Drama

Ang drama ay isang spesipikong moda ng kathang-isip na kinakatawan ang pagkakaganap.

    Para sa ibang gamit, tingnan ang Drama (paglilinaw).

Hango ito sa Griyego na nangangahulugang "aksiyon" (Klasikong Griyego δράμα), na hinango mula sa "gagawin" (Klasikong Griyego δράω).

Drama
Ang mga maskara ng trahedya at komedya, Romanong mosaiko

Ginaganap ang mga drama sa iba't ibang media: teatro, radyo, pelikula, at telebisyon. Kadalasang may kasamang musika at sayaw: inaawit sa buong katagalan ang drama sa opera; kabilang sa mga musikal ang sinasalitang usapan (dialogue) at mga awitin; at ilang mga anyo ng drama na may instrumentong musikal (halimbawa, melodrama at ng mga Hapon). Sa ilang panahon ng kasaysayan (ang lumang Romano at bagong Romantiko), sinulat ang mga drama upang basahin sa halip na ginaganap. Sa improvisation (pagsasagawa ng kusa), wala pa sa simula ang mga sandali ng pagkakaganap ng drama; gumagawa ang mga gumaganap ng isang dramatikong script ng kusa sa mga manonood.

Konteksto

Sa kontekso ng pelikula, telebisyon at radyo, inilalarawan ng drama ang kategorya ng kuwentong kathang-isip na nilalayon na maging mas seryoso kaysa sa nakakatawa na tono, nagbibigay-diin sa pag-unlad ng makatotohanan na katauhan na kailangan humarap sa mga makatotohanang emosyonal na problema. Ang drama ay karaniwang itinuturing na kabaligtaran ng komedya, pero maaari rin ito ihiwalay sa iba pang mga gawa ng ilang malawak na kategorya, tulad ng pantasiya. Upang malaman ang kaibahan ng drama bilang isang kategorya ng kwentong kathang-isip  mula sa paggamit ng parehas na salita pero ang ibig sabihin ay ang madalas na pag kukuwento bilang isang paraan ng pagganap sa buhay, ang salitang drama ay madalas na isama bilang bahagi ng isang parirala upang tukuyin ang kahulugan nito. Halimbawa, bilang isang kategorya sa telebisyon, mas karaniwan ang mga tiyak na salita na palabas sa kategoryang drama, seryeng pandrama, pampalabas na drama at pangtelebisyon na drama sa Estados Unidos; pagproprograma ng drama bilang isang kategorya sa United Kingdom; o telegrama sa Sri Lanka. Sa kamalayan ng kategoryang pelikula, ang karaniwan na termino ay pelikulang drama. 

Mga dramatikong tema tulad ng alkoholismo, pang-aabuso sa bata, pagtungtong sa wastong edad, adiksyon sa droga, emosyon, pag-asa, pagtataksil, balakid sa moralidad, kapinsalaan sa ibang lahi, kawalang-paraya sa relihiyon, sekswalidad, kahirapan, pagpapangkat ng iba't ibang uri, karahasan laban sa kababaihan, katiwalian na naglalagay sa mga tauhan ng problema sa isa't isa, sa ibang tao, sa lipunan, at sa likas na pangyayari. Ang drama ay isa sa mga kategorya sa mga pelikula na mayroong sub-genera tulad ng dramang romantiko, mga pelikula tungkol sa digmaan, mga pelikula tungkol sa pampalakasan, dramang sa isang panahon sa kasaysayan, drama sa korte, at krimen. 

Ang nasa sentro ng drama ay madalas isang tauhan o mga tauhang may problema at nasa mahalagang sandali sa kanilang buhay. Sila ay madalas na umiikot sa paligid ng mga pamilya; mga pelikula tulad ng "karaniwang tao" na sinusuri ang kaloob-looban ng buhay upang tanungin ang malaking katanungan at tumatak sa pinakamalalim na emosyon ng mga tao. Ang drama ay madalas, ngunit hindi palagi, na may trahedya o masakit na resolusyon at pag-aalala ng kaligtasan sa isang trahedya tulad ng pagkamatay ng isang miyembro sa pamilya o sa diborsyo. 

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Kathang-isipPagkakaganapWikang Griyego

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

EstadistikaPaglilimbagTsinaKikilSikolohiyaHimagsikang MagalatTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakPagtatalik na premaritalSalitaJackie GonzagaSarsuwelaArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaPagsasalinKilusang PropagandaBilohabaPaaralanIslam sa PilipinasLikas na yamanPagmamanupakturaEkonomiya ng PilipinasPangyayari sa MukdenTugtuginKalakhang MaynilaPananagutanKarapatang pantaoMedidaLeonor RiveraEmperador HirohitoEspanyaSosyalismoSangguniang BarangayDouglas MacArthurLuzonLohikaMga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaDengueJus sanguinisJacinto ZamoraSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaJosephine BrackenKalakalanEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoPagpapasyaTalasalitaanLihamAklanRebelyon ni DagohoySun Yat-senOrasanArsobispoKagawaran ng Repormang PansakahanPanahon (paglilinaw)Unang HiritKalayaan sa pananalitaKalayaanBukalTubigImplasyon (presyo)SekularisasyonSakunaUlapOrganisasyong di-pampamahalaanPampangaGitnang LuzonKristiyanismoPasigNavotasTamod (paglilinaw)RusyaIlocosPanunuholLa Liga FilipinaHesusTransportasyon sa PilipinasMuhammad Dipatuan KudaratKolusyonAlbanyaValeriano Hernandez Peña🡆 More