Pagtatalik Na Pambutas Ng Puwit: Pagpasok ng ari sa anus o iba pang sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng anus

Ang Pagtatalik na pambutas ng puwit o Pagtatalik na pampuwit (Ingles: anal sex o anal intercourse) ay isang kalaswaan at hindi normal na ginagawa marahil ito ay pagtatalik kung saan ang malaking titi ng lalake ay ipinapasok sa butas ng puwit o anus ng katalik nito para lumuwang.

Ang terminong ito ay maaari ring kabilangan ng ibang mga gawain ng pagtatalik na ginagamitan ng butas ng puwit na kabilang ang pegging paggamit ng strap-on dildo), anilingus, pagdadaliri, at pagpapasok ng laruang seksuwal. Madalas mangyari ang ganitong uri ng pagtatalik sa mga bakla. Ayon sa agham at medisina, ang abnormal na klase ng ganitong pagtatalik ay kamumulan pa ng kanser sa puwit (anal cancer).

Pagtatalik Na Pambutas Ng Puwit: Pagpasok ng ari sa anus o iba pang sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng anus
Pagtatalik na pambutas ng puwit sa babae at lalake.
Pagtatalik Na Pambutas Ng Puwit: Pagpasok ng ari sa anus o iba pang sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng anus
Pagtatalik na pambutas ng puwit sa parehong mga lalaki. Paglalarawan ng pagtatalik ng emperador na si Hadrian at Antinous na ipininta ni Paul Avril noong ika-19 na siglo.

Bagaman ang pakikipagtalik na anal ay karaniwang inuugnay sa mga homoseksuwal, ang pagsasaliksik ay nagpakitang hindi lahat ng bakla ay nakikilahok sa pakikipagtalik na anal at ito ay ginagawa rin ng mga heteroseksuwal. Ang ilang mga uri ng pagtatalik na anal ay maaari ring bahagi ng pagtatalik ng mga tomboy.

Maraming mga tao ang nakararanas ng kasiyahan sa pakikilahok sa pagtatalik na anal at ang ilan ay maaaring makaabot sa kasukdulan (orgasm) sa pamamagitan ng estimulasyon (pagpapananabik) ng prostate sa mga lalaki at tinggil at g-spot sa mga babae. Gayunpaman, ito ay maaaring maging masakit para sa ilang pinapasukan nito. na maaaring sikosomatiko sa ilang mga kaso.

Gaya ng ibang mga anyo ng pagtatalik, ang mga indibidwal na walang sakit ay maaaring manganib na mahawaan ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik sa isang impektado o may sakit na indbidwal. kaya ang ligtas na pakikipagtalik ay ipinapayo gaya ng paggamit ng kondom. Ang pakikipagtalik sa anus ay tinuturing na mataas na mapanganib na paraan ng pagtatalik dahil sa pagiging marupok ng tumbong o rectum at mga tisyung ispinkter. Ito ay isa ring kontrobersiyal na paraan ng pakikipagtalik para sa ilang mga konserbatibo at tradisyonal na relihiyoso ngunit para sa mga liberal ay naging katanggap-tanggap ang mga hindi nakapagpaparami (procreative) na paraan ng pakikipagtalik.

Anatomiya at stimulasyon

Pagtatalik Na Pambutas Ng Puwit: Pagpasok ng ari sa anus o iba pang sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng anus 
Anatomiya ng kasariang lalake na nagpapakita ng lokasyon ng prostate malapit sa tumbong o rectum.

Ang pagiging masagana ng mga pandulong nerbo (mga nerve ending) sa rehiyon ng anus at rectum ay gumagawa sa pakikipagtalik na anal na nakapagpapaligaya (pleasurable) sa maraming mga lalake at babae. "Ang bukasan at sarahan ng anus ay kinokontrol ng panloob at panlabas na masel na sphincter (na pinakamahalagang masel habang nakikipagtalik habang gamit ang anus). Ang masel na sphincter ay sensitibong membrano na maraming mga pandulong nerbo kaya ito ay pinagmumulan ng kaligayahan o sakit."

Sa mga lalakeng pinapasukan sa anus, ang pagpasok ay maaaring lumikha ng nakapagpapaligayang sensasyon (pandama) dahil sa ang ipinasok na titi ay kumukuskos laban sa prostate (kilala rin bilang "male G-Spot", "P-Spot" o "A-Spot") sa pamamagitan ng pader ng anus. Ito ay maaaring magresulta sa nakapagpapaligayang sensasyon sa mga bahaging ito at maaaring magdulot ng kasukdulan sa ilang mga kaso. "Para sa ilang mga lalake, ang estimulasyon ng prostate ay lumilikha ng orgasmo na kanilang inilalarawan na malalim, panglahat at matindi at kaugnay ng pakiramdam ng ekstasiya (ecstasy o lubos na kaligayahan) kesa sa organsmong idinulot lamang ng pagkuskos ng titi." Ang prostate ay matatagpuan na katabi ng rectum at mas malaki at mas maunlad na homolohiya ng lalake sa glandula ni Skene ng babae (na pinaniniwalaang kaugnay ng G-spot sa babae).

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

AnilingusButas ng puwitDildoKanser sa anusKatalikMga baklaPagdadaliri (pagtatalik)PagtatalikTiti

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

SiningEat Bulaga!MultoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaLiwasang RizalFrancine GarciaBuratDi-kathang isipPamamaga ng mataGregorio del PilarXXXTentacionTributoImplikasyonPagmiminaWinston ChurchillKuliglig (Cicadidae)Severino ReyesPartidong pampolitikaKaranasanInternetWill Ashley De LeonKolonyalismoIrogCriza TaaNingas-kugonPaciano RizalIndustriyalisasyonKagawaran ng Repormang PansakahanPandemya ng COVID-19MapaBastosKarahasan laban sa kababaihanBahagi ng pananalitaElpidio QuirinoKolonyaIskwalang panubokPagdurugo ng ilongMaikling kuwentoMithiinTimog AsyaParisukatAraw (astronomiya)Bela PadillaPariralaSanaysayAtisLindsay de VeraAmihanSagingSiquijorKooperatibaMga pangkat etniko sa PilipinasIranMuhammad Dipatuan KudaratAngelica PanganibanPagtutuliÑSierra Madre (Pilipinas)El filibusterismoSapsapIkalawang Digmaang Laban sa OpyoAraw ng KagitinganTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogTrangkasoKatipunan ng mga KarapatanBalimbingUlapSalagubangIlog PasigPangulo ng PilipinasTalinghagaJose W. DioknoBahay-bataLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiAnekdotaLupang HinirangListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasSakit na naipapasa sa pakikipagtalik🡆 More