatawat ng PilipinasPamamaga ng lalamunanMga KrusadaKawalBinibining Pilipinas 2024Kongreso ng PilipinasTimog-silangang AsyaPalayMoroPakikipanayamAgusan del SurBanaag at SikatPartidong NaziNoli me tangere (parilala)Calamba, LagunaTalataanDulaBalbalSenakuloLindolCarlos María de la TorreTekstoSayaw sa ObandoKultura ng PilipinasLapulapuReglaNobelang PilipinoTalaan ng mga artista sa PilipinasImpraestrukturaDaliri sa kamay🡆 More